Chapter 38

118 5 0
                                    

Dedicated to beabaratajimenez


Lennaire's POV

Hinawakan ni Ivan ang aking balikat at niyakap ako nang tumayo ako.

"Let's pray for them." I smiled sarcastically. He even heard it.

"Pray? Hindi naman naririnig ng diyos ang mga dalangin ko ah? Bakit pa ako magdadasal kung alam ko naman na hindi magkakatotoo?" napahagulgol ako na wala sa oras. Bumalik kami at naghintay sa waiting area.

"Si Xommia't Ramzo?" napaupo nalang ako at pinupunasan ang mga luhang parating tumutulo. Mga taksil ito!

"Inoperahan si Xommia, si Ramzo naman..."

Humibi na naman ako. Mabibigat ang mga paghinga na aking pinapakawalan. Nanlambot ang aking tuhod at nanlalamig ang aking dalawang kamay.

Napangisi ako ng sarkastiko. "Parang alam ko na ang mangyayari. Buhay kapalit ng kamatayan."

"H'wag kang magsalita ng ganyan babe."

"Bakit hindi pwede eh totoo naman?" asik ko. Lumabas ang doktor pagkatapos ng isang oras naming paghihintay ni Ivan.

"Kamusta si Xommia doc?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko pa alam ang balita tungkol kay Ramzo dahil sabay silang inoperahan sa magkaibang operation room.

"The operation goes well, there's an injury in her brain and let's wait for Xommia to wake up." sabi ng doktor.

"W-What if..." hindi ko ito natuloy. Masakit sabihin na kapag hindi gigising si Xommia kaaagad.

"Let's just wait for her to wake up. Kapag lagpas na sa tatlo o apat na araw ang kanyang pagkakagising, I will check her situation again and maybe comatose will occur."

Napaatras ako sa aking narinig. Nanlambot ang tuhod ko at napaupo nalang sa malamig na sahig. Parang nahihilo ata ako? Nahihirapan akong huminga.

"Hey babe, are you okay?" nanlabo ang aking paningin bigla at hindi ko matingnan ang mukha ni Ivan. Malabo ito dahil sa luhang nakaharang sa sulok sa aking mga mata.

"I-I think I'm not." inalalayan ako ni Ivan na tumayo at binuhat na pam bridal-style. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at biglang dumilim ang paligid.

---------

Dinilat ko ang aking mga mata nang may naamoy akong mabango. Biglang kumalam ang aking tiyan dahil sa gutom.

"Oh? Queen Aire, kain na tayo?" dinig kong aya sa akin ni Cheska. Napatayo ako sa aking kinahihigaan at agad na inalala si Ramzo.

Okay naman na si Xommia pero maaaring mag-exist ang comatose sa kanya.

"Si Ramzo?" tanong ko sa kanya. Linibot ko ang paningin sa buong kwarto. Natahimik bigla ang aking mga kasamahan. Lumapit sa akin si Ivan at hinawakan ang aking kamay.

"Kumain na tayo? Nahimatay ka kasi dahil sa bigat na naramdaman mo at hindi ka pa nakakain. Five hours ka kayang natulog kaya tara, let's eat?" binuksan ni Ivan ang lunch box. Naamoy ko ang bango ng pinakbet.

"Si Ramzo, kamusta siya?" tanong ko muli ngunit walang sumagot. Bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ko na kinaya pang huminga ng maayos.

"Favorite mo to babe---" pinutol ko ang sasabihin no Ivan.

"TINATANONG KO KAYO PERO WALANG SUMASAGOT!" sigaw ko at hindi na nakaiwas ang mga luhang nagtaksil sa akin. "K-Kamusta si Ramzo?" garalgal ang aking boses.

Lumapit ang ka-close ni Ramzo na si Euclid. Palagi silang nagbabatuhan ng pilosopong sagot. Si Ramzo....

"Queen, kumain ka muna at sasagutin ka namin---" I cut him off. Parang nawalan ako ng pasensya sa kanila.

"Please...." pagsusumamo ko. Pinigilan kong magalit at masigawan sila.

"W-wala n-na s-si Ramzo Queen...." tumulo ang luha ni Euclid at hindi makatingin sa akin ng deretso. "B-Brain-Dead ang nangyari."

Huminga ako ng malalim at ngayon wala na akong paki kung makita nila ang kahinaan ko. Parang wala sila sa paligid at umiyak ako ng umiyak. Ilang beses kong umiling at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Hindi. Hindi pwede! K-Kasalanan ko 'to!" sigaw ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang unan at hinagis ito. Sinasabi ko na nga ba na mangyayari ito!

Una si Jake na namatay para mabuhay si Ivan. Ngayon naman si Ramzo na namatay para mabuhay si Xommia.

Bakit ba 'to nangyayari sakin? Parang gusto ko nalang na magpakamatay? Gusto kong magbigti nalang? Ayoko na kasi sa mga nangyayari. Nadamay si Ramzo dahil sa'kin.

Sinamahan nila ako na bisitahin si Xommia. Nang makita ko siya, bigla nalanga kong naiyak. Naalala ko sa kanya si Ramzo. Mahal nila ang isa't-isa. Tiningnan ko ang mukha ni Xommia na puno ng sugat. May bandage siya sa leeg dahil sa hiwa ng kutsilyo.

Xommia? Alam mo na ba ang nangyari kay Ramzo? Mahal ka niya sobra! At alam kong mahal mo siya ng sobra. Isip bata man si Ramzo pero mahal ka niya. Gumising ka na sana Xommia para malaman mo ang katotohanan kesa nakahiga ka lang diyan.

Yung mga ngiti ni Ramzo. Ang ka-cuteness ni Ramzo. Ang mga tawa ni Ramzo at mga biro nito. Mga trip nito at pang-aasar kay Xommia at sa amin. Ang kanyang pagiging seryoso sa relasyon at sa laban sa gang ay....hinding-hindi ko makakalimutan.

-----------

Limang araw ang nakalipas, natatandaan ko parin ang mga nangyari. Bumalik sa aking alaala ang pagkamatay nina mama at papa, nina ate at Jake, nina BG at Ruth pati narin ang pagkamatay ni Ramzo.

Sabado ngayon, wala talaga akong gana. Nakahiga lamang ako sa aking kama. Nakakulong sa kwarto at pinagbabawalan ko sina Xommia---wala pala siya kasi comatose.

Nalaman ko na na-comatose si Xommia noong isang araw pagkatapos ng funeral ni Ramzo. Marami ang pumunta, malapit sa kanilang puso si Ramzo. Mabait si Ramzo.

Nakalimutan ko na kapag may mga taong malalapit sa'kin ay mawawala nalang bigla. Sorry Ivan pero lalayo muna ako. Limang araw akong absent sa klase.

Wala akong paki kung may umabsent para sakin. Bawat oras ay may kumakatok sa aking kwarto at pinipilit na pumasok ngunit naka-lock ito.

H'wag muna ngayon at gusto ko munang ubusin ang mga luha ko at tapusin ang buhay ko. Let's end this para wala nang maghirap dahil sa'kin.

Kasalanan ko naman talaga lahat eh. Ako ang habol ng mga kalaban dahil ako ang tagapagmana ng Yakuza Gangdom. Hindi ko pa nakikita si lolo...

Iisipin ko munang nanaginip ako na kasama ko ang aking lolo.

Ako talaga ang habol ng mga kalaban. Ako talaga at hindi ang mga kaibigan ko. Nadamay lang sila para unti-unti akong patayin. Hanggang sa ako na mismo ang papatay sa aking sarili.

Ikalimang araw ngayon and I'm taking medicine every hours. Pampawala ito ng sakit sa damdamin at sakit sa katawan. Uminom muli ako....tatlong tableta para sa tatlong salitang....

I AM DEAD.

I'm dead outside and dead inside. I'll wait for the time na mamamatay na ako. Bakit pa kasi hindi nalang tapusin ang buhay ko?! Bakit kailangan ko pang mabuhay at maranasan ang paghihirap?

No, hindi ko na kaya.

I will lock this door always. No eating as always. Parang kasi kapag kumain ako, mapait. Mapait sa panlasa dahil naiisip ko naman ang mga nawala sa akin.

Kaya ngayon na nakakulong na ako sa kwarto, susuko na sina Euclid sa pagkatok hanggang sa hindi na nila namalayan na mahimbing na natutulog sa kama nang habambuhay because...

I'M DEAD






THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon