Chapter 34

122 6 0
                                    

Chapter 34

Lennaire's POV

Nagising na si Xommia nang bumalik kami ni Ivan sa kanyang kwarto. Agad akong lumapit sa kanya at inalala ang kanyang karamdaman.

"Ang OA mo naman maka-react Queen! Eh para namang mamamatay ako haha!" natatawang wika ni Xommia.

"H'wag ka munang tumawa diyan, baka umaray ka sa tahi mo sa tagiliran." sabi ko at hindi ko ipinahalata na nag-alala ako.

"Ay oo nga pala, hoy butchok!" pinalo ni Xommia sa ulo si Ramzo.

"Gising ka na pala, mabuti naman."

"Ay hindi tulog pa at masama ang nagising ako." sabi ni Xommia. Bakit parang namimilosopo siya?

"Bakit?"

"Kasi bubugbugin kita!" pinakita ni Xommia ang kanyang kamao kay Ramzo.

"Na-miss mo talaga ako Xommia eh." panunukso sa kanya ni Ramzo.

"Hindi, ako ang namimiss mo. Tulog ako for three hours." sabi pa ni Xommia. Umupo naman ako sa sala at binuksan ang facebook ko sa aking cellphone.

-----
To: Reo Kobayashi

Reo, pwedeng ikaw nalang ang gumawa ng puppet ko? Ang mga female character. Something urgent happened.

----
From: Reo Kobayashi

Okay
------

Sinilip ni Ivan ang aking cellphone kaya pinatay ko muna ito. Ang chismoso ng lalaking 'to. Amp!

"Sinong ka-chat mo?"

"Hapon." sabi ko. Halos matawa ako sa itsura nito.

"Sinong sunog na hapon?"

"Hindi 'yun sunog, hilaw pa nga eh. Si Reo." sagot ko.

"Sinong Reo?" tanong nito.

"Seatmate ko." sagot ko.

"Ay! H'wag kang lumalapit do'n!" napairao nalang ako sa kawalan. Napakaseloso. Andaling magselos. Isang tingin ko lang kay Reo mukha na niyang tutusukin ang mata ko.

"Importante ito kasi partners kami sa lahat ng activities. Ikaw nga eh nagpapakapit kay Sabrina." sabi ko. Biglang dumating sina Gabby at Cheska. Nandito rin si Abby at kinamusta nila ang kalagayan ni Xommia.

Hindi nga tama ang sinabi ko na maaaring sina Gabby ang may balak sa 'kin. Napaparanoid nga talaga ako. Nandoon naman kasi sila sa Gangster Hall at kasama ko sa paglabas ng lugar na iyon. At nangyari na ang pagbaril kay Xommia.

"Hindi ah? Nangangati nga ako kasi may virus ako sa linta." sabi nito. Loko! Minana niya pa talaga sa'kin ang salitang 'linta' sakin.

"Tss." singhal ko. Bigla naman niyang hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Ano yung threat message na sinasabi mo kanina sa ambulance? Naalala ko pa 'yun." napakurap ako sa gulat. Hindi ko alam pero nasabi ko ba 'yun?

"K-Kasalanan ko 'to Ivan, sana nag-ingat ako at mailayo kayo. Sana nagawan ko ng aksyon ang threat message." iyak kong sabi. Kasalanan ko 'to! This is all my fault!

Pakshet!

"Ah naalala mo? Kalimutan mo na 'yun." sabi ko at pilit na hindi na niya iyon tatanungin pa.

"Hindi eh, may hindi ka sinasabi sa'kin. Tell me." pinilit kong ngumiti sa kanyang sinabi.

"W-Wala."

"Lennaire Aryx Ramirez." seryoso niyang tawag sa pangalan ko.

"N-Nakatanggap ako ng threat message." sabi ko.

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon