Chapter 53

121 3 0
                                    

Chapter 53

Lennaire's POV

Bumaba kami ng van, nakikita namin ang mga taong nakasuot ng puti. Tahimik lang kaming naglalakad sa matataas na damuhan at may mga bato pa kaya kailangan ng ibayong pag-iingat sa paglalakad dahil baka madapa ka, at kung madapa ka wala namang tutulong sa'yo kundi ang sarili mo lang. (Mukha na akong naghuhugot.)

Isang malaking pyramidal tent ang nandoon. Pwede na ito sa one dozen na mga tao at kasya sila. May mga itim na monoblock chair ang nandoon at tatlo lang ang nakaupo.

"Tara upo tayo." sabi ni Menger. Umupo kami kasunod ng unang column. Nasa aming harapan ang babaeng umiiyak. Narinig ko pa ang kanyang sinasabi.

"Masakit mawalan ng anak." dinig kong sabi ng babae na may katandaan na siguro. Katabi ko si Ivan at nasa likuran naman sina Menger at Gabby.

Naghintay kami ng ilang sandali bago dumating ang pari. Sinimulan muna niya ito ng dasal at short mass. Hindi ko maiwasan na mapaluha nang pumunta sa harap ang ina ni Ramzo. Yung babaeng umiiyak kanina.

"Si Ramzo, makulit talaga at masayahin siyang anak. Ni hindi ko pa 'yan nakitang magalit talaga. Umiiyak siya mag-isa. Nakakalungkot lang dahil......." pinahid nito ang kanyang luha.

Nasasaktan ako! Matalik kong kaibigan si Ramzo, matalik namin na kaibigan pala. Friendly siya at ang sweet niya kay Xommia. Papaano nalang kapag pagkagising ni Xommia ay wala na si Ramzo?

"Nawala siya kaagad, sana m-makuha na namin ang hustisya...." naiiyak na dugtong ng ina ni Ramzo. Hindi ko alam ang magiging pakiramdam kapag nawalan ng isang anak dahil syempre wala pa akong anak.

Sigurado ako na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Ramzo.

Pagkatapos ay pinatuluan ng holy water si Ramzo. Maraming namamatay dahil lang sa akin. Sa aming grupo, si BG pagkatapos ay si Ramzo. H'wag naman sana na si Xommia ang susunod.

Tinakpan na ang kabaong ni Ramzo at dinala ito patungo sa kakahukay lang na lupa. Sumunod naman kami sa ina ni Ramzo na umiiyak parin ngayon.

"H'wag mong sisihin ang sarili mo." bulong sa akin ni Ivan.

"Wala naman akong sinabi." wika ko. Dahan-dahang ibinaba ang kabaong ni Ramzo hanggang sa unti-unting natatabunan ng lupa ang kanyang kabaong.

Hawak-hawak ko ang aking kamay na nanlalamig dala narin siguro ng malakas na malamig na hangin. Tila uulan ngayon. Niyakap ni Menger ang ina ni Ramzo.

"Nakikiramay po ako." usal ni Menger. Kumalas sila sa pagkakayakap. Napalingon naman sa akin ang ina ni Ramzo.

"Kaibigan rin po sila ni Ramzo tita." sabi ni Menger. Niyakap ko rin ang mama ni Ramzo. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kanyang anak.

"Condolence po...." sabi ko. Napatango ito at pinahid ang kanyang luha. Tumalikod siya sa akin at humarap sa pwesto kung saan nakalibing si Ramzo.

Umalis na ang mga tao na malapit sa kanilang pamilya. Halos isang oras ang seremonya ng paglibing kay Ramzo.

"Tita..." tawag ni Menger.

"Dito na muna ako, pwede na kayong umalis." nakatalikod na sabi ng umiiyak na ina ni Ramzo. Ngumiti ng payak si Menger. Umalis na rin kami at nilakad ang matataas na damo na abot halos sa aming tuhod.

Sumakay kami ng van. Tahimik muna ang nauna sa loob. Hindi muna ito pinaandar ni Euclid.

"Maraming nasaktan dahil sa pagkawala ni Ramzo." sabi ni Euclid. Ngumiti ako ng mapait.

"Nasasaktan tayo at may mas masasaktan.." sabi ko.

"1 week na siyang comatose." sabi ni Iverson. Napapikit ako. Binuksan ko ang bintana at nilanghap nalang ang malamig na hangin.

"Nalulungkot ako para kay Xommia na magigising nalang siya na wala na si Ramzo." wika ko. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Agad ko itong pinunasan, napatanaw nalang ako sa kalangitan.

Isinara ko na ang bintana. Pinaandar na ni Euclid ang kanyang van at kalma ang pagtakbo nito.

"Sana madakip na ang killer." sabi ko. Nakatulog si Ivan habang nasa kanyang leeg ang neckpillow. Tumunod bigla ang cellphone ni Menger. Nasa likuran ko lang sina Gabby.

"Sino ang tumawag?" tanong ko. Ngumiti si Menger.

"Si PO1 Jimenez, siguradong may balita na siya at baka nadakip na ang killer." sabi ni Menger. Napangiti ako sa aking narinig dahil isa itong good news.

Nilapit niya ang cellphone sa kanyang tenga. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at ngumiti. Sa wakas!

"Hah?!" dinig kong sigaw ni Menger. Baka nagulat siya at masaya. Halo-halo ang kanyang pakiramdam.

"Queen...." tawag niya sakin kaya napalingon naman ako. Walang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Kahit hindi ko pa narinig mula sa kanya ang balita, masama na ito para sa akin kasi nakita ko ang reaksyon ni Menger.

"Puro masasamang balita Queen." sabi nito.

"Ano nga?" halos mainis na ako sa kanya dahil nagpaligoy-ligoy pa siya na sabihin sa akin ang totoo.

"Pinatay ang dalawang garbage collectors at...nahuli ang killer pero pinatay rin." sagot ni Menger. Hindi ako maka-react. Nagising si Ivan kanina pa. Nag-aalala na itong tumingin sa akin ngayon.

Bumuntong hininga ako. Hindi pa nakuha ang hustisya at paano naman ito?! Nahuli silang tatlo pero pinatay. Nakakasiguro ako na pinatahimik silang tatlo para walang umamin.

"The mastermind killed them." usal ko. Sumang-ayon sina Iverson at Menger. Si Euclid abala sa pagmamaneho.

Huminto ang van nang makarating na kami sa ospital. Nagdesisyon ako na bisitahin ko muna si Xommia. I haven't visit her yet since na-comatose siya. Ivan accompanied me papasok sa kanyang kwarto. May password ang kwarto niya sa labas at tanging isang nurse at isang doctor lamang na naka-assign sa kanya ang makakabukas. Pati narin kami, alam namin ang password.

Pumasok kami ni Ivan, tumambad sa akin ang mahimbing na pagkakatulog ni Xommia. Ang dalawang niyang kamay ay nakapostura sa ibabaw. May nakakabit na makina sa kanya.

Lumapit ako't umupo sa monoblock chair.

"Xom, kung naririnig mo ako. I want to apologize to you for not visiting you. Xom, kapag gising ka na...alam ko na sisisihin mo ako sa nangyari. Sorry...at nadamay ka pa." hinawakan ko ang kamay ni Xommia. "I hope you'll be okay. Si Ramzo naman Xom, nailibing na..."

Napalunok ako, natatandaan ko pa ang kanilang sweetness sa isa't-isa at yung pag-aaway nila. A sad love story.

"Nahuli na ang pumatay sa kanya Xom pero pinatay siya ng mastermind...I'm sure na may kasabwat ang mastermind na isang pulis." paniniguro ko.

Tumayo ako at nagsalita uli. "Xommia, kung magagalit ka sakin...tatanggapin ko, kung sisihin mo 'ko...tatanggapin ko rin. Sana gumising ka na Xommia." huling sabi ko at lumabas ng kanyang kwarto.

Lumiko kami ni Ivan sa kanan na hallway at pumasok sa aking kwarto. Nakita kong nakaupo na ang aking mga kasama.

"Sa'n ka galing Queen?" tanong ni Euclid. Magkatabi sila ni Abby.

"I visited Xommia." sabi ko at umupo na sa aking kama. Hinarap ko silang lahat.

"Have you heard the bad news?...." tanong ko. Ang nakakaalam lang kasi ay kami nina Menger na nasa van. "The bad news is, napatay ang mga minions ng mastermind."

"Mukhang sinadya ang pagpatay sa kanila para hindi mapaamin." sabi ni Cheska. I nod.

"Looks like the mastermind paid the police to kill them. I don't know who is he pero uunahin muna natin ang mastermind." sabi ko, nanatiling tahimik sila't nakikinig sa aking sasabihin. "Hindi muna natin aalamin kung sino ang mastermind, maglalaro muna tayo."

Isang larong ginawa ng mastermind, siya lang ang player. Kaya habang abala siya sa killing game, we will grant the mastermind's wishes...to play. To play is to kill---para sa kanya.







THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon