25

548 22 19
                                    

"H-hi Ate Hanna!" Awkward akong kumaway sa kaniya tinignan ko naman si Hyunsuk oppa na siyang tinanguan lang ako bilang ituloy ko.

Bago pa ako makapagsalita ulit, binigyan na ako ng faint smile ni Ate Hanna. "Pasok kayo."

Parang nahulog yung puso ko nang makitang matamlay si Ate. Feeling ko tuloy ang dami ko nang nasaktan. Tinignan ko ulit si Hyunsuk oppa, nginitian niya ako saka inakbayan para tulungan pumasok. Bumuntong hininga nalang ako.

Pagpasok ko ng bahay, may bitbit ng tray si Ate Hanna na may laman na mga gamot at saka soup. Nanlumo ako, hindi pa kaya kumakain si Haruto?

"Pahinga ka na Hanna, ako na magluluto ng hapunan. Bumili kami ng pagkain ni Kira. Kailangan niyo rin atang mag-usap." Inexcuse na ni Hyunsuk oppa yung sarili niya. Gustong-gusto ko siyang pigilan para sana may magbibigay ng lakas ng loob sa akin pero dapat harapin ko yung mga katangahang ginawa ko.

"A-ako n-na." Kinuha ko sa kaniya yung tray na hawak niya kaya kusa siyang ngumiti sa akin.

"Salamat kasi dumating ka. Sa tingin ko kasi ikaw lang kakausapin ni Haruto. Isang linggo na siyang mataas ang lagnat at tatlong araw na siyang hindi kumakain. Hindi ako makapasok sa kwarto niya kasi kinuha niya yung susi miski yung spare keys. Kausapin mo naman siya, I'm sorry kung masyadong malaki yung hinihingi ko sayo pero sana kahit kausapin mo lang siya. Hindi pa kasi siya nakakainom ng kahit anong gamot." Mas lalong gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

Hindi ko naman alam na sobrang magiging big deal ang katangahan ko.

"K-kausapin ko naman siya. Pahinga ka na Ate." I gave her my reassuring smile kaya binigyan niya ako ng ngiti kahit na halatang pagod na siya.

Pumunta naman ng kitchen si Ate Hanna kaya naiwan akong nakaharap sa hagdan. Humihinga ako ng malalim kada hakbang ko hanggang sa makarating ako sa harap ng kwarto niya.

Ramdam ko yung malamig na hangin sa bukas na balcony at hindi yon nakatulong sa pagpapakalma sa akin.

Dahan-dahan akong kumatok. Nag-antay ako ng magbubukas pero wala akong narinig kahit na tayo o salita man lang.

Huminga muna ulit ako ng malalim bago nagsalita. "Haruto..."

But still, walang imik galing sa loob. Nilapag ko muna sa lapag yung tray bago ulit kumatok. "H-Haruto, please talk to me. Just this once."

Nakahinga ako ng maluwag nang makarinig ng footsteps papalapit sa pinto. Bumungad doon si Haruto na nakasuot ang hood ng hoodie habang balot na balot sa kumot.

"Anong kailangan mo?" Napalunok ako sa tanong niya. Dala na rin siguro ng sakit niya ay mas lumalim ang boses niya, ang intimidating. Isama mo pa ang malamig niyang titig.

"Look, sinabi na sa akin ni Hyunsuk oppa lahat..." dahan-dahan kong sabi while finding the words na isusunod kong sabihin.

"Alam kong tanga ako. Tanga ako kasi hindi ko tinatanggap yung nararamdaman mo kahit na alam ko. Ayoko lang kasing masaktan ka, pero I was hurting you in the process pala. Hindi madadala ng sorry ko kung ano man pinagdadaanan mo pero I'm new to this, wala pa akong masyadong alam sa mga feelings thing na yan." Huminga muna ako bago magtuloy ng salita. Iniiwasan ko ang mga mata niya kasi nasasaktan lang ako pagnakikita siyang nasasaktan.

"Haruto, bata pa tayo---" natigil ako sa mapait niyang tawa.

"You're rejecting me." Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"No my point is, bata pa tayo. Marami pa tayong makakasalamuhang tao. You'll find someone better, better than me. The one you deserve... hindi ako."

Binagsak niya yung kumot na nakabalot sa kaniya saka ako dinamba ng yakap. Nagulat ako pero mas inalala ko siya. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya at kahit hindi ko siya i-thermometer, alam ko na mataas lagnat niya.

"Then be the girl I deserve." Napapikit ako sa init ng hininga niya. Ramdam ko yung paghihirap.

"Haruto," I push him slightly para kumalas siya sa yakap. Naggive up naman siya agad at humiwalay. "Eyes on me."

Hinanda ko ang sarili ko sa makikita ko. Feeling ko tuloy nalunod ako nang tumingin din siya sa mata ko.

"I like you, okay?" Lumunok muna ako bago magtuloy. "You know I like you being my friend."

Bumagsak ang tingin niya. Kumirot yung puso ko pero gusto kong malaman niya ang mga sasabihin ko para naman hindi na siya umasa, ayokong nasasaktan siya.

"Minsan lang tayo magkasundo pero I am happy kasi kahit papaano naging magkaibigan tayo. Sinasabi ko to kasi ayokong umasa ka. Kasi I never thought about me and you being a... thing."

Hindi siya kumibo. "Hate me if you want, pero sana wag mong pabayaan ang sarili mo ng dahil lang... sa akin. Pinag-aalala mo sila, pinag-aalala mo ako."

Nag-angat ulit siya ng ulo at tumawa nanaman ng mapait. "You just rejected me and you're telling me nag-aalala ka? That's bullshit."

Nakagat ko nanaman ang labi ko. "Hindi mo pa ako masyadong kilala, baka magbago pa isip mo."

Tinignan niya ulit ako sa mata, ramdam ko nanaman ang pagkalunod sa titig niya. "Believe me, I know you too well and I am sure you're the only girl I like."

Pagkasabi niya non, pinulot niya yung tray ng pagkain at gamot niya na nilapag ko kanina. "Sana hindi ka nalang pumunta kung ayaw mo akong masaktan."

Yumuko ako. Magsasalita palang sana ako pero naunahan niya na ako. "At saka sabihin mo sa kapatid ko na wag mag-alala, papasok na ako next week."

At pagkasabi niya non, binalibag niya na pasara yung pinto.

Kusa akong napaupo sa sahig. Parang nanghina buong sistema ko kasi ramdam ko yung bawat sakit niya, sakit na ako ang may dahilan.

At sa pagkakataong ito, isa lang ang alam kong sabihin...

"I'm sorry."

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon