Chapter 3

329 9 0
                                    

Lenna's POV

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko at inaalala ang tanong sakin ni Iverson kanina.

"Queen, girlfriend ka niya at boyfriend mo siya kaya may 'kayo' pa. Paano ka makamove-on kung.....may 'kayo' pa rin?"

Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi sa naghihintay ako pero ganun na nga. Hindi siya nagtetext sakin at ganun rin ako. Ganito kapag pinutol niyo ang koneksyon sa isa't-isa. Palagi kong pinapatay ang cellphone ko para hindi ko muli marinig ang kanyang boses.

Handa na ba ako? Handa na ba talaga akong mag-let go? Papaano ako magleletgo kung nahihirapan ang puso kong humarapnsa kanya?

Binuhay ko sa ganitong pagkakataon ang cellphone ko. Lumipas ang ilang segundo ay nagdadalawang isip akong pindutin ang kanyang numero dito sa contacts.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko pindutin ang janyang numero at nagbigay sa kanya ng mensahe upang makipagkita bukas sa plaza kung saan doon nangyari ang aksidente ni Haydee nung nakaarang mga buwan at kakabukas lang nang iyon nung past 1 month.

Kinabukasan ay isinuot ko ang simpleng t-shirt tsaka pinaresan ko ng denim short. Isinuot ko ang simpleng tsinelas at ang bagong biling purse bag na kakabili lang ni Xommia kahapon.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng mansion at sumakay sa kotse kong asul. Matapos ng byahe ay hininto ko ito sa entrance ng plaza.

Nakita kong nakaupo sa bench si Ivan habang nakatingin sa mga batang naglalaro ng slides at swings.

(A/N: Play the song: Kung 'di rin lang ikaw by December Avenue ft. Moira dela torre)

Inihanda ko ang sarili ko at kagat labing pumasok. Napapikit nalang ako sa kaba habang naglakad papalapit sa kanyang direksyon.

"Lenna" ramdam ko ang galak sa kanyang boses nang makita niya ako.

Akmang yayakapin niya sana ako nang inalayo ko na ang sarili ko. Mahirap na at ayoko nang umasa pang muli.

"Ivan, sabihin mo na sa akin ang mga kasinungalingan na itinatago mo o ang mga katotohanang nakatago sa likod mo"

Umupo ako sa tabi niya pero may 1 seat apart lang.

"Mahal kita Lenna"

Napapikit ako dahil ayokong umiyak. Pilit na pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo.

"K-Katotohanan ba 'yan o kasinungalingan?" nauutal kong tanong.

"Katotohanan"

Napapikit ako at tumawa ng mapait.

"I-Ivan, ayokong umasa alam mo 'yan...minahal mo ba talaga ako? Tignan mo ako mata sa mata" sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko tumutuyo ang lalamunan ko.

Dahan dahan akong napatingin sa kanya at nakasalubong ang aming mga sulyap.

"Mahal na mahal kita Lenna, noon paman at ikaw na ang isinisigaw ng puso ko at ikaw parin hanggang ngayon" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko ng direkta.

Kanina...pinigilan ko ang mga luha ko pero ngayon, sila na ang nag-uunahang bumagsak.

Napakagat ako sa labi ko. Ayoko nag umasa pa lalo na kapag umasa ka at masasaktan sa huli dahil masakit. Expectations....

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon