09

782 27 0
                                    

"Gusto kita, ayon ang sagot ko."

Saglit na natigilan si Kira. Putek ka Haruto! Tama bang sinabi mo 'yon?!

Para namang bumalik sa katotohanan si Kira saka biglang tumawa. Kinutan ko siya ng noo.

"Nakakatawa 'yon?" Inis kong tanong.

"Alam mo..." tumigil siya saglit bago punasan ang luha niya kakatawa. "Luma na joke mo."

"Nagjojoke ba ako?" Mas pinagtaka ko pa.

"Oo! Gusto mo akong maging friend ganon? Doon ka na nga!" Natatawa niya pang sabi.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla tumunog ang bell. Mabilis akong hinatak ni Kira.

"Shit tara na! Malelate na tayo!"

Nagpaikot-ikot ulit ako sa bed. Bakit ba ang tanga ng babaeng 'yon? Hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako kaya nahulog ako na gumawa ng malakas na ingay. Tsk! Aasarin nanaman ako ng kapatid ko nito dahil sigursadong narinig niya ang pagkahulog ko.

"Hoy Haruto! Anong problema mo diyan?!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko sa baba.

"Nahulog ako sa bed. Wag mo akong tawanan!"

Pagkasabi ko naman non, narinig ko na ang malakas na tawa niya. "TANGA!" sigaw niya pa.

Hindi ko na lang siya pinansin at humiga na ulit sa bed. Hindi mawala sa isip ko yung usap namin kaninang umaga. Buti nalang hindi kami awkward kanina nung niyaya ko siyang lumabas.

"Argh ang tanga!" Inis kong sigaw saka binato ang unan na malapit sa akin.

Binabaliw niya nanaman ako.

Akala niya siguro ginagantihan ko lang yung joke niya sa akin nung pumunta siya sa amin kahapon. Akala niya ba nagbibiro nalang ako lagi?

Hindi ko namalayang hinahanp ko na pala ang pangalan niya sa chat ko. May pumipigil sa akin na wag pindutin 'yon pero parang may sariling utak ang mga daliri ko at pinindot yon.

"Ano namang sasabihin ko?" Halos hangin na bulong ko, hanggang sa kusa nalang akong nagtype.

---

Terazono Kira
active now

9:00 pm

Haruto: Hindi kaya ako nagbibiro

Haruto: Shit nasend! | deleted

Haruto: ANG BOBO MO HARUTO! | deleted

Kira: Luh ginawa ko sayo?

Haruto: Wala wrong send

Kira: Wow hanggang wrong send nalang ba ako?

Kira: JOKE LANG ULIT BAKA SERYOSOHIN MO AKALAIN MO PANG MAY GUSTO AKO SAYO

Haruto: Oo na wala ka ng gusto sa akin | deleted

Haruto: Oo na crush mo na ako

Kira: ASA!

Haruto: Ano na sasabihin ko? | deleted

Haruto: Yung tungkol pala kani |

Kira: Ahhhh Haruto...

Haruto: Yung tungkol pala kani | erased

Haruto: Ano?

Kira: Yung ano kasi...

Haruto: yung ano nga?

Kira: Kasi diba...

Haruto: Yung ano ngaaaa

Haruto: pinapakaba mo ako

Haruto: May ginawa ba akong masama sayo?

Kira: Hindi kasi...

Kira: Nagtataka lang ako...

Haruto: Saan?

Kira: Bakit...

Haruto: Bakit?

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Haruto: Nobela ba yan?

Haruto: Kanina ka pa typing ah?

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Terazono Kira is typing...

Haruto: Isa Kira

Haruto: Ibblock talaga kita

Haruto: Kaya mo Haruto? Tsk! | deleted

Haruto: Bakit ba kinakausap ko sarili ko? | deleted

Haruto: KIRAAAAA |

Kira: BAKIT BA ANG GANDA KO?

Kira: AYON YON

Haruto: KIRAAAAA | erased

Haruto: Maganda ka naman talaga ah?

Haruto: SHIT NASEND NANAMAN! | deleted

Haruto: ACT NORMAL NGA HARUTO PARA KANG BAKLA! | deleted

Kira: BAKIT BA ANG GULO MO?

Haruto: Ha?

Terazono Kira is typing...

Kira: jEoNgWoO

Haruto: Hindi, ano nga?

Kira: Walaaaaaa

Kira: Wrong send yannnn

Kira: SIGE NA BYE

Kira: GOOD NIGHTTTT

Haruto: May nangyari ba? | deleted

Haruto: Good night

Seen
9:29 pm

---

Pinatay ko na ang phone ko saka humiga na ng maayos sa bed. Itutulog ko nalang to, parang tanga kasi Haruto.

Pinatay ko na yung ilaw gamit ang isang remote kaya nagliwanag yung glow in the dark stars sa taas.

Ipipikit ko na sana yung mata ko pero bigla akong napatayo ulit sa pagkakahiga nang may maalala ako.

"SHIT!"

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon