14

1.1K 25 3
                                    


Thank you po sa mga nagbabasa po nito.

Dedicated po itong chapter na ito kina @LarzCano @BemilynCure @DanicaNocses


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang linggo ang nakakaraan at nasa Manila pa rin kami. May inasikaso ito sa kompanya nito. Medyo humina ang kita ng mga restaurant nito dahil sa nangyari sa pamilya nito noong mga nakaraang buwan. Buti na lamang at medyo bumabawi na sila.

Nagluluto siya ng hapunan nila ng may mag-doorbell. Akala niya ay si Paulo na ito nagulat na lamang siya na si Raphael ang pinagbuksan niya ng pintuan.

"Kuya!" gulat na sambit niya dito. 

"Kumusta ka na?" seryosong tanong nito.

"Ok lang naman kuya." tugon niya dito. Kinakabahan siya dahil baka magpang-abot sina Paulo.

"Di mo ba ako papapasukin?" tanong nito.

"Sorry kuya. Pauwi na rin kasi si Paulo eh."

"Natatakot ka?"

Napatitig siya dito. Di niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Pero alam niyang takot siyang magkita ang dalawa. Her husband's family killed his and she's still married with Paulo. And she might be unwillingly falling in love with her husband.

"Ba't naman matatakot ang asawa ko?" napatalon pa siya ng marinig niya ang boses ni Paulo sa likuran ni Raphael.

Nginitian pa siya ni Raphael at hinarap ang asawa niya.

"I'm here to pick up my sister." wika pa nito sa asawa niya.

"Pick her up?"

"Iuuuwi ko na siya sa amin." naguguluhan siya sinasabi nito.

"Iuuwi? She's home now. With me." tugon naman ng asawa niya sabay pasok sa pintuan at akbay sa kanya. "You sent her away and now you want her back?"

Tinitigan siya ng masama ni Raphael.

Dahil sa nagulat siya sa pagdating ni Raphael ay di na muna siya nakaimik. She didn't expect him to have the guts na puntahan siya at umasta na pagmamay-ari siya nito. Galit at naiinis siya sa lalaki. After ng lahat ng ginawa niya para sa kapatid nito ay hindi man lang siya nito pinaniwalaan.She's right to just focus on moving forward with her husband.

"She belongs to us. We are her family. I don't want her around a man who's father is a murderer." 

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Paulo sa balikat niya. Kaya't hinawakan niya ito sa bewang.

"Umuwi ka na kuya." seryosong wika niya.

Agad siya nitong hinawakan sa pulsohan niya sabay hila sa kanya palabas ng pintuan ngunit nahila rin naman siya agad ni Paulo. Naramdaman ng asawa niya na ayaw niya itong makisali sa away nila.

"Kuya, ano ba. Umuwi ka na. Di na ako uuwi sa atin. May asawa ako." galit niya wika niya while trying to hold onto her husband dahil tila gusto na nitong suntukin si Raphael.

"Goddamn it Jasmine."

"I'm sorry kuya. Bibisitahin ko naman kayo ni Emmanuel. Pero sana naman. Hayaan mo akong makasama ang asawa ko."

"That guy? Are you in love with the guy who's family killed ours?" Natigagal siya sa sinabi nito. How dare him. Paulo was innocent. Wala naman itong alam sa mga nangyari nong gabing yon. "I should have known." dagdag pa nito sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Tingin na tila nandidiri sa kanya. Umalis na ito at tumulo na lamang ang mga luha niya.

Tempt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon