10

751 27 1
                                        

Nilapag ko ang phone ko sa night table  pagkatapos kong basahin ang mga comments nila sa post ko.

Dapat talaga hindi na ako nagpost eh, inaasar lang tuloy kami. Ayoko namang idelete yung post kasi mamaya sabihin pang guilty ako.

Wala naman akong gusto kay Haruto! Ano bang gusto nila iparating? Hays.

Kinuha ko yung flash drive na nasa bulsa ko, yung naiwan ko kila Haruto. Kinuha ko rin ang laptop ko at saka isinaksak iyon doon. Wala naman talaga akong gagawin, gusto ko lang makasiguro baka mamaya nagdelete or ginalaw niya yung flash drive ko. Nako mahirap na.

I sighed in relief naman nang makitang wala namang nagalaw doon. Yung mga folders ko na nakaarrange per kind ay ganon pa rin. Kusang pinindot ng mga daliri ko ang documents folder ko.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang untitled file doon. Never akong hindi nagpangalan ng file. Naiirita kasi ako pag nakikita yung Doc1 sa pangalan tapos hindi ko alam kung anong laman nung file na kailangan ko pang pindutin para makita. Nakakstress kaya yon tapos sayang oras pa. Dahil nacurious ako, pinindot ko yon.

"What the f..." halos hangin na sabi ko pagkabukas ko ng file.

Hindi ko alam ang gagawin pero yung puso ko parang sasabog na. Sa gulat ba o sa ano. Kahit anong scroll ko pababa ng file, hindi tumigil yung malakas na tibok nito.

Paano ba kasi... naglalaman lang naman yung file ng sandamakmak na I Like You hanggang sa matapos ang file.

Oo, nakaabot ako sa dulo ng file. 29 pages iyon pero nagscroll down lang ako ng mabilis dahil pareparehas lang naman ang laman ng bawat page.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang abnormal ng tibok ng puso ko which is so weird. Lalo na nung nabasa ko yung huling sentence sa 29th page na tanging nag-iiba sa lahat.

Hindi copy paste yan, pinagtiyagaan kong itype yan para sayo.

Natigil ako sa pwesto ko at hindi gumagalaw. Swear, kahit ata paghinga natigil ko sa gulat. Siya kaya may gawa nito?

As if on cue naman, biglang nagvibrate yung phone ko na may kasama pang tunog. Ewan ko pero abnormal na ata talaga yung puso ko at mas bumilis pa yung tibok. Papatayin na ata ako.

Mabilis kong kinuha yung phone ko at nang makitang si Haruto yon, pinindot ko agad.

Terazono Kira anong ginagawa moooo?!

Kumunot ang noo ko sa chat niya pero nakita kong typing pa siya kaya hindi muna ako sumagot. Tumigil naman na yung typing kaya sumagot na ako

---

Watanabe Haruto
active now

9:00 pm

Haruto: Hindi kaya ako nagbibiro

Watanabe Haruto is typing...

Watanabe Haruto is typing...


Kira: Luh ginawa ko sayo?

Haruto: Wala wrong send

Kira: Wow hanggang wrong send nalang ba ako?

Kira: JOKE LANG ULIT BAKA SERYOSOHIN MO AKALAIN MO PANG MAY GUSTO AKO SAYO

Watanabe Haruto is typing...

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon