"Gusto mo ba ako?" Mabilis kong binitawan ang wrist niya nang maramdaman na nanigas iyon.
"J-joke lang! Mamaya seryosohin mo tapos --- " kunot noo niya akong tinignan. Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko saka ngumisi.
"Ako? Gusto ka? Asa ka." Sagot niya at hindi ko alam pero sumimangot ako.
"Joke nga lang ano bang problema mo ha?" Irap ko pa sa kaniya. Inikot ko ang swivel chair pa harap na ng computer.
"Lahat nalang sineseryoso, akala mo ba magkakagusto rin ako sa'yo? Asa ka." Sagot ko naman.
Nagulat ako dahil biglang sumarado ng malakas ang pinto ng banyo sa kwarto niya. Wala na si Haruto at malamang ay siya yung nagsara ng pinto. Tinignan ko ng masama yung pinto.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA? SABING JOKE NGA LANG EH!" Inis kong sabi at binalik nalang ang tingin ko sa computer.
Nagulo ko ang buhok ko. Para akong tangang zombie na naglalakad sa hallway ng building namin sa Treasure University.
Aish! Bakit ba iniisip ko pa rin yon? Parang may magbabago naman. Oo makikita ko nanaman siya mamaya sa class at kapartner ko siya sa thesis pero wala namang epekto sa akin yon.
Di kaya kami close! Tama tama! Ganon nga Kira.
Pero kasi baka maging awkward tapos...
Aish! Nagulo ko nanaman ang buhok ko. Ano nanaman ba tong iniisip ko argh!
"Alam mo para kang tanga." Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang yogurt na iniinom niya.
"Good morning din Babe." Irap ko. Umirap rin siya sa akin saka may kinuha ulit siyang bagong yogurt sa bag niya.
"Good morning Babe, at saka pala kay Haruto yan kinuha ko lang rin sa kaniya." Kusa kong nadura ang iniinom ko. Tinignan ko siya ng masama dahil tinawanan niya ako ng malakas.
"Bakit hindi mo sinabi agad?!" Inis na sabi ko pero tumatawa pa rin siya.
"Nainom mo na may magagawa pa ba ako? Minsan nga kasi makiramdam ka." Iling niya pa.
"Wow deep. Balik mo bestfriend ko." Sagot ko naman at pinunasan ang bibig ko. Inabot ko pabalik sa kaniya yung yogurt na hawak ko.
"Manhid ka kasi." Sagot niya kaya nakakuha nanaman siya ng masamang tingin sa akin.
Nagkunyari naman siyang hindi niya ako nakita at inabot ang bagong bukas na yogurt sa akin. Mas tinaliman ko siya ng tingin, yung parang nagbabanta na.
"Galing lahat ng yogurt na dala ko kay Haruto. Tanggapin mo na, bagong bukas to." Kinuha ko nalang kasi wala pa akong breakfast. Kinuha niya naman yung suklay ko sa bag at saka inabot sa akin.
"Hindi ka mukha may problema. Kaya pinagtitinginan ka ng mga tao dito." Sinamaan ko ng tingin ang paligid ko. Umiwas naman ng tingin yung iba kaya nahampas ako ni Jeongwoo.
"Umayos ka nga!" Suway niya pa kaya nag sigh nalang ako. Anong bang meron sa akin?
Inangat ko ang tingin ko, kaso napayuko rin agad nang makita siyang papalapit sa direksyon namin. Agad akong nag-u turn habang nakayuko pa rin. Narinig ko namang nagsigh si Jeongwoo kasabay ng mga hakbang niyang sumunod sa akin.
"Alam mo? Dinaig mo pa yung umamin!" Bulyaw niya.
"Sinong umamin?" Napatalon ulit ako sa gulat dahil biglang may nagsalita.

BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...