Mabilis akong naglalakad habang nakaheads down papasok ng campus. Malapit lang naman yung building namin kaya sana makaabot ako ng buhay.
"Hoy! Ano bang ginagawa mo?" Legit na napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko para tumigil ako sa paglalakad, pero lowkey tumatakbo na talaga ako kanina eh.
Sinamaan ko ng tingin si Jeongwoo kaya tinaas niya yung dalawang kamay niya bilang surrender. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya, natuwa nga ako kasi siya yun at hindi SIYA. Gets niyo?
"Chill! Alam kong galit ka pa kasi pinalabas ka ng prof kahapon pero love mo ako kaya bati na tayo." Umakbay pa siya sa akin kaya napabuga nalang ako ng hangin.
"Ugh fine! At saka bati naman tayo ah? Occupied lang talaga isip ko kahapon." Sagot ko naman sa kaniya.
"Sino naman yan?" Asar niya sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Sino agad? Hindi ba pwede ano muna? Ikaw tigil-tigilan mo nga yang kakaissue mo." Irap ko pa sa kaniya at naglakad na ulit.
Hindi niya ba nararamdamang nagmamadali ako tapos iintriga niya pa ako dahil pinalabas ako ng prof kahapon. Kung di ko lang mahal bestfriend ko sinapak ko na to.
"O sige. ANO bang sumasagabal diyan sa isip mo kahapon?" Inemphasize niya pa yung ano. Sumusunod na rin siya sa akin maglakad kasi hindi naman siya nahirapang habulin ako dahil mas matanglad pa rin siya sa akin.
"Wala na, tapos na yon. Nangyari na nga diba? Gusto pang balikbalikan eh." Irap ko ulit at pilit na inuunahan siya maglakad.
"Wow deep meaning ata yan." Asar niya pa at nakakasabay pa rin sa lakad ko slash lowkey takbo na sa akin.
"Ewan ko sayo. Kita mong no boyfriend since birth ang bestfriend mo tapos sasabihin mong may meaning? Sino namang babalikan ko aber?" Hindi ko alam pero inis kong sabi.
"Bakit ba ang bitter mo ngayon araw? Meron ka ba?" Kunot noong tanong naman ni Babe.
Tumigil ako at saka nag-isip rin. Oo nga no, pansin kong napakainitin ng ulo ko ngayong araw at sobrang praning ko. Pero kakatapos lang ng monthly period ko so hindi yon ang dahilan. So bakit nga ba?
"Kira! Jeongwoo!" Napatingin ako sa lalakeng tumatakbo papalapit sa amin. Nanlaki ang mata ko saka sabay tumalikod sa kanila at mabilis na naglakad.
"Shit oo nga! Meron ako ngayon week! Nakalimutan ko. Cr lang ako, mauna ka na sa room." Kaway ko pa kay Babe at mabilis na tumakbo. Nice alibi Kira, maganda yan.
Hindi ko na pinansin ang pagtigil ng mga takbo na papalapit sa amin at ang bulong nilang dalawa. Wala akong pake at nagtuloy tuloy lang ako sa takbo papalayo sa kanila. Ang importante ay ayoko siyang makita ngayong araw, at hindi pa ako sigurado sa dahilan.
Pumasok ako sa cr sa floor namin. Para rin malapit lang tatakbuhin ko pag nagbell na. So, ang plano lang talaga ay dito lang ako hanggang sa magbell. What a great plan naman pala, hays.
"Like the the f, Kira! Bakit ba iniiwasan mo siya?! Gago ka na ba talaga o nababaliw lang? Dahil ba sa hindi niya pagtulong sa thesis namin nung nakaraan o ano? Wala naman nang dahilan diba?" Para akong tangang kinakausap ko ang sarili ko dito. Nakaharap ako sa salamin at sinisisi ang sarili ko. Gosh, nababaliw na ata ako.
"Hello? May tao ba diyan?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. May nagsalita kasi sa isa sa mga cubicles ng cr.
"Hello? Sinong nandiyan?" Tawag ko naman. Baka naman mamaya multo to, ready na akong tumakbo.
"Pahingi akong tulong..." Lalapit na sana ako sa pinakadulong cubicle pero bigang nagbell.
Nagdadalawang isip naman ako kung lalapit pa ba ako kaso dinala ako ng paa ko palabas ng CR. Ugh! Ang creepy non! Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng room.
"Kira---"
"Okay class, take your seats." Nakahinga ako ng maluwag dahil saktong dumating yung prof namin. Umupo na ako sa usual seat ko, katabi ng bintana, at nagkunyaring hindi narinig ang pagtawag niya. Habang siya naman ay bumaik na sa upuan niya, which is katabi ni Jeongwoo.
"Go to your partners, we'll do your thesis final planning for today." Pagkasabi na pagkasabi ng prof non, nanlaki ang mata ko.
SHIT HINDI PWEDE! Arghhh bakit kasi kung kailan ko ayaw gumawa ng thesis saka siya magpapagawa.
"Aray! Ang sakit ng puson ko!" Napatingin sa akin ang classmates ko dahil sa malakas na sigaw ko. Natigil sila sa mga ginagawa nila para tignan kung anong nangyari sa akin. O diba, mga intriga naman sila.
"Ms. Terazono, what's wrong?" Napansin kong lumapit ang prof sa akin. Dahil nakabend ako payuko at nakahawak sa bandang puson, paa niya lang ang nakikita ko. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng mga classmates ko.
"N-nothing, I-I'm o-oka --- aray!" Napahawak pa lalo ako sa bandang puson. Shems pwede na akong best actress.
"You can go to the clinic so they can check on you, and I insist." Madiin na sabi ng prof kaya napa-yes ako. Dahil nakayuko ako, hindi nila nakita.
Minsan pa naman ako mag clinic kaya hindi ako pinagdududahan ng prof tapos minsan ayoko talagang pumunta kasi baka may mamiss akong lessons.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. "But---"
"No buts, Ms. Terazono. I'll give you until tomorrow para sa pagpasa niyo ng partner mo ng final plan sa thesis niyo. Now go, para maagapan agad yang cramps mo." tumayo na ako sa pagkakaupo at nagbow bilang respect sa prof.
"Kira, tulungan na kita..." Mabilis akong umiling sa kaniya. Hindi ko siya tinignan sa mata kasi baka mamaya bumigay pa ako sa paawa niya eh ayaw lang rin magthesis nito. Lalo na at wala siyang partner.
"I can go by myself po. I'll get going, sorry for the inconvenience." Nag bow pa ulit ako sa prof at derederetsyo sa pinto.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako sa room, kaso nagulat ako dahil nagbukas ulit iyon.
"Okay ka lang ba talaga?" Nanigas ako sa boses niya. Hinawakan niya pa ang wrist ko para hindi ako makaalis. After all ng paghihirap ko para maiwasan siya, susundan niya lang ako. Parang tanga lang?
Kahit nakayuko ako at hindi siya harapin, kilalang-kilala ko na ang presensya niya.
"I am not, kaya nga pupunta ako ng clinic. Bumalik ka na sa loob ng room baka hanapin ka---"
"Kira, tignan mo nga ako." para akong tangang nag-angat ng ulo at hinarap siya. "Chat me if you need me."
"I'll be alright, Haruto. Let go of me, kaya ko na ang sarili ko." Umiwas ulit ako ng tingin. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa braso ko. Hindi na ulit ako tumingin pabalik sa kaniya at nagtuloy-tuloy ng lakad.
"I'm sorry." Hindi ko alam pero ayan ang lumabas sa bibig ko, at alam kong kailangan ko yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/176632208-288-k625916.jpg)
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...