"Wag niyo akong patayin sa titig!"
Malakas na nilapag ko yung banana milk na iniinom ko at cross arms na tinignan sila.
Wala masyadong tao sa cafeteria ngayon kasi halos lahat may klase pa. Nakatingi pa rin ako sa mga kaibigan ko na masama ang tingin nila sa akin na para bang bakit di ka nagsasabi sa amin look. Lalong-lalo na si Junhyuk at si Jeongwoo.
"Taksil ka kay Tatay." Madiin na sabi ni Junhyuk kaya napabuntong hininga ako at nagpalumbaba nalang sa mesa.
"Hindi ako nagtataksil, okay?" Nguso ko sa kaniya.
Medyo lumiwanag naman yung mukha niya. "Edi kayo pa ni Tatay?!"
Umayos ulit ako ng upo. "Wala naman talagang kami?"
Binato ni Junhyuk yung walang laman na banana milk niya kaya napaatras ako sa upuan at muntik na mahulog.
"Wag mo akong kakausapin!" He cried out loud pa kahit na wala namang luhang lumalabas sa mata niya.
Nakatingin tuloy yung ibang students sa amin kaya awkward akong nagsmile sa kanila at nagbow bilang sorry.
Hinampas naman ni Yeongue si Junhyuk. "Magtigil ka nga! Ikaw ba sinaktan?"
"Bakit ka nanghahampas?! Hinampas ba kita ha?! Hinampas ba kita?!" Sigaw ni Junhyuk habang hinahampas si Yeongue. So para silang nagmiminion fight sa harap namin.
Tinignan ko naman si Jongseob at Junghwan na walang pake sa nangyayari at cool na cool lang na kumakain.
"Sige tuloy niyo lang gandang palabas niyan." Cool na sabi pa ni Junghwan habang tinaas naman ni Jongseob yung paa niya sa mesa.
"TIGIL!"
Napatalon kami sa gulat nang biglang may humampas ng malakas sa table namin. Nahulog pa nga sa upuan si Jongseob sa gulat kaya pinagtatawanan siya ni Junghwan. Naiirita rin sa amin yung mga katabing tables namin pero walang pake yung mga kasama ko.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" iritang sigaw namin ni Junhyuk at Yeongue kay Jeongwoo.
"PAG-UUSAPAN NATIN SI KIRA! BAKA LANG NAKAKALIMUTAN NIYO?" sigaw niya naman pabalik sa amin kaya hinila ko na siya paupo dahil gumagawa na siya ng eksena sa cafeteria.
"Para kayong mga tanga! Tawagin niyo nalang kami pag tao na ulit kayo." Mabilis na sabi ni Jongseob at hinila na paalis si Junghwan.
Bakit ba ang weird ng mga kaibigan ko?!
Hinarap ko na ulit silang tatlo na naiwan. "Wala naman kasi akong problema bakit niyo ako pag-uusapan?!"
"Eh pag tinawag ko si Hyunsuk hyung dito? Wala pa rin?" Banta ni Jeongwoo kaya nanlaki mata ko.
"ANO?! KAYO NA NI HYUNSUK HYUNG?!" gulat na tanong ni Yeongue with tayo sa upuan kaya nakuha niya atensyon ng iba.
Hays, bad move ata na sa cafeteria kami nag-uusap at sa gitna pa mismo. Bibo kasi mga kaibigan ko eh sarap sampalin.
"AKALA KO PA NAMAN MAGIGING BROKENHEARTED AKO! PUTEK YAN!" talon pa ni Junhyuk. Napaface palm ako.
"Patigilin mo yan. Pag yan nagkalat ng issue, kasalanan mo." Utos ko kay Jeongwoo kaya nagbato siya ng plastic spoons sa dalawa.
Tinignan naman siya ng masama pero tinuro na ako ni Jeongwoo bago pa siya masugod.
"Magtigil kayo, ang issue niyo masyado eh. Magkekwento na ako." Kumalma naman sila at saka umupo na.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...