Chapter 49

118 2 0
                                    

Chapter 49

Menger's POV

Madilim na ang gabi. Tiningnan ko ang aking wristwatch, it's 12pm. Nakaramdam narin ako ng antok. Matutulog ako ngayon sa kwarto ni Queen at bantayan siya. Si Iverson naman ay sinamahan si Cheska na bantayan si Xommia na comatose parin. Baka kasi may mangyari kay Xommia.

Nakatanggap ako ng text mula sa mama ni Ramzo. Binasa ko ang message.
----

From: Ram's mom

Bukas na ang funeral, salamat sa pag-aalaga kay Ramzo noong buhay pa siya. Sana dumalo ka Menger kasi ikaw ang malapit na kaibigan ng anak ko. Salamat.

-----

Tinago ko sa aking bulsa ang cellphone. Malungkot parin ako sa nangyari kay Ramzo. Ang makulit na kaibigan ko na 'yun hindi nauubusan ng kabaliwan at kasweetan kay Xommia.

Sana gumising na si Xommia para makita niya sa huling sandali si Ramzo. Nakakalungkot mang isipin na tulog parin si Xommia at walang alam sa nangyayari lalo na kay Ramzo na mahal na mahal niya.

Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mama ni Ramzo kapag malaman niya na comatose ang kabiyak ni Ramzo? A f*cking sad story.

Naglalakad ako sa hallway at pumasok sa madilim na kwarto ni Euclid. Napatigil ako dahil may isang pigura ang lumapit kay Euclid.

"Sino ka?" tanong ko. Wala ba rito si Abby? Liningon ko ang sala at mahimbing na natulog si Abby. Lumapit ako sa taong may gagawin kay Ramzo.

Hinawakan ko ito sa kaliwang balikat, nahulog niya ang syringe. Tiningnan ko ng masama ang taong nasa harap ko at tatakbo na sana ito nang pinigilan ko at sinapak ko siya sa mukha.

Napaupo siya sa sahig, sinapak ko pa siya at balak na tanggalin ang mask na suot niya, pinipigilan niya ako sa gagawin ko. Sinapak ko muli ito at tinanggal ang suot niyang mask.

Nagulat ako sa aking nakita. Namilog ang aking mga mata at hindi maintindihan ang nangyayari kung bakit niya ito nagawa kay Euclid---sa amin. Na nagsinungaling siya sa amin.

"Gabby..." mahina kong sabi. Hindi siya makatingin ng deretso sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ang girlfriend ko ay nagawa kaming lokohin!

"M-Menger s-sorry." nakayuko nitong sabi. Tumayo ito at umiiyak na ako pero lumayo ako dahil ayoko sa ginagawa niya. Nagagalit ako sa kanya.

"Paano mo ito nagawa sa amin Gab?" tanong ko. Umiiyak siya at nanginginig. Ilang beses itong umiling.

"H-Hindi ko i-intensyon na---" may pumutol sa kanyang sasabihin.

"Lokohin kami?" sabat ng kanyang kapatid na si Abby na galit na galit na ngayon sa kanyang ate.

"I-I have my valid reasons." sabi ni Gabby. Tumulo muli ang kanyang luha at pinipisil ang kanyang kamay.

"What valid reasons to make us believe in your lies?" mapait na sabi ni Abby. Lumapit si Gabby kay Abby at hagawakan na sana ang kanyang kamay nang lumayo si Abby.

"H'wag mo akong hawakan," sabi ni Abby. Tahimik lamang ako na nakikinig sa kanila pero gusto kong malaman ang rason ni Gabby kung bakit niya ito ginagawa. "Umamin ka ate, ikaw rin ba ang nagbigay ng droga kay Queen Aire?"

Nakayukong sumagot si Gabby. "Oo....p-pero nagawa ko lang 'yun dahil----"

"Ano pa ang ginawa mo? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Ramzo? Sa pagkahulog niya kasama si Xommia?" sunod-sunod na tanong ni Abby. Nais ko rin itong malaman.

"Wala akong kinalaman...." sagot ni Gabby. "Please maniwala ka naman sakin Abby." pagsusumamo sa kanya ni Gabby.

"Bakit mo iyon nagawa?" nanginginig si Abby sa gulat. Pati narin ako dahil nagawa niya kaming lokohin at pagtaksilan. Magkakaibigan kami!

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon