19

569 22 1
                                    

"Thank you! Thank you! Thank you, Kira!" Sinalubong ko ang yakap ni Yuki.

"Wow, mukhang ang good mood mo ata ngayon?" asar ko pa sa kaniya kaya natawa siya.

"I owe you a lot, like literally." talon niya pa kaya pinakalama ko siya.

"Kalma okay? Kaya ka nasasaktan eh." sagot ko naman kaya nahampas niya ako. 

"It's been a week! Hindi na tayo nakakapagbonding!" she pointed out pa kaya napatango ako.

"Oo nga. Tinutulungan lang kita kay Haruto kinalimutan mo nanaman ako." Kunyaring tampo ko pa.

"HOY HINDI KAYA! SADYANG BUSY KA LANG PALAGI!" pagtatanggol niya pa sa sarili niya.  

"Yeah, I've been stuck with the Cutie Squad with their so called Tatay. Minsan nalang din kami magbonding kasi naging busy si Hyunsuk Oppa." sagot ko naman kaya binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

"Ikaw ha! Pagnadevelop yang so called family niyo!" asar niya pa sa akin.

Sinakyan ko naman trip niya. "Sabagay, pogi naman si Hubby. Sweet na, caring pa. Tapos mas gusto ko pang mas matanda siya sa amin para may gabay kami lagi. GAGO NGA LANG!" natawa kami parehas.

"Kakaiba ka talaga magbigay ng endearment no? Girlfriend, Babe tapos Hubby." Iling niya pa. Ewan ko lang, it's meaningful kasi pagbinigyan ko ng mga ganiyang endearment yung mga taong importante sa akin.

"Ikaw? What's up with you? Sobrang hyper mo na! Baka makasama yan sayo!" nagblush naman siya.

"Well, nagbalik na ulit kami sa dating gawi ni Haru ko. Sabi pa nga niya namiss niya daw yung Ko Couple." she giggled pa kaya napangiti naman ako.

"That's good. As long as you're okay. Thank you for being happy." I smiled at her pa.

"I should be the one saying thank you, and also sorry. Muntik pa ako magalit sayo non dahil sa post ni Haru ko. Buti nalang nag-explain ka agad and told me lahat ng pinag-usapan niyo." she beamed at me at kamukhang-kamukha niya talaga si Mashiho Oppa.

"As long as you're happy, then I'm happy too." kahit na may kirot sa di ko malamang dahilan. 

"His likes are totally different dati so thank you for telling me. Kasi kung hindi, baka tuluyan na siyang magalit sa akin simula nung hindi ako nagsabing aalis ako." nagpout pa siya. 

"Basta wag mo hahayaan yan ha." Tinuro ko ang puso niya. "Take care of yourself." 

Tumango naman siya. "Yes I will! And nga pala! Binigyan ko ng regalo si Haruto. Since sinabi mo sa akin na sobrang gusto niya nang bilhin yon, binigay ko sa kaniya. Iniwan ko yon sa locker niya. Balak ko na rin sana magconfess." 

Sasagot palang sana ako pero naramdaman ko nang may umakbay sa akin at nakita ko na si Junkyu oppa na nakaakbay kay Yuki.

Kunot noo kong tinignan ang umakbay sa akin. Siniko ko naman siya agad palayo nung nakita kung sino siya.

"Luh close ba tayo?" I joked.

"Hindi open, kita mong ang layo natin sa isa't-isa diba?" joke niya rin.

"Ay hindi na pala kita kakausapin." Irap ko kaya narinig ko yung mahihinang tawa ni Yuki at Junkyu oppa. Sinamaan ko tuloy sila ng tingin.

"Haru k---" Hindi natuloy ni Yuki yung sasabihin niya kasi hinila na ako ni Haruto.

"Kunin ko lang saglit to. Ako na mag-uuwi." paalam niya bigla sa dalawa kaya parehas na nanlaki ang mata namin ni Yuki.

"Haruto uy ano ba!" pilit kong inaalis yung kapit niya sa braso ko pero ayaw niya ako bitawan.

"Bye hyung! Ikaw na bahala kay Yuki ko!" tumango naman si Junkyu hyung kaya walang magawa si Yuki at sumama nalang sa kaniya.

"Third wheel nanaman ako sa landian niyo ni Kuya!" rinig ko pang maktol ni Yuki at malakas na tawa ni Junkyu oppa.

Cross arms habang taas kilay ko namang hinarap si Haruto nang dalhin niya ako sa University Garden.

"Thank you." Bungad niya sa akin. Kumunot ang noo ko pero napatango nang malaman kung ano yung thank you niya.

"Actually, ako dapat yung magsabi ng thank you sayo. Thank you for making Yuki happy, it means a lot to me." ngumiti ako sa kaniya pero nawala iyon nang makita ang kunot niyang noo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya kaya pati ako naguluhan.

"Aren't you saying Thank you kasi nalaman mong pinaglalapit ko ulit kayo ni Yuki?" nagtatakang tanong ko. 

Mabilis siyang umiling. "Nagthank you ako para dito." May nilabas naman siya sa bulsa niya.

Isa iyong maliit na gift na nakabalot ng red and white gift wrapper. Wala naman akong natatandaan na binigyan ko siya ng ganon. Pinagtitripan nanaman ba ako nito?

"Ha? Hindi akin yan." Mabilis na tanggi ko kaya mas naguluhan si Haruto.

"Paanong hindi sayo galing to eh ikaw lang naman sinabihan ko na matagal ko nang gusto to?"

Miski ako nagtaka hanggang sa may naalala ako. "Ah! Galing kay Yuki yan!" Masayang sabi ko.

Natigil naman ako nang makita ko ang unamused face niya. "Bakit niya alam?" Cold na sabi ni Haruto.

Tinaasan ako ng balahibo dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Haruto. Hindi ko naman alam na sobrang big deal ng pagsasabi ko ng mga gusto niya sa buhay.

"Ano... kasi ang totoo niyan gustong magpatulong ni Yuki sa akin. Balak niya kasing magkaayos kayong dalawa kasi hindi mo na daw siya pinapansin simula nung dumating siya. Nahurt kasi siya nung I missed you lang ang sinabi mo at wala ng iba." Explain ko sa kaniya pero iniwan ko yung gusto ka niya dahil naniniwala akong dapat manggaling kay Yuki yon.

Narinig ko siyang tumawa pero halatang pilit. "Akala ko pa naman kaya ka nag-aya noon kasi gusto mo talaga akong makilala, ayon pala ginamit mo lang ako para matulungan yung iba."

Nakagat ko yung ibabang labi ko. Naguguilty kasi ako. "Haruto, sorry kung big deal man sayo yon. Pero kasi alam mo yung sitwasyon ni Yuki kaya sana naman wag ulit bumalik sa dati na iniiwasan mo siya. Hindi niya kasi kaya na---"

"Kaya niya. Nakayanan niya nga yung apat na taon na wala ako. At saka alam ko kung anong meron sa sitwasyon niya pero sa tingin ko dahil sa ginagawa mo mas masasaktan siya." Putol sa akin ni Haruto sa sasabihin ko pa.

"Haruto ganito kasi yan---"

"At saka makiramdam ka nga. Alamin mo kung anong nararamdaman ng mga taong nakakasama mo. Maganda man o hindi, doon ka matututo." At pagkatapos niyang sabihin yon, naglakad na siya papalayo.

Tumigil naman siya nung nakailang hakbang na siya. Umasa ako na haharap ulit siya at lalapit sa akin para iexplain lahat ng sinabi niya pero, hindi. Hindi siya humarap ulit sa akin at nanatiling nakatalikod.

"Wag ka na rin mag-alala, hindi ko na ipagsisiksikan sarili ko sayo."

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon