Sobrang sakit ng katawan niya. Napag-isipan niya na di na muna bisitahin ang asawa. Ayaw niyang makita siya nito na ganito. Puno ng sugat at galos ang katawan niya, isama mo pa ang paltos sa mga kamay niya.
Hubo't hubad siyang nakatingin sa salamin at katatapos niya lang maligo. Parang taon-taon na lamang siyang naaaksidente. Baka mag-celebrate na siya ng Happy Accident Day every year.
The staff were so nice to knock on her door earlier to bring her coffee and food. Napapangiti siya sa kabaitan ng mga ito kahit di naman talaga kailangan. They seem really genuine towards her.
Narinig niya ang mahinang katok sa pintuan niya kaya't kinuha niya ang roba na nakapatong sa kama at isinuot ito.
"Good morning po ma'am!" bati sa kanya ng isa sa mga staff.
"Good morning!" nakangiting bati niya dito. Isa ito sa mga tumulong sa kanya kagabi.
"Nagpunta po pala si manong Ben kanina. Hinahanap po kayo. Nasabi po namin na naaksidente po kayo kagabi."
"Ganon ba? Salamat ha." tumango-tango siya. Sana lang ay di nito sinabi sa asawa ang nangyari sa kanya.
"Kung ok lang po sa inyo ma'am, tulungan ko po kayo sa mga sugat niyo po. Kailangan po casing nakabenda yong iba niyong sugat para malinis po." nahihiyang wika nito.
Tumango siya at nilakihan ang pagbukas ng pinto.
May dala itong first aid kit at kagaya ni Josephine ay mahiyain rin ito.
Naupo siya sa may silya katabi ng glass door. "Salamat pala sa pagtulong niyo kagabi ha." wika niya.
"Walang anuman po ma'am! Mabuti na lamang po at hindi grabe ang nangari sa inyo. Nag-alala po kaming lahat sa inyo."
Tumawa siya ng marahan. "Don't worry, ika nga nila, di madaling mamatay ang masamang damo."
Napatawa naman silang pareho.
Ito pala si Rosa,ang kapatid ng may-ari ng hotel. Partner sila ng kapatid nito sa hotel. Humingi naman ulit siya ng paumanhin dahil sa nasira niya ang motorsiklo nito.
Magaan ang mga kamay nito habang nililinis ang mga sugat niya. Masayahin ito at maririnig mo sa boses ang pagkamaalalahanin nito.
"Kung sumasakit po ang sugat niyo ay inumin niyo po ito. Pain killers po iyan. Don't worry, i'm a licensed doctor." nakangiting wika nito sabay tumayo.
"Salamat ulit ha." wika niya na ngayon ay nakahiga na.
"I was just like you back then. Nakikita ko ang sakit sa mga mata mo. But please, don't go on a destructive mode." malambing na wika nito.
Tumango na lammag siya.
"You have to stay in bed. Magpahinga ka muna. I'll bring you lunch later." nakangiting wika nito at lumabas na ng kwarto niya.
Ipinikit niya ang mga mata and put her forearm across her head. Is she really in a destructive mode?
Napabuntong hininga siya. What she saw and heard last night. That was the most painful thing she's ever seen aside from watching her husband fall off the cliff. Last night, tore her. Almost left her with nothing to fight for.
Seeing your husband love someone else is not a pretty sight. It's heartbreaking.
Nakatulog naman siya dahil na siguro sa pagod. Naalimpungatan naman siya ng marinig niya ang pagkatok at pagtawag sa kanya ni Rosa.
Like a mother, she forced her to eat lunch para naman daw makabawi siya ng lakas.
Pinainom siya nito ng gamot at nakatulog naman siya ulit.
BINABASA MO ANG
Tempt Me
RomanceWARNING: R18 po ito. Erotic-ROmance Everybody thinks he's dead. He's not dead, he's back for vengeance on those who stole everything from him. She was 10 when a family adopted her. She was happy and thought it's forever. But a horrible tragedy happe...