"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" Malakas na sigaw ko.
Nagulat ako nang biglang malakas na nag "Ayiiiee" ang mga kaklase namin. Kusa akong napaface palm dahil nakalimutan kong nasa classrooom nga pala kami. Tapos iba pa meaning ng sinigaw ko pag sila nag-isip.
Inis kong tinignan ang lalakeng kaharap ko ngayon. Inalis na niya ang tingin niya sa phone niya, sa wakas! Pinatong niya ang siko niya sa desk para sa support at pinatong ang baba niya sa palad niya saka ako tinignan ng may nakakalokong ngiti.
Mas sinamaan ko siya ng tingin pati ang mga classmates kong hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar. Tinignan ko ang prof namin na masama ang tingin sa akin kasi dinistract ko sila sa mga ginagawa nila. Nagbow ako bilang sorry at padabog na umupo.
Sinipa ko sa paa si Haruto na tinatawanan pa rin ako. "Masaya ka na?" Inis kong sabi sa kaniya. Tumawa lang siya pagtapos ay umiling habang hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.
Ginaya ko naman siya at nilapit ang mukha ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin para siguro mas asarin pa ako kaya hinarap ko ulit siya sa akin. Nilayo niya nalang ng konti yung ulo niya at wala na akong magagawa kung ayaw niyang makinig.
"Tulungan mo na ako sa thesis natin Mr. Watanabe." Inis at may diin kong sabi pero ngumisi lang siya.
"Make me, Ms. Terazono." Asar niya pa.
"Susumbong kita kay kuya!" Panakot ko pa pero naalala kong magkaibigan nga pala sila.
"Magsumbong ka tignan natin sino mas kawawa." Sa pagkakataong ito, gusto ko na ihampas yung librong malapit sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapatay ko siya.
Hindi pwede no, edi ako nalang talaga gagawa ng project namin. Saka nalang pag may grades na kami.
"Kawawa yung papel, wala namang ginagawa sa'yo." Tinignan ko yung nginuso niya. Yung papel na hawak ko na dapat ay isusulat ko doon ang gagawin namin, crumpled na.
"Gusto mo ikaw isunod ko?" Sinamaan ko pa siya ng tingin kaya kusang umiwas ang tingin niya. Ganon ba ako nakakatakot?
"Tulungan mo na kasi ako sa thesis natin! Wala pa tayong nagagawa o!" Umayos na ako ng upo. Binuksan ko yung crumpled paper na hawak ko at pinakita sa kaniyang wala pang ni isang sulat 'yon.
"Ayusin mo kasi mga sinasabi mo. Kaya hindi ko maintindihan kasi parang inis na inis ka sa akin." Umayos na rin siya ng upo.
"Okay..." kumuha ulit ako ng bagong papel at ang ballpen ko. Nag-explain ako ng idea para sa topic namin. "So ano? Okay lang ba?"
"Hmmm..." hum niya bilang oo.
"So ayon na yung gagawin?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa papel. Sinusulat ko pa yung ibang details para hindi namin makalimutan.
"Hmmm..." hum niya ulit bilang oo.
"Wala ka nang dadagdag?" Hinarap ko ulit siya pero parang umusok ang ilong ko dahil hindi naman pala talaga siya nakikinig at busy nanaman siya sa phone niya.
"Ano Haruto? Hindi ka nanaman nakikinig?!" Tinary kong wag nanaman masyadong sumigaw dahil baka palayasin na kami ng prof pag gumawa nanaman kami ng eksena.
"Hmmm..." hum niya ulit parang kanina kaya mas nainis ako. Wala naman ata siyang naintindihan sa mga sinabi ko kanina!
Sa inis ko, tumayo ako at kinuha ang phone niya. Nag-angat siya ng tingin habang nakakunot ang noo. "Diba sabi ko sa akin lang ang tingin? Hindi mo ba maintindihan 'yon?"
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...