SPG SPG SPG
Please, sa mga under 18, wag niyong basahin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Jasmine, bumaba ka na. Kanina ka pa diyan. Baka mapagalitan ka na naman ni papa." tawag nito sa kanya.
"Ayoko gang bumaba." sigaw pa niya dito.
Mag-iisang oras na siya itaaas ng puno ng mangga at pinabababa na siya ni Paulo.
Napabuntong hininga ito. "Bahala ka diyan." sambit pa nito at naglakad palayo dito.
"Wag mo kong iwan." tawag niya pa dito pero di na siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy itong naglakad palayo.
Naiiyak naman siya dahil mag-isa na siya. Gusto niya naman talagang bumaba pero natatakot siya dahil hindi siya marunong. Ang daling umakyat ng puno pero iyong pababa ay tila mahihilo siya.
Ilang minuto rin bago bumalik si Paulo at may dalang bag pack.
"Pau." sigaw niya dito. Masaya siya dahil binalikan siya nito.
"Yaw mo pa rin bang bumaba?"
Umiling na lamang siya dahil nahihiya siyang aminin dito na natatakot siya. Umakyat na rin ito sa puno. Nakangiti naman itong naupo sa tabi niya.
"May dala akong pagkain at saka inumin. Baka nagugutom ka na." wika pa nito at binuksan ang bag nito. "Samahan na muna kita dito."
Tumango-tango siya sabay subo ng dala nitong pagkain.
"Salamat ha." wika pa niya at nginitian ito.
ISang oras na rin ang nakakalipas at ayaw niya pa ring bumaba.
"Bumaba na kasi tayo. Siguradong pauwi na si papa at baka paluin ka naman non." nag-aalalang wika ni Paulo. Palagi na lang kasi siyang pinapalo ng ama nito dahil sa katigasan ng ulo niya.
"Galit ako sa papa mo." giit niya dito. Galit naman talaga siya sa ama nito. Pinatay nito ang pamilya na tumulong at minahal siya. Naaalala pa niya ang mukha ng kuya Raphael niya. Nakapikit ang mga mata ito at naliligo ito sa sariling dugo nito.
"Ba't ka ba kasi galit kay papa?" tanong nito sa kanya.
Napatitig na lamang siya dito. Kahit sa murang edad niya ay alam niyang masasaktan ito kapag sinabi niya ang totons ginawa ng ama nito sa pamilya ni Emmanuel.
Napabuntong hininga na lamang siya sabay kagat sa labi niya. Aya niyang umiyak sa harap nito.
"Wag ka ng umiyak. Andito naman ako. Hindi kita pababayaan." wika nito sabay halik sa kanya sa pisngi.
"Ewwww." tanging sambit niya. "Ba't mo ko kiniss?"
"Kasi girlfriend na kita." nakangitng wika ng batang Paulo.
"Di naman kita gusto eh. Si kuya Raphael ang gusto ko.' nakangusong wika niya.
"Eh wala naman si kuya Raphael mo kaya ako na ang boyfriend mo."
"Ayoko nga eh." naiinis na tugon niya dito.
"Bahala ka diyan." sambit naman nito at dali-dali itong bumaba.
Gusto niya itong tawagin para samahan siya pero ayaw naman biyang tawagin siya nito na girlfriend.
Umiyak na lamang siya ng di na ito makita. Sinubukan niyang tumayo para bumaba pero di niya talaga kaya kayat naupo na lamang siya ulit. Pero natatakot rin siya sa mga palo ng matandang si Silva.
BINABASA MO ANG
Tempt Me
RomanceWARNING: R18 po ito. Erotic-ROmance Everybody thinks he's dead. He's not dead, he's back for vengeance on those who stole everything from him. She was 10 when a family adopted her. She was happy and thought it's forever. But a horrible tragedy happe...