Chapter 17

178 4 0
                                    

Chapter 17

Lennaire's POV

Isang araw ang lumipas ay naalala ko parin ang nangyari sa amusement park. Hindi ko makakalimutan ang saya sa puso ko dahil pinatawad ko na siya. Yung pinatawad mo na ang isang tao, hindi na mabigat ang dibdib mo.

Nakabihis na ako at hinanda ko na ang sling bag ko tsaka bumaba papuntang sala. Naabutan kong nakaupo sina Xommia at mga boys sa sala habang nanonood ng tv.

"Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" lumingon sila sa akin nang marinig nila ang aking sinabi.

"Ay sandali lang Queen! Malapit nang mag-advertise." sabi ni Euclid habang nakatuon ang atensyon sa tv.

Bumaba ako at umupo sa tabi ni Iverson. Hawak niya ang libro habang nanonood ng tv. Ano ba itong pinapanood nila?

"Yes! Ang sweet!" kinikilig na sigaw ni Xommia. Nanood na rin ako ng tv at ayun, naghalikan ang dalawang bida.

"Mas masaya pa naman yung action!" biglang sabi ni Euclid. Nang mag-advertisement na ay pinaakyat ko na sila para magbihis. Si Iverson ay nasa tabi ko lang at nakabihis na.

"Mabuti at nagkaayos na kayo." napangiti ako sa sinabi ni Iverson. "Mabait kang tao, hindi mo talaga siya matitiis lalo na dahil mahal mo siya."

Tama ka nga diyan Iverson, mahal ko si Ivan. Siya ang pinagkukunan ko ng lakas at ayokong mawala siya sa akin. Magsisimula kami sa dati na walang mga pinagdaanang pagsubok. Walang Zephariah. Wala ang BTS. Wala lahat!

"1 week from now is the class." sabi nito kaya napatango ako. Hindi pa ako nakakabilis ng mga school supplies dahil binisita ako ng katamaran.

"Yeah, stressful na kasi college na tayo." nababagot kong sabi. Antagal naman magbihis ng mga iyon! Ang ayoko ay yung pinaghihintay ako. Alam nila yun.

"Tara!!!!" biglang sigaw ni Ramzo. Napatawa ako ng mahina nang makita ko si Ramzo na naka-jumper. Naka-cap rin si Ramzo.

Bumaba si Xommia at tumabi sa akin. Nakita kong inismiran niya muna si Ramzo. "Oh?" tanong ko.

"Inaamin kong cute siya kaya nga lang, lumalabas ang pagiging isip-bata niya." halos mainis na itong si Xommia. Somehow, swerte si Xommia dahil pinapasaya siya ni Ramzo.

"Ang cute niyong dal'wa." natatawa kong sabi. Nakasuot si Xommia ng off-shoulders na kulay pink at nag-palda pa. Nakita ko naman na bumaba ang ilan naming mga kasama.

"Ang cute ni Ramzo Xommia, diba?" sinilip ni Euclid si Xommia at tinutusok-tusok nito ang kanyang pisngi. "Namumula siya Queen." nilingon niya ako.

Nakita ko nga na namumula si Xommia. Sino ba naman ang hindi macucutan sa isang Ramzo? Maamo ang mukha ni Ramzo palagi at inaaway ni Xommia. Ito ang challenging na relationship.

Yung may isip bata kang jowa haha! Napatawa nalang ako rito at napailing. Tumayo na ako.

"Okay, so tara?" hindi ko na sila inantay pa at naglakad na pero napansin kong hindi sila sumusunod. Lumingon ako at napangiti ako ng nakita kong magkayakap sina Xommia at Ramzo. Nakatalikod si Ramzo pero hindi niya namalayan na pibakita na ni Xommia ang kanyang pakyu-sign.

Lumapit ako sa kanila. "Magyayakapan nalang ba kayo diyan forever?" natatawa kong tanong. Kumalas sila sa pagkakayakap. Lumabas kami ng mansion at sumakay sa van na si Euclid ang magmamaneho.

Pagdating namin sa Gilford University ay marami-rami rin ang mga estudyanteng naririto para sa enrollment.

"Anong gagawin natin sa G.U. Queen?" nakangiting tanong sakin ni Ramzo. Bumuntong hininga ako.

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon