17

1K 21 1
                                    

"Good morning baby!" bulong sa kanya ni Paulo habang dinadampian siya ng mga halik nito sa pisngi.

Iminulat niya ang mga mata at nakita ang nakangiting mukha nito.

"Good morning!" masayang bati niya dito.

"Coffee in bed?"

"Thank you!" tugon niya at dahan-dahan na naupo sa kama.

Nakabalik na sila sa beach house nila and they are having a blast. Kahit na minsan ay naalala nito ang ang ama nito ay di nito ipinahahalata sa kanya na malungkot siya.

Tumabi ito sa tabi and wrapped her in his arm. Tahimik lang sila habang umiinom ng kape.

"I mis you Baby." mahinang bulong nito at malungkot ang mukha na nakatitig sa kanya.


Sobrang sakit ng puso niya at pinagpapawisan siya ng magising siya. It was just a dream. Akala niya ay totoo na.

Biglang bumukas ang pintuan niya at nakita si Raphael na nakasuot lamang ng boxer shorts nito.

"Jas, are you ok?" tanong nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi nito.

"I miss him!" wika niya sabay iyak at ipinilig nito ang ulo niya sa balikat nito.

Ngayon lamang siya umiyak ulit. Huli siyang umiyak nong makita si Paulo na itinutulak. She didn't want to mourn dahil gusto niyang maniwala na buhay pa ito. Pero isang taon. Isang taon niya na itong hinahanap at hinihintay.

"I know Jas, I know. Iiyak mo lang." mahinang wika nito habang hiinahagod ang likod niya.

Kumalma na rin siya. Hindi niya na alam kung ilang minuto o ilang oras na siyang umiiyak pero hinayaan lamang siya nito.

Tumingala siya ng konti pero di niya inaasahan na nakatingin rin ito sa kanya at dumampi ang mga labi niya sa mga labi nito.

"I'm sorry kuya!" wika niya at tatayo na sana ngunit humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"I don't like seeing you like this Jas." bulong nito sabay halik sa noo niya.

Ipinilig niya naman ulit ang ulo niya sa balikat nito sabay pikit ng mga mata. "Me too kuya!" sambit niya. Matagal na mula nong huling tawagin niya itong kuya. It's either Raph or Raphael. But now, she wants the brotherly warmth they had back then. She needs it. Not the physical tension and attraction they have now. "Give me 1 month max kuya at babalik din ako sa bahay mo. Just give me this month na iluksa si Paulo." dagdag niya.

"Ok Jasmine, 1 month. After 1 month at nalaman ko na di ka pa rin ready, I will have to drag you out of this house."

Napangiti siya. "Yes, kuya. I promise."





***

"Putang ina. Papatayin kita kung sino ka mang may gawa nito." sigaw ng isang lalaki na nakatali sa upuan. Putok ang labi dahil sa pambubugbog na ginawa niya dito. "Papatayin kita."

Tumawa siya ng marahan. Puno ng galit ang mga mata.

"Pare, tumahimik ka na. Wala ring makakarinig sa atin dito." wika naman ng isang lalaki na nakatali ang mga kamay pataas sa isäng poste.

Isang taon niya rin itong pinagplanuhan. Una niyang kinidnap ang lalaking nakaupo. Ito iyong lalaki na nawalan ng isang tenga. Kung hindi ba naman kasi malibog. Sinabihan niya lang na gusto niya ito ay para ng aso na hindi siya tinigilan sa pagsunod sa loob ng club hanggang sa koste niya. All she had to do was painumin ito ng ng beer na nilagyan niya ng malakas na pampatulog at yon, nakatali na sa upuan.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon