Dedicated to 64454jisoo
Chapter 37
Xommia's POV
Hinawakan ko ang braso at ang leeg kong mahapdi. Nagawa kasi ng lalaking iyon na patamaan ang leeg ko ng kutsilyo. Bakit ba gusto niya akong mamatay?
Inangat ko ang aking tingin a nag-aalala. Nahihirapan si Ramzo na kalabanin ang lalaki at ngayon kapag itulak siya, mahuhulog siya mula seventh floor hanggang sa first floor.
"Ramzo..." bulong ko sa aking sarili at patakbong sinipa ang lalaki sa tagiliran. Itinago ko si Ramzo sa aking likuran para hindi siya matamaan.
"Hayaan mong, maging lalaki naman ako para sa'yo." sabi ko kay Ramzo. Mahal na mahal ko 'tong lalaking ito kahit na inaasar ako. Kahit na nag-aaway kami parati. Mahal ko siya, sobra. Ayaw kong mawala siya.
Tinadyakan ko ang lalaki sa kanyang tiyan. Kinuha niya ang kutsilyo na nasa kanyang tabi. Tumayo ito't isasaksak na sana ako nang hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang palapulsuhan.
"Anong kailangan mo ha?! Sino ang nag-utos sa'yo?!" tanong ko pero hindi nito nagawagang sumagot. Habang buong lakas kong hinawakan nang mahigpit ang kanyang palapulsuhan, bigla niya akong sinakal.
"R-Ramzo, o-okay ka lang ba d-diyan?" nagawa ko pang humugot ng hininga. Hindi ko na kaya, malakas ang isang 'to. Nanghihina parin ako dahil pinatulog niya ako kanina at may tahi pa sa aking tagiliran.
"I'm okay, babe." tumulo ang aking luha sa kanyang sinabi. Kahit parati kaming nag-aaway, never kaming naging sweet sa isa't-isa. Yung seryosong couple na sweet na sweet. Magkaiba kaming dalawa ni Ramzo.
Everything is different when it comes to love.
Nabitawan ko ang kanyang palapulsuhan dahil sumakit ang aking balikat. Dahil siguro ito sa laban noong isang gabi sa gang fight. Tinapakan ni Allan ang aking balikat at likuran. Naapektuhan ang aking spinal.
Sinakal niya ako nang mahigpit. Nagawa ko pa siyang sipain sa kanyang pinakaiingatan. Liningon ko si Ramzo na nakaupo na at hawak ang kanyang tiyan.
"Ramzo, stay put okay? We'll both survive this night." pagpapalakas ko ng loob kay Ramzo. Hindi ko na makita ang mga galaw ng lalaki dahil gabi na at tanging liwanag ng buwan at liwanag ng ilaw sa hospital ang nagbibigay sa akin ng linaw para masundan ko ang galaw ng lalaki.
Akmang sasaksakin nito ang aking leeg nang pinigilan ko ito. Si Ramzo naman ay tumayo at mahigpit na sinakal ang lalaki.
"K-kaya mo p-pa ba babe?" tanong ko sa kanya. Napangiti siya. Mukhang unang beses ko siyang tinawag na 'babe'. Masaya ako sa twing masaya siya. Malungkot ako sa twing malungkot siya.
Nasasaktan rin ako sa twing nasasaktan siya.
Hindi ko na nagawang sundan ang galaw ng lalaki dahil sinuntok niya ako sa tiyan gamit ang kaliwanag kamao. Wala na akong masasandalan dahil papahulog na sana ako nang hinawakan ni Ramzo ang aking kamay.
Ngunit akala ko ay maliligtas ako. Akala ko maging ligtas si Ramzo pero hindi. Tinulak ng lalaki si Ramzo kaya sabay kaming dalawa na nahulog mula sa rooftop.
Hawak-hawak parin namin ang aming kamay. Ngayon naramdaman ko na ang pagbagsak naming dalawa. Nakapikit ang aking mga mata pero nagawa ko itong idilat. Masakit ang aking leeg pero nagawa ko parin lingunin si Ramzo na may dugo sa kanyang ulo. Nakapikit ito at may dugo sa kanyang bibig.
Nahihirapan akong huminga. Parang sumisinok ako. Nahulog kami sa isa't-isa. Sabay na nahulog mula sa rooftop at magkahawak ang aming kamay.
I closed my eyes.
Someone's POV
Tumingin ako sa ibaba, nakapatay ako. Nang dahil sa pera ay nakapatay ako pero kailangan ko ito. Tinawagan ko ang boss ko at ibinalita sa kanya ang nangyari.
["How was your work? Is the night bloody?"] tanong ng boss ko na isang babae. Makapangyarihan ito dahil anak ito ng vice-governor. Matagal niya na akong utusan.
"Maayos naman ho maam. Parang dalawa pa nga po ang napatay ko eh." mukha akong nagmamalaki pero para ito sa nanay kong may sakit na brain tumor.
["Ang sabi ko isa lang ang patayin mo. Anyways, okay lang dahil times two ang bonus mo.]
"Salamat po maam."
["Now, wait me outside the mansion and I will give you the bonus!"] ibanaba ko na ang tawag. Hinubad ko ang aking mask at nagpalit ng damit pang-pasyente.
Saktong-sakto dahil may mga sugat ako. Pero hindi ako magpapagamot ako. Lintek nalang kapag nahuli ako.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako. May nakita akong isang anino at narinig ko ang mga yabag nitong papalayo. May narinig akong ingay sa basurahan na parang may nahulog. Binalewala ko lang iyon at hinabol ang nurse.
Pumasok ako sa bodega kung saan siya nagtatago.
"Lumabas ka na. Hindi ka na makakatakas ng buhay." sabi ko. Napangisi nalang ako at hinawi ang mga maruruming damit ng doktor at nurse. May mga mantsa pa ito ng dugo. Nakita ko ang isang babae na nanginginig na sa takot.
"P-Please po h'wag po!" lumayo ito sa akin ng kaunti. Hinila ko ang kanyang damit at itinayo sa aking harapan.
"Bakit ka nando'n?" tanong ko. Hindi ito nakasagot. "Nakita mo ang pagpatay ko."
"H'wag niyo po akong patayin please!" napailing nalang ako sa tinis ng boses nito at sinaksak siya sa tiyan. Nakahandusay na ito sa sahig kasama ng mga maruruming uniporme ng doktor at nurse.
Lumabas ako at naghugas ng kamay ng pumasok ako sa CR.
Lennaire's POV
"Nasa'n sina Xommia at Ramzo?" tanong ko nang makapasok kami sa kwarto ni Xommia. Galing pa kami sa karenderia sa tapat ng ospital para bumili ng makakain sa hapunan.
"Malay ko, sabay nga tayong bumili at pumasok dito." pamimilosopo ni Euclid. Lumabas ako pero huminto kaagad nang may mga nurse na nagtatakbuhan.
"Anong nangyari Queen?" tanong sa'kin ni Menger. Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam! Sinundan lang namin ang mga nurse na tumakbo sa labas ng ospital.
Sumingit ako sa kanila at napasinghap nalang sa gulat. Napatakip ako sa aking bibig.
"R-Ramzo, Xommia?" lumapit kaagad si Euclid sa dalawa niyang mga kaibigan. Hawak-hawak nila ang kanilang kamay. Naliligo sa dugo ang ulo ni Ramzo at ang tiyan ni Ramzo. Ang leeg naman ni Xommia ay may malaking hiwa.
"Xommia! Ramzo..." tawag ko. Hindi ko magawang lumapit. Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Kasalanan ko ang lahat ng 'to! Pinagbantaan ang buhay ko at dapat nang mamatay! Sana hindi nalang nadamay ang mga kaibigan ko!
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang mga nagmamahal sa'kin ay mamamatay! Naramdaman kong may kamay na humawak sa aking balikat.
"Ramzo? Xommia?" nagulat pati si Ivan. May nakita akong lalaking nakasuot ng uniporme ng lalaking nurse. Naka-mask ito at naka-cap. Tumakbo ako upang sundan siya pero nabigo ako dahil agad siyang sumakay ng taxi.
Napaupo nalang ako at napahagulgol sa iyak. No! It can't be! Hindi ko na kakayanin na may mawala pa nang dahil sa'kin!
THANK YOU FOR READING!
PLEASE VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
The Fight Until Death (Completed)
Teen Fiction[ BOOK 2 OF DEATH TRILOGY ] A story of a girl who loves too much but betrayed by the one she cares the most Do you believe in second chance? Book 3: Chasing Death Intro: Chasing Death is not chasing after all, it's like finding a lie that you believ...