"Kanina ka pa nakatitig diyan."
Kanina pa ako mag-isa dito sa isa sa mga kiosk na malapit sa Confession booth kaya nagulat ako nang may tumabi sa akin. Tinignan ko kung sino yon at nanlaki ang mata ko dahil siya ang nakita ko.
Natuwa nga ako at by friends and booth dahil kahit papaano binibigyan kita ng space, pero bakit andito ka ngayon?
Nakatingin lang siya deretsyo sa booth nila at hindi man lang ako binabalingan ng tingin. Siguro dahil napapansin niyang nataranta ako sa presensya niya.
Mas nagulat ko nang tumingin siya sa akin saka ngumit. "Gusto mo?" Alok niya sa dala niyang bottled juice.
Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi pero kinuha ko yung inaabot niyang inumin saka ngumiti. "Thanks." Sagot ko nalang.
"Hindi thanks gusto kong marinig. Kanina ka pa nakatingin sa Confession booth, pumunta ka kaya sa booth namin no?" Tinignan ko muna siya bago buksan yung inabot niya saka ininom.
Umiwas naman agad ako ng tingin nang himarap ulit siya sa akin. Dineretsyo ko nalang tuloy ulit ang tingin ko sa booth nila habang siya naman, nakapalumbaba sa table sa gitna namin habang nakatingin sa akin.
"Hindi ka nga pumupunta sa booth namin tapos kung makapag demand akala mo may utang ako sayo." Irap ko kahit na hindi nakatingin sa kaniya.
"Paano ako pupunta kung puno lagi booth niyo? Talino niyo rin magtayo ng karaoke no?" Natawa naman ako kasi mukhang amaze na amaze siya sa booth namin.
"Malapit na kayang umulan, kaya try niyo rin makisingit no?" Banat ko naman kaya natawa kami parehas.
"Pero seryoso, may inaantay ka ba sa Confession booth?" Nanatili akong nakatingin sa Confession booth at di siya sinagot.
"Ahhh oo trip mo lang titigan yung booth namin kasi ang popogi ng mga tao doon." Sagot niya nalang sa sarili niya kaya natawa ako.
"Wala namang pogi sa booth niyo ah?" Asar ko naman.
Nakita ko siyang bumungisngis sa peripheral vision ko. "Syempre andito yung pogi pero hindi man lang ako tinitignan. Sayang effort ko pumunta dito para samahan ka."
Sa pagkakataong ito, humarap na ako sa kaniya. "Sino bang may sabing samahan mo ako?"
Sumimangot siya saka tumayo na sa kinauupuan niya. "Sana kanina mo pa ako pinalayas diba?"
Aalis naman na dapat siya pero hinawakan ko siya sa wrist para pigilan siya. "Hindi ka na marunong magbiro ngayon?"
Ngumiti muna siya saka umupo na at nagpalumbaba nanaman sa table sa gitna namin. "Alam ko. Gusto ko lang pigilan mo naman ako para samahan kita."
Hinampas ko siya pero tinawanan niya lang ako. Binalik ko nalang ang tingin ko sa Confession booth ulit dahil hindi ko talaga magawang tignan siya.
Saglit kaming tumahimik hanggang sa nagsalita na ulit ako. "Ewan ko lang, may inaantay nga ata akong confession." Wala sa sarili kong sabi.
Narinig ko ang tawa niya. Kaya tumingin ako sa kaniya. "Anong nakakatawa?"
"Nakakatawa lang na yung iba inaantay mo pero yung akin hindi no man lang matanggap."
Parang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Pero nakatingin at nakangiti pa siya sa akin ngayon kaya umiwas ulit ako ng tingin.
"Ano... Haruto..." parang hangin lang nang sabihin ko ang pangalan niya pero narinig niya naman.
"Hmmm?" Hum niya bilang sagot.
Nakakatuwa lang na nakakapag-usap tayo ngayon na parang walang nangyari. Na parang walang aminan at iwasan na naganap ng ilang linggo. Ako tuloy nasasaktan sa sitwasyon mo ngayon.
Umiling ako. "Wala." Sagot ko at pinagmasdan ang magulong university grounds ngayon.
"Kira, sa akin nga lang ang tingin."
My heart skipped a beat.
Huminga muna ako ng malalim. Alam kong gusto kita pero wag ka naman ganiyan, kinikilig ako.
Ilang segundo rin bago ako humarap sa kaniya at ginaya siya. Parehas tuloy kaming nakapalumbaba sa table habang nakatingin sa isa't-isa.
"Simula nung umamin ako, hindi mo na ako matignan sa mata. Narealize mo na ba kung gaano ako kapogi?" Ngumisi pa siya kaya umirap ako.
"Parang yung isa diyan hindi nga ako matignan sa mata noon tapos ngayon ang lakas na ng loob. Lumakas hangin pansin mo?" Banat ko naman sa kaniya.
"Nakakatingin naman ako sayo ah!" Katwiran niya naman.
"Oo nga! Pagnang-aasar ka nga lang." Sagot ko ulit kaya natawa siya.
"Eh kasi inaasar kita. Pero yung titignan ka lang para titigan... ibang usapan na yon kasi baka mas mahulog pa ako sayo lalo." Seryosong sagot niya kaya natigilan ako.
Parang tumigil ang mundo at tanging kami lang ang gumagalaw. Ngumiti pa siya sa akin kaya kusa akong napangiti.
Gago gusto na nga talaga kita. Pag ako umamin ng wala sa oras, tayo na.
Bumalik ako sa katotohanan nang marinig namin ang tunog ng speakers. Tumayo na si Haruto kaya umayos na ako ng upo.
"May confession na, baka lang naman ayan inaantay mo." Sabi niya at mabilis na umalis dito sa kiosk.
Para akong tangang nag-aantay nga kung anong confession ang iaannounce.
"Calling the attention of Kira Terazono. This confession is for you."
Natigilan ako nang marinig ang pangalan ko sa speakers. Napatingin ako sa Confession booth at nakita ko ang kapatid ko na may hawak na papel at siya ang nagsasalita.
"Namiss kong kausapin ka sa totoo lang, lalo na yung ngiti mo. Hindi ka nakakasawang tignan kasi sayo lang naman tong mga tingin ko. Pero wag kang mag-alala, huli na yon. Kasi hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sayo kahit kailan." Tumigil saglit si kuya at hinarap ako.
"Kahit pa gusto kita... susuko na ako." Nakarinig ng malakas na awww sa crowd na nakikinig sa confession.
At tuluyang gumuho ang mundo ko nang marinig kung sino ang nagsend ng confession na yon.
"From, Haruto."
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fiksi Penggemar"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...