Chapter 25
Someone's POV
Tiningnan ko ang message sa ipinasa ko ni Lenna. Tumawa ako ng mahina at tiningnan siya mula sa malayo. Hindi niya pa talaga alam na may mangyayari pa sa kanyang buhay.
Hindi matatapos ang kanyang buhay na walang dadanak na dugo. Hindi niya isusuot ang matamis na ngiti habambuhay.
Napangiti nalang ako at tiningnan siya mula sa malayo. She's pretty yet she's weak. Mahina siya at gagamitin ko ang kahinang iyon para mawala siya.
Wala siyang kaalam-alam na narito lamang ako at nakatingin sa kanila sa malayo. Wow! They always wear those smiles that later on it will fade. Bumalik na ako sa classroom at umupo dala ang aking mga ngiti.
She will die......SOON
Lennaire's POV
Hindi ko dapat ibalewala ang message na ito and it is a death threat. I think so na tama ang aking hinala. Lumapit sa akin si Ivan at inakbayan ako. Nagtaka naman siyang tumingin sa akin.
"Why?" pinilit kong ngumiti sa kanya. Hinatid niya ako sa classroom. Iba ang pakiramdam ko, I don't feel like may mangyayari sa akin someday.
Pumunta ako sa aking pwesto. Hindi parin napapanatag ang pakiramdam ko. Tsaka hindi ko alam kung kaninong number ito. Can I track this number? Siguradong may iba pang paraan para malaman ko kung sino ang nagbigay nito sa akin.
Punong-puno ng mga tanong at pangamba ang aking kalooban. Dumating na ang aming prof, sa bawat salitang binitiwan nito at mga aral ay wala ni kahit isa ang pumasok sa aking isipan. Hindi ako makakapag-concentrate sa discussion.
Nakasandal lang ako at magkasalubong ang aking kilay. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa aking isipan na hindi ko mawari. Wrong sent lang siguro pero hindi eh kasi kilala niya ang isesend ng kanyang message.
"Any problem?" tanong ng aking katabi. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit kahit na hindi siya nakalingon sa aking direksyon.
"Wala." sabi ko. Nakaharap lamang ako at nakatingin sa pisara. Wala akong naiintindihan na mga formulas sa pisara na isinulat ng prof namin sa Mathematics.
"Let's have a short quiz." sabi ng prof kaya natigilan ako. Hindi ako nakinig sa kanyang discussion at paniguradong bagsak ako. "Get a one whole sheet of paper." dugtong pa ni prof. Kinuha ko ang aking papel at isinulat ang kompleto kong pangalan.
Nakaunang bilang na kami pero hindi ako nakasagot hanggang sa umabot sa ikalimang bilang. Wala parin akong naisagot. Bumuntong hininga ako. Gusto ko na atang sumuko.
Mukha kasing may mangyayari eh. Naalala ko na naman ang aking panaginip. Totoo ba talaga ang lahat ng iyon? Pero kadalasan sa mga panginip ay hindi totoo at kabaliktaran lang. Okay! Hindi ko dapat iyon paniwalaan. Panaginip lang yun.
Nakailang buntong hininga na akong pinkawalan.
"Number 7." tiningnan ko agad ang aking papel. Hindi na ako nakasunod sa kanyang mga tanong. Paborito ko ang math subject pero mukha atang ito ang unang beses na bagsak ang score na makukuha ko.
Napakagat nalang ako ibabang labi ko. Hindi nagpoproseso ang utak ko. Ang mga math formula kasi ay nasa highschool level pa pero mukhang nawala lahat ng pinag-aralan ko. Ganito ba talaga ako kaapektado? Oo.
Palihim kong binuksan ang aking cellphone at binasa muli ang message.
Have some fun in your life Lenna 'cuz in the end, you will not end with a smile. You will end up with blood and pain.
Itinago ko na ito sa bulsa ko. Tiningnan ko ang papel ko na may mga sagot na mali. Chamba na siguro na hindi ako bagsak dito. Maling sagot nalang ang aking isinulat. May mga choices naman kaya ayos lang.
"Number 9."
Nabigla ako nang may inabot na isang papel ang aking katabi. Nilingon ko ito at nanatili ang kanyang mata sa kanyang papel.
"Ramirez, eyes on your paper." napaangat ang aking tingin at napayuko na lamang.
"Sorry po sir."
Tumango ito. "Number 10..."
Tiningnan ko ang mga nakasulat sa papel at muntik nang mamilog ang aking mga mata sa nakita. Taka kong nilingon ang aking katabi na abala sa kanyang papel. Binasa ko ang isang note na nasa ibaba ng mga sagot. Oo, mga sagot. Nagtataka nga ako kung bakit binigyan niya ako.
This is cheating....
Nagsulat ako ng note sa isang papel at ipinasa sa kanya. Binuksan niya ito at sinulatan.
Why are you doing this?-L
Ibinigay niya sa akin ang papel.
Just copy it.-R
Sumulat uli ako.
This is cheating!-L
Tiningnan niya ang papel na ipinasa ko sa kanya. Inangat ko ang aking tingin at nasa harap ang aming prof at nakayuko.
If you don't want then don't.-R
Binasa ko ang nakasulat. At ayoko naman na bumagsak ako sa subject na ito at magtataka ang prof namin na mababa ang nakuha kong puntos. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Alam kong masama ito pero...
Ilang sandali ang lumipas at ipinasa na namin ang aming mga sagot sa harap. Sumandal ako sa aking upuan.
"Thank you." sabi ko. Narinig ko siyang umugong.
"Why didn't you do it?" tanong nito. Habang naghihintay kami sa susunod na subject ay nakipag-usap muna ako kay Reo habang hindi lumilingon sa kanya.
"It's a big mistake to cheat. I'm afraid that God will punish me. I'll expect for some miracle to happen. " sabi ko. Hindi ko nagawang kopyahin ang mga sagot na ibinigay niya sa akin. Kuntento naman ako sa brain ko tsaka aasa nalang ako sa himala. Masamang gawain ang kumopya ng sagot sa iba. Kahit walang nakakita noon, nakikita parin ng diyos ang ginawa mo.
Hindi ako kumopya dahil aasa ako sa himala. Kahit na mga maling sagot ang naisulat ko, at least may sagot o kundi may mga tama akong naisagot na pawang hinula ko lamang.
"I'm amazed." sabi nito na ikinalingon ko. Natawa naman ako ng mahina.
"Don't be, I just did the right thing." seryoso kong sabi. Muntik na sana akong bumigay at muntik ko nang gawin ang mali. Gagawin ko na sana iyon pero naisip kong may diyos na nanonood sakin.
Pumasok na ang sunod naming prof.
"Let's talk about the your Puppet Show. I'll explain it now. You'll going to make your own story. You are partners so you must help each other. In this project, you'll going to have 100 point. Make your own story, own characters, then make a puppet." sabi ng prof. Sa ngayon, unti-unti na akong nakakapag-focus at nakalimutan ang nangyari kanina. I know that magiging delikado ang lahat, I don't know but wala na naman sigurong masamang tao right? I'll just hope for my nice beginning and end.
"Today, make your own story after that, pass your draft to me. Your draft is included in your points. Your 50 minute starts now!" nakita ko sa peripheral view ko na nilingon ako ni Reo.
"Shall we start?" tanong nito na muntik ko nang ikagulat. Siya ba mismo ang unang kumausap sakin? Woah! Well, I hope this will work. Sana gumana ito. Partner ko pa naman ang pinakatahimik sa aming klase.
THANK YOU FOR READING!
PLEASE VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
The Fight Until Death (Completed)
Novela Juvenil[ BOOK 2 OF DEATH TRILOGY ] A story of a girl who loves too much but betrayed by the one she cares the most Do you believe in second chance? Book 3: Chasing Death Intro: Chasing Death is not chasing after all, it's like finding a lie that you believ...