"Nakita ko si Haruto na may hawak na mga bulaklak, baka lang gusto mong malaman na ibibigay niya kay Yuki yon."
Kanina pa ako tumatakbo simula sa kabilang building nang sabihin sa akin ni Jeongwoo yon.
Sa kabilang building pa yung booth namin which is the other side ng Confession booth. Wala na akong pake kung anong itsura ko habang tumatakbo ngayon basta kailangan ko lang makapunta sa booth nila.
Sobrang tagal bago ako magising sa katotohanan at magsink in lahat ng nangyayari. I've made up my mind. Kailangan kong gawin to, now or never.
Sa hallways ako dumaan since madaming tao sa grounds, alam kong mas mabilis dito.
Umakyat ako ng second floor ng building namin dahil may annex doon pababa sa mismong tabi ng Confession booth.
Natigil ako sa gitna ng hallways nang matanaw si Haruto. Nasa gitna siya ng grounds habang si Yuki naman ay dinidistract ng ibang Whygee Tea Bois. Mukhang planado nila ang gagawin ni Haruto.
Napatingin naman ako sa Confession booth at nakita ko doon si Jihoon oppa at Hubby na may hawak ng mic. Mukhang may hinahanap pa nga si Hubby at nang magtama ang mga mata namin, pinapababa na niya ako sa kanila.
Mabilis akong tumakbo. Ramdam ko ang mga pawis ko at alam kong sobrang gulo na rin ng buhok ko. Wala pa to sa mga sakit na nagawa ko kay Haruto kaya kakayanin ko to.
Nakababa na ako sa grounds. Maraming tao ang nakapalibot dahil mukhang inaantay nila yung gagawin nila Haruto doon sa gitna.
Tinulak ko ang mga taong nakaharang at wala na akong pake kung sumpain man nila ako.
Nagulat si Jihoon oppa nang itulak ko rin siya at kunin ang mic na hawak niya. Tinap ko pa yon ng tatlong beses at tumunong iyon sa speakers ng university kaya tumahimik ang paligid.
Hindi naman natigil yung Whygee Tea Bois sa gitna at baka akala nila kasama sa plano nila yon. Sorry sila dahil wawasakin ko kung ano mang plano meron sila.
Tumikhim muna ako bago itapat ang mic sa bibig ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko sa ano mang manyayari.
"HOY WATANABE HARUTO SA AKIN LANG ANG TINGIN!"
Parang nag-echo pa sa paligid ang sigaw ko. Nakita kong natigilan na ang mga tao sa gitna at hinahanap kung saan galing yung tunong.
Naghawi ang mga tao sa pagitan namin. Legit na para kaming nasa pelikula sa sobrang dramatic ng atmosphere.
Natama ang mata namin ni Haruto na halatang gulong-gulo na sa nangyayari.
"Akala ko ba para sa akin lang ang mga tingin mo?" Mabagal na sabi ko dahil hinihingal pa rin ako.
Nanlaki naman ang mata niya at manghang-mangha siya sa ginagawa ko ngayon. "Akala ko ba ayaw mo sa akin?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Akala ko rin eh."
Sa simpleng mga salita kong 'yan, nagwala ang mga tao sa grounds. Gulat na gulat din si Yuki sa sinabi ko.
"Anong ibig mong sabihin ngayon?" Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti dahil alam kong inaasar niya na ako.
"Alam kong alam mo kaya wag mo na ipasigaw sa akin dito." Sagot ko.
Mas lumapad ang ngisi niya at bahagyang lumapit sa akin. "Hindi ko alam kaya ipaliwanag mo." Asar niya pa lalo.
Bumuntong hininga nalang ako dahil hindi naman ako makakatakas dito. Sinimulan ko so might as well tapusin ko na rin.
Nilayo ko ang mic sa bibig ko ang mouthed, "Gusto kita."
And with that, nagwala nanaman ang mga tao sa grounds. Pinikit ko ang mata ko sa takot sa magiging reaksyon niya at dahil narin inaasar ako ng iba.
"Ulitin mo, di ko narinig." Binuksan ko ulit ang mata ko sa sinabi niya.
Halos mapunit na ang mukha niya sa sobrang laki ng ngiti niya. For sure naman na narinig niya iyon kasi narinig naman ng crowd.
Pero dahil mapilit siya, mamatay siya sa kilig diyan. Nilapit ko ulit yung mic sa bibig ko. Alam kong konektado ito sa university speakers and that's the point, sasabihin ko sa buong university.
"Sabi ko, GUSTO. KITA." Dahan-dahan kong sabi at inemphasize ang gusto kita.
Nagwawala na talaga ang mga tao sa grounds. Gulat na gulat pa nga ang iba kong mga kaibigan kasi ginagawa ko to.
"Ano? Pakilakasan nga hindi ko talaga marinig." Asar pa ni Haruto.
Isaksak ko kaya sa tenga niya yung speakers nang marinig niya? Brinodcast ko na sa buong university di niya pa rin marinig?
Dahil tuwang-tuwa siya, dadamayan ko siya. Pinikit ko ang mata ko at mas nilapit sa bibig ko ang mic.
"Sabi ko gusto kita! Gusto kita, Watanabe Haruto! Gusto rin kita! Alam ko na sobrang tanga ko kasi ngayon ko lang narealize pero, GUSTO TALAGA KITA! Gustong-gusto na dapat sa akin lang ang mga tingin mo! Kasi pinangako mong ako lang gugustuhin mo. At nandito ako para malaman mong gusto rin ki---"
Natigil ako nang maramdaman ang mga bisig na nakapalupot sa akin. Kahit hindi ko na idilat ang mga mata ko, alam ko na ang presence niya.
"Namiss kita." Bulong ko sa kaniya.
"Alam ko." Sagot niya naman kaya hinampas ko siya.
Nahiwalay kami sa yakap at sinamaan siya ng tingin. "Eto naman hindi na mabiro, akala mo hindi kita namiss?" Pacute niya pa.
Nilahad ulit ang mga kamay niya na nanghihingi ng hug. Syempre marupok ako, yumakap naman ulit ako.
"Magkasama lang tayo sa iisang university at saka classroom pero namiss talaga kita kausapin." Bulong niya pa kaya mas niyakap ko pa siya ng mahigpit.
"Sorry." Sagot ko nalang. Kasalanan ko naman talaga.
Humiwalay naman siya sa yakap at yumuko ng konti para mapantayan ako. "Hindi ka naman dapat sa akin nagsosorry."
Binigyan ko siya ng anong ibig mong sabihin look at bago pa ako magsalita, nakita ko na si Yuki na papalapit sa akin.
"Yuki..." mahinang sabi ko.
Binigyan niya lang ako ng faint smile. Lalapit na sana ako para yumakap pero bigla siyang ngumiti at tumakbo para yumakap sa akin.
"I AM SO HAPPY FOR YOU!" She squealed pa.
Kunot noo ko siyang tinignan. "Hindi ka ba magagalit sa akin? I failed you as a friend kahit na alam ko ang sitwasyon mo."
Mabilis siyang umiling. "You did great, Kira. At saka sa tingin mo ba gusto ko talaga si Haruto? Alam mo kung may gusto ako, mahirap kong ipamigay yung taong yon."
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
Hindi ko napansin na nakapalibot na pala ang buong Whygee Tea Bois sa amin. Nagtinginan muna sila bago sumagot.
"Operation: Iligtas si Haruto sa pagiging shit 2k19."
---
NAGKAAMINAN NAAAA!!At nalabas na rin kung ano yung plano na matagal na nilang pinag-uusapan HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Which means malapit na matapos to! Siguro 2 more chapters plus epilogue and baka special chaps pa(?)
Yun lang and...
ILY ALLL!!
![](https://img.wattpad.com/cover/176632208-288-k625916.jpg)
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...