Chapter 58
Lennaire's POV
"Bakit Queen Aire?" tanong ni Gabby sa akin.
"Nothing." sabi ko. Hindi ako makakapokus sa aking kinain pero kailangan kong pilitin dahil baka mahalata nila.
I need her confirmation
Kailangan kong malaman mula mismo sa mga bibig ni Sabrina na siya ang mastermind. Hindi ko siya mapapatawad! All this time siya pala?! Tama nga ang kutob ko.
But still I need some confirmation. Hindi dapat ako magpadalos-dalos baka masapak ko siya na wala sa oras.
Bumalik na ako sa classroom, hindi ako makakapag-concentrate sa discussion pero naka-cop up parin naman ako dahil kapag walang akong naintindihan, si Reo ang palagi kong tinatanong at i-eexplain naman niya sakin.
------
Lunch time. Nakangiti akong lumabas. I need to be plastic muna at kung makaharap ko si Sabrina---let's be plastic gaya ng ginawa niya.
"Sabay ka na sakin sa canteen?" anyaya sa akin ni Reo. Ngumiti nalang ako't umiling sa kanya.
"Kasama ko yung boyfriend ko." sabi ko. Tumango ito at ngumiti ng payak. Malungkot ito na tumingin sakin at umalis na.
Bakit malungkot siya?
Lumabas na nga ako, naghintay ako kay Ivan. Mga sampung minuto akong naghintay, sinilip ko yung classroom nila pero wala ng tao.
I texted Ivan.
----
To: Ivan
Babe? Where are you?
-----
Tinago ko na sa aking bulsa ang cellphone. May babaeng pumasok sa classroom at may kinuha sa ilalim na desk niya. Sa pagkakita ko, wallet ang hawak niya. Bago pa siya makalabas ay tinawag ko siya.
"Bakit po Queen Aire?" tanong niya. Lahat na nga ng mga mag-aaral rito ay Queen Aire ang tawag sakin.
"Nakita mo ba si....Ivan?" tanong ko.
"Nakita ko po siya kasama si S-Sabrina..."
Kumunot ang aking noo.
"Papunta sila sa botanical garden." dugtong pa ng babae. Nagpasalamat ako sa kanya at tumakbo palabas ng First year Building.
Bakit niya kasama si Sabrina?
Anong ginagawa nila sa garden?
ANG SABI KO KAY IVAN AY HUWAG SIYANG LALAPIT KAY SABRINA!
Delikado....
What if something might happen to Ivan?
Naglalakad ako papunta sa botanical garden. Nagmamadali ako dahil nag-aalala ako sa kung anong mangyari kay Ivan. Paranoid na nga ako pero god! Nag-aalala ako kay Ivan.
Muntik na akong madapa sa pagtakbo. Hinawakan ko ang sapatos ko at tinanggal ito dahil may batong pumasok sa loob. Inangat ko ang aking tingin at humakbang. Nakayanan ko naman.
Napahinto nalang ako bigla nang makita kong biglang hinalikan ni Sabrina si Ivan. Hindi ako makagalaw. Nanatili sa pwesto si Ivan at tinulak niya ng mahina si Sabrina.
I'm hurt...of course! Looks like, there's 1 million knives stabbing my heart. Ganun kasakit at parang kulang pa. I slowly step forward as I enter the botanical garden.
Liningon ako ni Ivan, bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Habang si Sabrina naman ay walang reaksyon. Dahan-dahang lumapit si Ivan sa akin at yayakapin na sana ako ng lumayo ako.
BINABASA MO ANG
The Fight Until Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 2 OF DEATH TRILOGY ] A story of a girl who loves too much but betrayed by the one she cares the most Do you believe in second chance? Book 3: Chasing Death Intro: Chasing Death is not chasing after all, it's like finding a lie that you believ...