Chapter 16

171 6 0
                                    

Chapter 16

Lennaire's POV

Nakangiti akong pinagmasdan si Ivan na kumakain ng cotton candy. Parang nakalimutan ko ang nangyari sa amin, ang misunderstandings namin. Nakalimutan ko ang mga problema ko sa buhay.

Yung makikita mo lang siyang ngumiti, ngingiti ka na rin. Para ka kasing mahahawa sa kanya. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi.

Napansin niya ata na kanina ko pa siya tinitingnan kaya nilingon niya ako at kunot-noong nakatinin sakin. "May dumi ba sa mukha ko?" umiling ako sa kanya.

"Paano mo nga pala nalaman na andito kami sa amusement park?" nagtataka kong tanong.

"Tinext ako ni Euclid na wala ka raw kasama para sa date."

Napairap nalang ako sa ere. Humanda ka talaga sakin'g Euclid ka! Pero kahit naman ganoon, I owe him. Kung hindi niya tinext si Ivan ay hindi niya sana ako samahan sa paglalaro. Baka nga magselos ako sa kanila. Baka maging bitter ako sa date nila.

"Bukas na ang enrollment." tumango ako. Yes, I know pero wala akong balak kasi nakakapagod.

"Lilipat ka ba ng university?" he asked habang pinupunasan ang kanyang labi.

"Nope."

"Loyal ka talaga sa G.U." natatawa nitong sabi sa akin. Antagal naman nitong umubos ng cotton candy. Kanina ko pa naubos kasi paborito ko. Kulay pink yung sakin samantalang blue ang sakanya.

"Ikaw?" I asked him kung lilipat ba siya ng school. Napangiti ako sa kanyang sagot.

"Hindi rin, nandiyan ka pa eh."

"So kung wala ako, lilipat ka?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako galit pero medyo pagka-sarcastic rin yung tanong ko eh.

"Kahit saan ka, nandun ako. Babawi pa ako sayo eh" sabi nito at kinindatan ako.

"Pwede ka namang bumawi sakin kahit na hindi tayo nag-aral sa same school." katwiran ko. Tama nga naman, pwede naman siyang bumawi sakin without this na nasa iisa kami ng campus.

"No, still I don't want. Gusto kitang makita palagi."

Umiwas ako ng tingin at palihim ng ngumiti. Bumabalik na naman kami sa dati na walang iniisip na problema. Problema ko sa buhay ay pag-ibig tsaka yung sinasabi na babalik ako sa Japan.

Ayokong bumalik sa Japan. Para saan pa? Nandun yung lolo ko pero papaniwalaan ko ba ito? Weird kasi tinatawag nila akong princess. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Zephariah nung bihag pa niya ako.

"Ang parents mo ang third gang....Yakuza Gangdom"

Totoo ba talaga ang Yakuza Gangdom? Pinanganak na ba talaga akong gangster? Ito palagi ang katanungan sa aking isipan na wala akong mahahanap na sagot.

Kalahati sa parte ko ang naniniwala na gangster sina mama at papa. Sila rin daw ang namumuno sa isang organisasyon. Kailan ko ba mahahanap ang kasagutan? Ayoko naman na pumunta sa Japan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" napalingon agad ako sa kanya. Ngumiti nalang ako ng payak upang hindi siya mag-alala.

"Anong problema?" tanong niya pa. Hindi siguro ito matatahimik kapag may sinabi ako sa kanya.

"Diba, alam mo nang isa akong lost princess sa Yakuza Gangdom?" tanong ko sa kanya at sinagot naman niya ito ng isang tango.

"Bakit anong meron?"

"Palaisipan sa akin kung totoo ba iyon." bumuntong hininga ako. Saan ko ba mahahanap ang sagot?!

"Totoo." nilingon ko si Ivan. Nakalimutan ko nga pala na binabantayan niya lang ako.

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon