Epilogue

744 31 29
                                    

"Anong karapatan mong titigan ang gwapo kong mukha?"

Mas sinamaan ko siya ng tingin habang siya ngiting ngiti sa akin. Kanina ko pa siya inaantay dito sa university garden tapos ayan ibubungad niya sa akin?

"Anong karapatan mo para titigan at ngitian yung babaeng nagpapacute sayo? Kayo nalang kaya! Ang sweet niyo nga eh nakakahiya." Tinawanan niya lang ako kaya mas nainis ako.

"Kinakausap niya ako, at saka cute talaga siya." Kontra niya pa.

"Ah wala akong pake! At saka for your information, sinasamaan kita ng tingin kaya makiramdam ka!" Bulyaw ko pero hindi man lang siya natinag.

"Haruto!"

Narinig ko lang yung boses niya, kumulo agad yung dugo ko. Since nakatalikod si Haruto sa kaniya, ako unang nakakita doon sa tumawag. Yung babaeng kausap niya kanina! Aish, ano ba kailangan nito?

Bago pa man makalingon si Haruto, pinigilan ko na siya. "WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" Agad siyang nagstraight ng katawan at tumingin agad sa akin.

"Subukan mong lumingon, lagot ka sa akin." Dagdag ko pa at pinatunog ang mga daliri ko pero ngiti lang isinagot niya.

"Kakausapin ko lang siya saglit. Magkagroup kami sa isang subject." Paliwanag niya pa.

"Alam ko! Magkaklase tayo! Nakasama mo lang siya nakalimutan mo na ako? Dito kayo mag-usap! Ginigigil mo ako eh." Umirap pa ako sa kaniya bago umupo sa inuupuan ko kanina.

Inis kong kinain ang pagkain kong malamig na kakahintay kay Haruto. Nagkakamot naman siya ng batok at nilingon ang babaeng papalapit na sa amin. Pupuntahan naman dapat siya ni Haruto kaya bago pa siya makaapak paalis, binato ko na yung water bottle ko sa kaniya.

"Sige lumapit ka pa! Kita mong papunta na nga susunduin mo pa? Ano siya, walang paa?" Inis kong sigaw at tumayo ulit sa inuupuan ko.

Sabay kaming nakalapit kay Haruto nung babae pero akala mo hindi niya ako napansin. Ngiti-ngiti pa siya akala mo sila lang tao dito eh. Kung putulan ko kaya ng nguso to?

"Hi Haru!" Nagpababy voice pa siya kaya ang sarap niyang sabunutan.

Classmates kami kaya alam ko kung ano talaga ang boses niya at alam kong alam rin ni Haruto pero awkward pa siya kumaway doon sa babae.

"Free ka mamaya? Labas tayo!" Napapikit ako sa galit dahil sa sinabi nung Babae. Hindi ba talaga niya ako nakikita?! Nandito na ako sa harap nila ang lakas pa ng loob niyang tanungin yon kay Haruto!

Bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako ni Haruto. "Hindi eh. Bakit ba? Para sa project natin?"

"Gusto ko lang lumabas sana. Hindi ka ba talaga pwede?" Nagpacute pa siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap siya sa akin.

"Excuse me lang ha? Nandito ako. At saka sabi na nga niyang hindi pwede bakit ba pinipilit mo?" Tinatry kong wag lakasan ang boses ko dahil medyo maraming tao sa garden.

Nakita ko ang pag-irap ng babae sa akin bago siya humarap ulit kay Haruto. "Sige na saglit lang tayo. Kailangan ko lang ng kasama. Pleaseee!" May papout pout pa siyang nalalaman kaya sinamaan ko siya ng tingin at sinamaan rin ng tingin si Haruto.

Binigyan ko pa siya ng subukan mong pumayag look kaya tumango siya sa akin na parang sinasabi na hindi naman talaga siya papayag.

"Hindi nga talaga pwede. Hahatid ko pa si Kira pauwi." Sagot ni Haruto.

Halatang-halata naman yung pagsimangot nung babae. "Ano ba yan! Wala ba siyang paa para umuwi mag-isa?"

Parehas nanlaki yung mata namin ni Haruto sa gulat. Ang lakas talaga ng loob niya ha! Bago pa ako mapagtanggol ni Haruto, tinulak ko siya papalayo at hinarap yung babae.

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon