12

1.1K 23 5
                                    

"Dito pala ang kwarto mo mahal." wika nito sabay turo sa kwarto na nakabukas ang pintuan.

Isinama siya nito sa opisina nito kanina dahil may emergency meeting sa kompanya kaya't gabi na ng makauwi sila sa condo nito.

Napatingin siya dito at ngumiti ito sa kanya.

"Napag-isip sip ko lang na kailangan mo ng oras--- ayokong pilitin ka na matulog sa tabi ko."

"Kailangan nating mag-usap." wika niya dito sabay hawak sa kamay nito. Ito yong Paulo na dating kilala. Mabait at saka very considerate sa iba. Pero kailangan niyang malaman na may nagawa ako.

Naglakad sila patungo sa salas at naupo sa sofa.

"May problema ba?" seryosong tanong nito.

Napatitig siya dito. He's looking better now. Na-konsensya siya dahil sa iniwan niya ito ng ilang buwan. Asawa pa rin niya ito at iniwan niya ito sa ere kung kelan ay kailangan siya nito. Pero hindi naman ito santo, nasaktan rin naman siya nito.

"M-may nagawa ako." nauutal na tugon niya. Natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Kung itatapon siya nito sa labas ay ok lang. 

Napabuntong hininga ito at hinihintay na magsalita siya ulit.

"I met a guy and I kissed him." napapikit siya. Ini-expect niya na ang pagsigaw nito o ang sampal na aabutin niya rin mula dito.

"May nangyari sa inyo?" nagtitimpi ang boses nito. At alam niyang galit ito."Nakailang beses kayo?" 

"It was just a kiss."

Tumayo ito at iniwan na muna siya. Narinig niya ang pagsara ng pintuan ng kwarto nito.

Masakit rin pala kapag nakakasakit ka ng ibang tao.

Dahan-dahan siyang tumayo. Naisipan niya na mag-hotel na lang muna. Pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya. Hindi niya naman pwedeng tawagan si Emmanuel at baka mag-aalala pa yon.

She grabbed her bags and started walking towards the door. 

"Saan ka pupunta?" narinig kong tanong nito.

"Magho-hotel na lang ako Pau. Salamat pala." tugon niya dito. Di siya makatingin dito ng diretso.

Namumula ang mga mata nito. TIla kinurot naman ang puso niya.

"Ba't ka naman magho-hotel?"

"Kasi--- baka kasi---"

Naputol ang sasabihin niya ng marinig nila ang doorbell.

"I forgot to call her." sambit nito at ito na ang nagbukas ng pinto.

Pinapasok nito ang babae. Maganda ito at chinita. She's in the short side pero ang sexy. 

"Good evening! You forgot our date."

Napangiti na lang siya ng mapakla ng ibaling nito ang tingin nito sa kanya.

"Magbibihis lang ako." tugon naman nito at dali-daling bumalik sa kwarto.

Nagkatinginan silang dalawa ng babae. Di niya alam kung ano ang sasabihin dito. Wala rin naman siyang karapatan na tanungin kung sino ito.

"You must be the wife." wika nito. "I'm Kathy." ngumiti ito sabay lahad ng kamay.

Pinilit niya na ring ngumiti. "Jasmine."

"He's right, you're really beautiful. Nice meeting you. Hindi ka ba sasama sa amin? Magdi-dinner lang kami." 

"Nice meeting you too." di niya alam kung bakit kinakabahan at nasasaktan siya. "Hindi na. Aalis na rin kasi ako." wika niya at dali-daling nagpaalam.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon