Chapter 13

195 5 0
                                    

A/N: Ilang beses na akong na writer's block huhu! Pero dahil mahal ko kayo, nagbasa ako from Chapter 1-12 para maayos ang flow ng kwento wahaha! (Ang chaka ng tawa ko)
_______________________________________________

Chapter 13

Lennaire's POV

Hinihiling ko na sana hindi maging mabilis ang araw dahil aaminin kong nakakapagod ang mag-aral. Alam niyo yun? Yung gagawa ka ng assignments pero tingin mo hindi mo kaya dahil unang una, need a brain. Nakaka-stress sa utak. Pangalawa, time mangement. Hay!

Tinitignan ko ang mga damit na pagkakainteresan ko pero tingin ko wala. Bahala na ang mga kasama ko. Lagi nalang nagwawaldas ng pera. Hindi ba sila marunong magtipid? Ganun?

Katabi ko ngayon si Xommia na naiinis kay Ramzo. Nag-away kasi sila kanina pero not typical na away, yung pambata na away? Mababaw lang ang dahilan ng pinag-aawayan. Jusko! Kaan ba magma-mature ang pag-iisip ni Ramzo? Kung noon ko lang sana sinabi kay Xommia na hindi makipag-relasyon diyan dahil isip bata.

"Woi sorry na." sumulpot si Ramzo sa tabi ni Xommia. Nakasimangot parin siya. Ang dahilan ng pinag-aawayan kasi ay dahil kay Ramzo. Kung sakaling hindi sila magkaklase ay hihingi si Ramzo ng copy ng schedule ni Xommia at papalitan niya para pareho sila.

"Oh god! Get a life." asik ko at napailing nalang. Umalis ako at pumunta kay Iverson. Ayaw ko kasi na may nakikitang magkasintahan na nag-aaway. Not like AYAW. Alam niyo yun? May pa sweet sweet pa na nalalaman ang lalaki para suyuin ang babae.

"Anong bibilhin mo Iverson?" I asked him. Nilingon niya ako saglit at ibinalik ang atensyon sa mga damit pambabae.

"Regalo ko para sa gf ko."

Napatango nalang ako. Ang sweet naman ni Iverson. Hindi tulad sa iba diyan! Yung lalapitan ka lang dahil may kailangan at magiging kayo dahil may obligasyon siya sayo. F*ck that!

Pagkatapos nilang mamili ng mga importanteng achuchu. Ewan ko ba. Sinamahan ko nalang sila sa counter. Ito ako ngayon at mag-isa lang dahil wala akong binili.

Inaya ko sila sa Food Court para kumain ng tanghalian. Maya-maya na rin ay aalis kami after we eat pero magtatambay muna kami saglit rito.

Umorder ako ng fried chicken, dalawa then two cups of rice. Umorder rin ako ng bulalo. Kanya-kanya na kami. Ang inorder naman ni Euclid ay Japanese Food habang kay Iverson, Xommia at Menger ay Korean Food. Ako naman? Aww wag nalang kasi ordinary lang. Nagtitipid ako eh.

Pagkatapos naming kumain ay nag-request si Ramzo na bumili kami ng pop corn. Nakita niya kasi ang stall ng popcorn kaya pumayag kami at bumili na rin. May cheese flavor at barbeque flavor.

In-order ko ang Jumbo size. Pagkatapos ay lumabas kami sa SM City Cebu habang kumakain ng pop corn. Nag-abang kami ng taxi para ibalik kami sa Quest Hotel.

Pagdating namin sa hotel ay agad naming inilagay ang aming pinabili sa mga drawer. Nag-order si Xommia ng mga pizza at pinapasok ang iba naming kasamahan para makakain rin.

"Ang sarap ah?" komento ni Euclid habang nginunguya ang pizza na kinagat niya.

"Naghirap pa akong intindihin ang bisaya." reklamo ni Xommia. "Pero buti nalang talaga at naintindihan niya ang tagalog."

"They have subject Filipino, obviously they know how to speak." sabi ko. May katwiran naman ako sa aking pinagsasabi.

"Amazing!" komento uli ni Euclid.

"Kung may subject kaya tayo na bisaya?" Xommia asked.

"Ang nalaman ko, may subject rin sila na bisaya. It is called as Mother Tongue-Based or MTB."

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon