Special Chapter: 2

418 23 3
                                        

Huminga muna ako ng malalim habang naghihintay dito sa harap.

Nagset up yung cutie squad ng maliit na stage habang may decorations. Ready naman na talaga to, nilagay nalang nila.

Naglagay din kami ng kurtina para dramatic daw mamaya pag binuksan. Si Jihoon oppa talaga may pakana noon.

Saktong bumababa na rin ang araw kaya unti unti na binabalot ng dilim ang paligid. Mas lumamig na rin, isama mo pa ang taimtim na tubig galing sa tabi naming beach.

Nagulat ako nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. Tanging ang mga fairy lights na sinabit namin dito sa harap ang nagsilbing liwanag sa paligid.

"Pssst!" Tapatingin ko sa gilid ko nang biglang may sumitsit. Si Jeongwoo pala yon. "Andiyan na sila Haruto, pagbukas namin ng kurtina simulan mo na ha?"

Napapikit muna ako ng mata saka tumango. Hindi ko naman kasi maitatanggi na kinakabahan ako.

Kasabay ng hangin, binuksan nila ang kurtina. Nakita ko si Haruto na nakatayo sa harap ko habang nakangiti.

Para akong nanlambot kaya napangiti rin ako at kasabay yon ng pagstrum ko sa gitarang hawak ko.

[NP: ILYSB cover by PATCH Quiwa]

~ Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands ~

Sinabayan nila ng palakpak ang pagkanta ko. Syempre natuwa naman ako kasi feeling ko halatang-halata yung pagnginig ko ngayon.

Ayoko ngang iangat ang ulo ko dahil nahihiya akong harapin si Haruto. First time ko rin namang magharana sa kaniya. Kaya tuloy tuloy lang ako sa kinakanta ko.

~ Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad ~

Malakas naman silang sumigaw nung kinanta ko na yung part na yan. Hay nako, sabi ko magpahalata sila pero hindi yung masyadong halata. Inuunahan nila ako eh.

Nakakuha na ako ng lakas ng loob para iangat ang ulo ko at tignan si Haruto na nasa harap ko.

Ngiting ngiti siya sa akin at nakikisabay sa mga palakpak na ginagawa nila. Ang cute niya tuloy.

Nagpatuloy lang ako sa kinakanta ko hanggang sa matapos. Nagpalakpakan sila at nagshoot naman ng heart si Haruto sa akin.

Tinawanan ko siya saka dahan dahan na nilapag ang gitara ko. Huminga ako ng malalim habang paunti unti na humina ang hiyawan nila.

Okay Kira, this is it. Kinuha ko yung mic ko saka nila pinalapit si Haruto dito. Nasa harap na tuloy kami parehas at nakaharap sa isa't-isa.

"Happy birthday, Love." Pagsisimula ko kaya silent na nagwawala ang mga kasama namin ngayon, syempre ayaw nilang masira yung moment. Huminga ako ng malalim saka sinundan ang sasabihin ko.

"I love you."

Mas lumaki naman yung ngiti ni Haruto. "I love you to--- wait nag I love you ka?"

Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Bawal ulitin, isang beses lang."

Bigla niya naman akong niyakap kaya nagulat ako. "Nag-I love you ka na! Hindi na I like you, tama rinig ko diba? Hindi naman ako nananaginip diba?" Sunod sunod na tanong niya pa.

Hinarap ko naman ulit siya sa akin kaya naghiwalay kami sa yakap. "Secret pag hindi mo narinig." Bumelat pa ako para asarin siya.

"Uulitin mo rin naman yon eh." Ngisi niya pa sabay hinawakan ang dalawang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki naman agad yung mata ko.

Naghiyawan na talaga ang mga nakapalibit sa amin at rinig ko ang kontra ng kuya ko. For sure wala naman siyang magagawa kasi pipigilan siya.

Mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin kaya napapikit ako kasi naduduling ako sa sobrang lapit niya,

Kasabay ng paghalik niya sa tungki ng ilong ko. Nadilat ko naman yung mata ko sabay ngiti. Napansin ko pa nga ang ilang flash ng mga camera nila.

"Bata pa tayo." Sabay na sabi namin saka tumawa.

"I love you, Love " Sabi nalang ni Haruto kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Happy birthday and I love you too, Love."

Eyes On Me | Watanabe HarutoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon