SOMEONE'S POV
Galit at awa ang nararamdaman nito para sa babaeng noo'y tinuring nitong kapatid. Naaalala pa nito ng dalhin nito ang båtäng babae sa bahay nito at ng ampunin ito ng mga magulang.
Gusto nitong sugurin at suntukin ang asawa ng babae. Hindi nito lubos maisip na sasaktan ito ng asawa nito. He's been planning it and he knew that she stole documents from Silva's office. He knew where she hid it and all he had to do is set her up. To make it look like she's the one handing the guy that she met in the coffee shop the documents that could possibly ruin the Crisostomo's.
He didn't expect that her husband would hurt her. She's his wife for pete's sake.
Mapakla itong napangiti. He shouldn't pity her. Galit ito dapat sa kanya.
It's been days when he saw her husband rape her. After that incident ay umalis ang asawa nito pabalik ng Manila to do some damage control.
They'll be paying big money sa mga nasalanta ng minahan ng mga ito. And it's just the start.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi siya masyadong lumalabas ng kwarto niya. And it's been days na wala siyang ganang kumain. Binaboy siya ng asawa niya. Minaltrato siya.
Dahan-dahan siyang tumayo ng kama at magluluto siya ng pagkain. Nagugutom na siya at kailangan niyang maging malakas para sa kapatid niya. She can't go to war hungry.
Nagsuot siya ng sweat pants at t-shirt at nagtungo sa kusina.
Mabuti na lamang at wala ang mga gwardya. Binuksan niya ang cupboard at kumuha siya ng sardinas de lata.
May nakalagay pa na sticky note dito. "I'm sorry! -Pau"
A tear left her eye. Kilalang-kilala na siya ni Paulo. But why does he have to be evil like his father?
Kapag masama ang loob niya ay nagluluto o nagpapaluto siya ng ginisang sardinas. Naalala niya kasi ang kuya Raphael niya noon. Ipinagluluto siya nito. Paborito kasi ito ng kuya Raphael niya kaya't naging paborito niya na rin ito.
Naaamoy pa lamang niya ang niluluto niya ay tila gumagaan na ang pakiramdam niya. Muntik naman siyang matumba dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Kung bakit ba kasi siya nagmukmok sa kwarto niya. Heto siya at nahihilo dahil gutom na gutom na siya. Same feeling when her kuya Raphael first saw her na palaboy-laboy sa kalsada.
Biglang dumilim ang paningin niya and she knew she's going to fall.
Nakaramdam siya ng malalakas na bisig na sumalo sa kanya.
"Ma'am? Ok lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"O-ok lang." sinubukan niyang tumayo ulit ngunit di niya kaya kaya't tinulungan siya nitong umupo.
"Salamat. Pwedeng pakipatay ng stove?" pakiusap niya dito. She'll finish cooking pag ok na siya.
"Tatapusin ko lang tong niluluto niyo po ma'am." tugon nito.
"Salamat." pasalamat niya dito and leaned forward against the table. Magpapahinga na muna siya.
napangiti siya dahil tila dinadala siya ng amoy ng niluluto ni Tristan 15 years ago. When life was easy and fun.
"Heto na po ma'am." wika nito sabay lapag ng ginisang sardinas at kanin sa mesa.
Kahit na medyo nahihilo pa ay inayos niya ang pagkakaupo niya. "Salamat Tristan." wika niya.
BINABASA MO ANG
Tempt Me
RomanceWARNING: R18 po ito. Erotic-ROmance Everybody thinks he's dead. He's not dead, he's back for vengeance on those who stole everything from him. She was 10 when a family adopted her. She was happy and thought it's forever. But a horrible tragedy happe...