18

1K 21 1
                                    

Nakatingin lamang ito sa kanya.

"You could have asked for my help Jasmine." nagtitimpi si Raphael habang nakatingin sa kanya.

"i wanted to do it alone."

"Paano kung nasaktan ka? God, weren't you thinking?"

"Hindi naman ako nasaktan. They're rotting in jail and i am here with you, breathing." malamig na tugon niya dito. When living is just breathing for her. Every breath she take is painful.

She didn't have to testify against them. Anthony and his friends ended up testifying against each other.

And her? People still think she's that innocent woman whose husband died. But he's not dead. Alam niya sa puso niya na hindi pa patay ang asawa niya.

Natapos ang pag-uusap nila ng makita ang sasakyan ni Heather papasok sa gate.

"If she touches me again baka hindi ako makapagtimpi. Make her stay away from me. And if she doesn't, I will have to leave again or I will break her hand." wika niya at agad na nagpunta sa kwarto niya.

Napabuntong hininga siya ng maupo sa kama. She grabbed her purse at kinuha ang cologne. Ini-spray niya ito sa kama at sa buong kwarto sabay pikit ng mga mata niya.

"Pau, i've avenged you. Bumalik ka na. I need you so much!" bulong niya sabay higa sa kama yakap-yakap ang t-shirt nito na huli nitong isinuot bago sila hablutin ng grupo ni Anthony.

She's back in Raphael's house but it doesn't feel like home. Her home is back in the beach house. She just needs a few months to prove Raphael and Emmanuel that she's okay and she'll go back home.

Umiiyak na nahiga siya, yakap-yakap pa rin ang t-shirt ni Paulo at pinapanood ang video na kuha niya noong naliligo sila ni Paulo sa dagat.

I miss you so much Pau. Bumalik ka na. It's been over a year and the pain, hindi siya nawawala. Mas lalong sumasakit. Come back, please. I don't know what i'm going to do with my life.

Nakatulog siyang umiiyak pa rin. Naramdaman niyang may pumasok sa kwarto niya at naupo sa kama.

Kinuha nito ang cellphone niya at pinatay ito sabay haplos sa mukha. She wanted to open her eyes. But it might just be better to act like she's asleep.

"I'm sorry Jasmine. If I believed you that day. Baka di mo nakasama ulit si Paulo. Baka tayo ang nagmamahalan ngayon." wika nito sabay halik sa kanya sa noo.

Narinig niya ang pagsara ng pintuan at dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata sabay buntong hininga.


***

"Good morning!" bati niya kay Raphael ng magising ito.

Nagluluto siya ng agahan total naman ay maaga siyang nagising at kailangan niya ng pagkakaabalahan.

"Good morning!" bati rin nito sabay akbay sa kanya at pagdampi ng halik nito sa ulo niya. "Smells good." turan pa nito.

"Thanks Raph!" sambit niya.

"Good morning ate!" bati naman ni Emmanuel ng maabutan sila sa kusina. Nakiakbay na rin ito. "Good morning kuya!"

"Good morning!" nakangiting bati naman ni Raphael. Masaya itong ganito sila. Masaya itong nakikita na ngumingiti na si Jasmine.

"Na-miss ko ang luto mo ate." wika pa nito.

"Talaga? O siya. Tulungan mo ako. Set the table na bunso." wika niya habang kinukurot sa tagiliran si Emmanuel.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon