Chapter 42

112 4 0
                                    

Chapter 42

Euclid's POV

Lumingon kami at tiningnan ang lalaki. Mukhang may binabalak ang isang 'to. Kukuhanin ko sana ang takip ng basurahan nang may putok ng baril akong narinig at nakita ko na lang ang kamay kong duguan.

"Bumaba kayo! Inaaksaya niyo ang oras namin! Baba!" sigaw ng lalaki. Bumaba kami ni Ivan. Duguan ang kamay ko.

"Ayos ka lang pre?" nakakabobong tanong ni Ivan sakin. May oras pa akong mamilosopo.

"Ikaw kaya barilin, ayos ka na sa kalagayan na 'yun?" pamimilosopo ko. Lumapit ang dalawang lalaki sa amin at binugbog kami. Marunong kaming lumaban ni Ivan.

"Tss, mag exercise muna tayo." sabi ni Ivan. Tumayo kami. Kahit na masakit ang kamay ko sa tama ng baril ay ininda ko basta masuntok lang ang mukha ng lalaking kalaban ko.

Sinipa ni Ivan ang lalaki samantalang ako ay tinuhod ko ito. Sinakal ko pa at sinuntok sa tiyan. Mabuti nalang at naturuan ako nito. Salamat kay Queen.

"Ivan! Kunin mo ang cellphone!" utos ko kay Ivan. Agad naman siyang umakyat sa truck. Akmang susunod ang isang kasama ng driver nang sinipa ko ito patalikod at tinapakan ang kanyang leeg nang mapahiga ito.

Binali ko ang leeg nito at ang kanyang braso. Hindi ko rin maiwasang mapapikit dahil sumigaw ito sa sakit.

"Sinong nag-utos sa'yo?" tanong ko ngunit umiling lang ito.

"H-Hindi ko sasabibin." sagot nito na nahihirapan na sa sakit.

"Sabihin mo na, titigilan ko 'to." ngisi kong utos. Lintek ang sakit talaga ng tama ng kamay ko. Para akong naputulan ng kamay pagkatapos kong maputukan ng picolo.

"Nakuha ko na pre!" napangisi ako dahil sa sinabi ni Ivan at dahan-dahan itong bumaba ng truck. Naramdaman ko naman na may brasong pumulupot sa leeg ko at mahigpit akong sinakal.

"Hindi mo 'yun malalaman." sabi nito. Pinilit kong tumayo at tinuhod ito. Natumba ito at tumayo muli para suntukin ako.

"Euclid!" sigaw ni Ivan. Sinakal naman ako ng lalaki gamit ang braso nito at naramdaman ko nalang na parang may tumagos sa loob ng aking katawan at umagos ang dugo nito.

Binitawan niya ako. Napaluhod ako at hinawakan ang aking tiyan na may tamang baril. Napaubo ako at lumabas ang pulang likido.

Lalapit na sana si Ivan upang masuntok ang lalaking bumaril sa akin nang inunahan siya nito. Narinig ko ang ingay nang paparating na pulis. Sinong?

Lumapit sa akin si Abby at hinawakan ang aking mukha.

"Euclid..." niyakap niya ako. "Sorry kung ngayon lang ako. Papunta na sana ako sa loob ng ospital para bisitahin si Queen Aire at si Xommia pero bigla kong narinig ang putok ng baril kaya sinundan ko ang pinanggalingan ng ingay na 'yun. Sorry talaga."

Napangiti ako. Ang bait talaga ng girlfriend ko. Natagalan niya ang tingin ko sa mga magagandang babae at hindi naman siya nagseselos dahil naintindihan niyang playboy ako pero alam naman niyang sa kanya ako babagsak.

"O-Okay lang." sabi ko. Hinarap niya ako. Napaubo muli ako at biglang nanlabo ang aking paningin hanggang sa naramdaman ko nalang ang bisig na sumalo sa akin upang hindi ako mapahiga.




Ivan's POV

Malakas na suntok ang iniwan ng lalaki sa akin at balak niya sanang kunin ang cellphone na hawak ko pero dumating ang mga pulis at hinabol sila. Hinabol ng mga pulis ang truck para hulihin sila.

Lumapit ako nina Abby at Euclid at tinulungan namin siyang dalhin sa ospital. Nang dumating kami sa loob ay dinala ito sa emergency room. Naghintay si Abby sa labas ng ER. Nakasalubong ko si Menger nang papunta ako sa kwarto ng reyna ko.

"Oh? Saan ka galing at ba't andami mong sugat?" sunod-sunod na tanong ni Menger sakin.

"Kinuha ko ang lead ng krimen." pinaupo niya ako sa sala. Nakita kong tulog ang aking girlfriend at ansarap pagmasdan ang cuteness niya.

Napatigil na lamang ako sa pagtingin kay Lenna nang may inilagay na basong tubig si Menger.

"Uminom ka muna, alam kong nauuhaw ka kakatingin kay Queen." sabi nito. Umupo ito sa aking tapat. Ininom ko ang tubig at nang maubos na ito isang tanong na naman ang kanyang hinagis papunta sakin.

"Lead sa pagpatay ni Ramzo? Nakilala na ba?" tanong ni Menger. Umiling ako. Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at binuksan ito pero may lock.

"Hala pa'no na 'yan?" nag-aalalang tanong ni Menger. Umiling ako. Hindi ko rin alam kung anong gagawin.

"Kung i-reboot kaya natin?" tanong ni Menger ngunit umiling uli ako.

"Kung gagawin natin ang rebooting, mabubuksan ito pero mabubura ang lahat na nandirito." sabi ko at napatango naman siya. Ano naman ngayon ang gagawin namin?

"Teka nga, baka may clue." kinuha ni Menger ang cellphone. May ginawa muna siya pero hindi umubra. "Wala eh." nilagay niya ang cellphone sa babasaging mesa. "Ah! Ipapabukas ko kaya 'to sa isang gang?"

Hindi ko alam pinagsasabi nito. Tumaas nang bahagya ang aking kilay.

"May kilala ako pero may kapalit naman."

"Sino?" tanong ko.

"Basta, samahan mo nalang ako." tumayo kaming dalawa at pipihitin na sana ang pinto para lumabas pero nagising si Lenna.

"Anong ibig sabihin niyo na lead sa krimen?" tanong niya. Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi. Hindi niya dapat pwedeng malaman iyon dahil ayokong isipin na naman niya ang nangyari nina Ramzo at Xommia at magi-guilty na naman siya.

"Ah wala Queen." pagsisinungaling ni Menger pero mukhang hindi niya nakumbinsi si Queen na mapaniwala. Mahirap talaga paniwalain si Lenna.

"Tungkol ba ito nina Xommia at Ramzo?" tanong niya. Hindi namin nagawang tumango. Huminga ng malalim si Lenna. "Alam ko, hindi na dapat ako nagtanong." bumangon ito. Nag-aalala ako, handa na sana ang mga kamay ko na hawakan siya.

"Saan kayo pupunta? Sasama ako." sabi ni Lenna. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa dalawang balikat.

"Dito ka nalang please? Magpahinga ka nalang." mahinahon kong sabi.

"Pero sasama ako, gusto kong malaman kung sinong pumatay kay Ramzo at ang nagpahirap kay Xommia." garalgal ang kanyang boses. Hindi ko naman siya magawang kumbinsihin.

"Ivan naman please? Let me do something to solve this. I'm the root of all that happens and it's my responsibility to take care of it. I'm blaming myself and to stop this guilt, I need to do something." sabi niya. Bumuntong hininga ako.

Lumapit si Menger sa amin.

"Hindi ka talaga matitiis namin Queen, pero baka mapa'no ka." nag-aalalang sabi ni Menger na sinang-ayunan ko.

"I don't care. Kung may mangyayari man sakin then be it." napapikit nalang ako sa sinabi ni Lenna. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kanya. Wala eh, mahal ko talaga siya.







THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE AND COMMENT!

The Fight Until Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon