45

698 28 6
                                    

"Dapat ko ba talaga kayo pasalamatan?"

Isa-isa ko silang tinignan. Nasa pinakamalaking kiosk kami pagkatapos ng big confession ko kanina.

Uwian na pero nagpaiwan kaming barkada para tumulong maglinis. Nagpick kami para magkaniya-kaniya ng gagawin.

Since marami naman kami, may chill squad sa mga pagpipilian. Which is kami yon. Ang galing ni Hubby eh, niligtas kami.

Ako, si Hubby, si Jihoon oppa, si Mashiho oppa, si Yuki, si Babe at si Haruto nalang ang natira. Dapat kasama pa namin si Yedam oppa pero dahil dakilang President ng Student Council, tinitignan niya yung mga nag-aayos at tumutulong na rin.

"Syempre duh! Wala kang lovelife ngayon nang dahil sa amin!" Sagot ni Yuki na all smiles pa.

Nag-shhh sound naman ang kapatid niya na nakahiga sa lap niya para matulog. Nagmake face lang si Yuki.

Tinignan ko si Haruto na natutulog naman sa lap ko. Syempre malandi eh, kupal siya kala mo naman magaan. Idagdag mo pa si Babe na natutulog din sa kabilang hita ko. Ano ako higaan? Aish pag-umpugin ko sila eh.

"Oo nga! Astig ata yung utak ng lahat!" Sang-ayon si Jihoon oppa kaya nag-apir sila ni Hubby.

"HOY ANG KAPAL NG MUKHA NIYO! AKIN KAYA YUNG IDEA NA YON HAYUP!" sigaw ni Doyoung oppa na nasa grounds, nagwawalis.

Pupunta sana siya sa amin kasi napingot na siya ni Yedam oppa paalis. Pinagtawanan lang tuloy siya ng dalawa.

"Shit pa rin naman si Haruto. Pano ba yan?" Asar ko kaya nagising yung natutulog daw at hinampas ako.

"Kinikilig ka lang. Hug mo ako mamaya." Sabi niya habang hindi dinidilat yung mata niya.

"Landi niyong dalawa, nandito ako." Sabat din ni Babe na natutulog rin daw.

"Nandito rin kami, baka lang nakakalimutan niyo." Dagdag ni Hubby kaya natawa ako.

"Tara bili muna tayo inumin. Malalandi lahat ng tao dito." Hila ni Jihoon oppa kay Hubby at naiwan kaming lima dito.

"Parang kayo naman hindi malalandi!" Kontra ni Yuki doon sa dalawa pero hindi siya pinansin.

"Kayong dalawa lumayas nga kayo sa akin! Hindi naman pala kayo tulog!" Taboy ko sa dalawa na nakahiga sa lap ko pero gumawa lang sila ng snoring sounds. Inilingan ko nalang sila.

Binalingan ko nalang ng atensyon si Yuki. Wala na yung dalawang maingay at natutulog daw kuno yung tatlo. So girls talk muna kami dito.

"Edi hindi totoo yung feelings situation na sinabi mo sa akin?" Gulat na tanong ko. Oo nga! Hay nako hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa kalagayan ni Yuki non!

"Partly yes." She giggled.

"Anong partly yes? Edi naging gusto mo talaga si Haruto?!" Mas gulat na tanong ko. Natawa naman si Yuki.

Bago pa siya makapagsalita ulit, dumilat na yung topic namin. "Selos ka naman, kiss mo ko." Ngumuso pa siya sa akin.

"Bata pa ako, chupi." At dahil nakahiga siya sa akin, tinulak ko siya papalayo kaya nahulog siya sa lapag. Yung nguso niya tuloy kanina ay naging pout.

"Damang-dama ko yung pagmamahal mo ha, nambabali ng buto." Bulong niya pero nagpaparinig naman.

Umupo nalang siya sa tabi ko at parehas naming tinignan ang tumatawang Yuki. "Aliw niyo panoorin. Kainggit inis."

"Hoy! Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko! Nagustuhan mo nga si Haruto?" Pagpipilit ko sa kaniya pero tinawanan niya ako.

Nagulat naman ako nang hawakan ni Haruto ang mukha ko at hinarap sa kaniya. Lumapit pa siya ng konti. "Sa akin ang tingin. Wag kang magselos. Di naman ako gusto niyan."

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon