Chapter 46

117 3 0
                                    

Chapter 46

Menger's POV

Gabi na. Nakarating ako sa ospital at binisita si Euclid dahil balita ko nagkakamalay na raw ito.

Pagkapasok ko ay muntik ko nang masakal sa pagkakamiss ang playboy na si Euclid. Kasama niya si Abby na nasa sala at kumakain.

"Gising ka na bro!" masaya kong sabi. Napatawa ito at nagfist bump kaming dalawa.

"Tulog pa ata ako." pamimilosopo nito. Sinamaan ko lang ng tingin si Euclid.

"Nakakain ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumango ito.

"Mahal mo talaga ako noh? H'wag kang mag-alala dahil hindi kita mahal." bwiset itong Euclid na 'to! Natamaan lang ng baril, nagkaganito na. Sana hindi nalang nakuha ng mga doktor ang bala. Biro lang!

"Nakuha ba yung video?" tanong ni Euclid.

"Nakuha pero nakalock ang cellphone at mabuti nalang nabuksan dahil nagpatulong ako kay Mario."

"Sinong Mario?" tanong niya. Nagka-amnesia ata 'to.

"Yung leader na hambog sa Triple X Gang. Yung ugok brother ko na 'yun." sabi ko.

"Ah! Ugok nga, oh tapos?"

Ipinagpatuloy ko ang nangyari kanina.

"May mga lalaking nagbalak na kunin ang cellphone kaninang hapon sa bar. Nakalabas sina Ivan at Queen. Pero si Queen nahimatay."

"Kamusta si Queen?" tanong ni Euclid.

"Hindi ko pa nabisita." sabi ko. Umalis sa kama si Euclid at taka ko naman itong tiningnan.

"Sa'n ka woi?" tanong ko.

"Kay Queen, hindi pwedeng mawala ang leader natin. Tara bisitahin natin." liningon ni Euclid si Abby. "Sasama ka babe?" tanong niya.

"Sige, tatapusin ko muna 'to." sabi ni Abby habang ngumunguya. Napangiti si Euclid at lumapit kay Abby. Sinubuan niya ito. Nakakasakit sa mata.

Nasaan na kaya si Gabby my loves? Where is she? Hindi pa kami nag-uusap kaninang hapon. Last naming usap ay nung tanghali pa.

"Okay tapos na rin, drink water." parang binibaby-sit ni Euclid si Abby. Napanguso si Abby sa kanya at uminom ng tubig. Pinunasan ni Euclid ang labi ni Abby at hinawakan ang kamay.

"Ayos ka na?" tanong ko kay Euclid.

"Oo!" sabi nito at lumabas kami nang sabay. Pinasok namin ang kwarto ni Queen.

Nakita namin na mahimbing ang pagkakatulog ni Ivan sa pagbabantay kay Queen. He really cares for our gangster queen. Mahal niya talaga eh.

"Upo muna tayo." hininaan ko ang boses ko. Umupo kami sa sofa, sinamantalahan naman ni Euclid na kunan ng litrato si Ivan na nakahawak ang kamay kay Queen.

Bigla na lamang nagising si Ivan at lininon kami. Paano ba naman kasi, may flash ang camera na ginamit ni Euclid. Ang tanga niya tuloy.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Ivan. Hindi parin gumigising si Queen and I'm afraid na may mangyayari sa kanya anytime.

"Kakarating lang." sagot ni Euclid. Magkatabi sina ni Abby, kumuha muna ako ng tubig sa water dispenser at uminom. Nauuhaw ako at nakalimutan kong uminom ng tubig.

"Hindi pa ba gising si Queen?" tanong ko kay Ivan.

"Hindi pa." aniya. Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay kay Queen, ang sweet. Tss, iba na talaga kapag mahal mo yung tao.

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon