Flashback
Malakas na hinampas ni Hyunsuk ang mesa para kunin ang atensyon ng lahat. Nasa kanila Haruto sila at nagtawag ng meeting daw kuno. Kanina pa sila nag-aaway lahat dahil iba-iba sila ng gustong mangyari.
Hindi kasi nagwork yung I Like You file na plano ng jApAnEsE bOiS miski ang indirect na direct confession, kung may ganon man, kay Kira na plano ng Cutie Squad. Kaya naghahanap sila ng bagong plano.
Wala namang ambag yung Bibo Mamshies kasi busy sa majors nila ngayon. Pwera nalang kay Jihoon na walang pake, wala yung iba. Ambag nalang siguro nila yung pandagdag issue ganon.
"Ano ba?!" Iritang sigaw nilang lahat kaya nagtaas ng dalawang kamay si Hyunsuk bilang surrender.
"Chill lang kayo. Guguho na ba mundo?" Joke pa nito kaya mas sinamaan siya ng tingin ng lahat. Nagpeace sign nalang siya at bumuntong hininga.
"Sino ba may magandang plano diyan?" Tanong ng naiinip na si Keita.
Halos lahat naman na ng mga bata nilang kasama ay wala ng pake. Yung meeting daw kuno nila ay naging pool party na. Tapos yung iba naglalandian nalang, ehem Mashikyu ehem, o kaya naglalaro. Bilang nalang ata sila sa mga nakikinig at may tiwalang mapapaamin nila si Haruto.
Bigla naman simigaw si Jihoon kaya nagulat lahat ng kasama niya. Binatuhan nila siya ng kung anong mahawakan nila sa irita.
"ARAY! INAANO KO BA KAYO?" malakas at inis na tanong din nito. Kawawa naman yung eardrums ng nga kasama niya.
"INAANO KA RIN BA NAMIN?" daing naman ni Byounggon.
"WALA. KAYA NGA KAYO TINATANONG KO KASI BAKIT KAYO NANINIGAW?" sagot naman ni Jihoon.
"MANAHIMIK KA NA NGA LANG!" sabay-sabay na sigaw ulit nila.
Nagulat naman si Jihoon at napakamot nalang sa batok. Natauhan na ata at naramdaman kung gaano kalakas ang boses niya.
Binigyan naman siya ng isang balot ng tissue paper ni Seunghun. "Kainin mo yan at nang hindi ka na magsalita pa." Kinuha naman yon ni Jihoon at kinagat.
"Ano na nga plano?" Pag-uulit na tanong ni Keita. Ayaw pa kasing sabihin na nag-aalala siya sa kapatid niya dahil gago pa naman mag-isip ng mga plano ang mga kaibigan niya.
"Tara Hyunsuk usap muna tayo saglit. Tutal may mas pake ka pa kay Kira kaysa dun sa mismong bestfriend." Hatak ni Byounggon kay Hyunsuk.
Nagmake face naman si Jeongwoo at nagpatuloy lang sa nilalaro niya. Pake niya pa sa lovelife nilang dalawang tanga?
"Hoy sama kami!" Sigaw ni Yedam at hinatak si Doyoung kasi kailangan nila ng judger sa kung ano mangplano nila. Kusa namang tumayo si Seunghun para samahan yung apat dahil baka kung ano pa gawin nila.
"Ikaw kaya mag-isip hyung? Puro dada ka lang diyan buong maghapon eh." Sabat naman ni Haruto na nawalan na talaga ng pag-asa sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...
