04

966 32 6
                                        

Kumatok kami sa malaking gate sa isa sa mga bahay ng isang subdivision. Wow, never knew na mayaman pala sila. Bumukas ang gate and lumabas doon ang isang maganda babae.

"Hanna!" Malakas na sigaw ni Jeongwoo. Bago pa niya mayakap si Ate Hanna, pinigilan ko na siya.

Lumapit naman si Ate Hanna sa kaniya kaya kilig na kilig yung isa. Gosh, malala na siya. Pinitik siya ni Ate sa noo.

"ATE Hanna. Nako Jeongwoo, ilang beses ba kita tuturuan?" Nakapameywang na tanong ni Ate pero bumungisngis lang ang kausap niya.

"Bakit ko sasabihan ng Ate ang magiging Girlfriend ko?" Kunot noong tanong ni Jeongwoo. Napaface palm si Ate

"Good evening ate, si Haruto?" Putol ko sa usap nilang dalawa. Kinamot ko pa yung batok ko sa hiya. Close naman kami ni Ate Hanna pero never talaga kami magkakasundo ni Haruto.

"Gabi na ah? Bakit nandito kayo?" Kunot noong tanong niya.

"Concern ka sa akin ha?" Tinaas baba pa ni Babe ang kilay niya. Tinulak ni ate papalayo yung mukha niya.

"Kay Kira lang, hindi sa'yo. At saka anong sabi ni Keita?" Tanong niya pa sa akin. Sumimangot tuloy si Babe.

Buti nalang at classmates at magkaibigan si Ate Hanna pati si Kuya kaya close kami ni Ate.

"Wala pa si Kuya kaya sa chat lang ako nagpaalam. Saglit lang naman kami, kakausapin ko lang sana si Haru---"

"May papatayi---" mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Jeongwoo saka siya sinamaan ng tingin.

"May ginawa nanaman ba kapatid ko?" Mabilis ako tumango. Buti nalang kakampi ko si Ate, hah!

"Si Haruto kasi... hindi sumasagot sa chat ko, may gagawin pa kaming thesis." Dahan-dahang explain ko.

"Sige na at pumasok na kayo, malamig pa naman sa labas." Tumango naman kami. Nauna si Jeongwoo at kabisadong-kabisado niya na talaga yung bahay. Akala mo dito rin nakatira eh.

"Pagsobrang gabi na kayo uuwi, ihahatid ko kayo pauwi ha?" Umiling ako sa alok niya.

"Hindi na ate, mabilis lang kami at saka pwede ko namang itext si kuya, siya nalang magsusundo sa amin." Si ate naman yung umiling.

"I won't take no for an answer. And wala akong tiwala kay Keita. Iba rin magdrive 'yon eh, hindi marunong." Nag-apir kami dahil sa sinabi niya.

"Ako na bahala kay Keita, take your time." Dagdag pa ni Ate pagkapasok namin sa bahay.

Naamazed pa ako sa bahay bago tumango. Wala naman akong laban kung humindi pa ako. Nilibot ko nalang ang tingin ko. Wala ang parents nila at saka ang bunsong kapatid na babae dahil sa Japan na sila nakatira. Pinili lang nilang dalawa na dito magstay and pinayagan sila. Ang galing nga kasi nakakayanan nilang silang dalawa lang. And buti nalang nagkekwento si Ate Hanna ng tungkol sa kanila pagmagkasama kami minsan.

Siningkitan ko ng mata si Babe na feel at home sa sofa.

"Oo nga take your time!" Pilit niya pa. Gusto lang naman makasolo amp.

"Anong oo ka diyan. Umuwi ka na nga, maggugulo ka lang naman." Natawa ako dahil sa taboy ni ate pero akala mo walang narinig si Jeongwoo.

"Yung nag-iisang pinto na malapit sa balcony, kwarto ni Haruto 'yon." Tumango ako. Bago pa ulit ako makahakbang nagsalita ulit siya. "And pag may kailangan ka nasa kitchen lang ako. Dito na kayo magdinner."

"Hoy tulong ako!" Sigaw ni Babe at sinundan ang pantasya niya sa kitchen. Napailing nalang ako.

Dahan-dahan akong umakyat sa taas. Inaadmire ko pa kasi lahat ng nadadaanan ko hanggang sa nagstop ako sa isang kwarto. Tumingin muna ako sa bukas ng balcony. Ang lamig ng simoy ng hangin at ang liwanag ng buwan... pero parang may kulang.

Binuksan ko yung pinto. Sarado ang ilaw pero may liwanag pa rin, kaya kusa akong napatingin sa taas. Stars. Bumukas ang bibig ko sa gulat. Walang stars sa labas pero dito sa loob ng kwarto meron. Ang daming glow in the dark stars sa ceiling niya at sobrang ganda non... hanggang sa tumigil ang mata ko sa isang tao.

Parang siya...

Hindi ko namalayang lumalapit na pala ako sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng bed niya at tinitigan siyang matulog... tinignan lang pala. Tinignan siyang matulog.

Pero hindi ko na naalis ang tingin ko sa kaniya. I mentally slapped myself. Terazono Kira! Ano bang ginagawa mo?!

Bakit ba kasi ang pogi mo? Aish! Perfect ka na sana kung tinutulungan mo ako sa thesis natin. Pasalamat ka talaga at para kang anghel matulog kaya hindi kita hinahambalos ngayon.

BAKIT BA LAGI MO NALANG GINUGULO ISIP KO WATANABE HARUTO?!

"Alam kong gwapo ako... pero tapos mo na ba ako titigan matulog?"

My heart skipped a beat.

Doon ako nabalik sa katotohanan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung nagsalita siya. Ano ba kasing ginagawa mo Kira!

"A-asa k-ka n-naman. A-akala mo t-tinititigan kita?" Nasampal ko nanaman ang sarili ko sa isip ko.

Nakita ko siyang ngumisi habang pikit pa rin ang mata. "Oo na crush mo na ako." Asar niya pa kaya malakas ko siyang hinampas ng unan.

"Aray!" Malakas ding daing niya at napatayo na. Buti nga sa kaniya.

Dumaan ako sa light switch saka binuksan iyon. Nawala na ang liwanag ng glow in the dark stars sa ceiling at lumiwanag na ang buong kwarto niya.

Umupo ako swivel chair sa tapat ng computer niya saka binuksan iyon.

Inikot ko ang swivel chair habang pinagmamasdan ang buong kwarto niya. In fairness mas malinis pa kwarto niya sa akin. Nagstop ulit ako sa harap ng computer habang iniwasan ang masamang tingin niya sa akin.

Natigilan ako nang makitang may password yung computer. "Ano password nito?"

"Ki---" natigilan siya. Tatawagin niya ba ako?

"Uhmmm?" Tanong ko at inikot ulit ang swivel chair paharap sa kaniya.

"Aish!" Tanging sabi niya at naglakad papunta sa computer. Inikot ko ulit paharap yung swivel chair sa computer.

Sobrang bilis ng pagtype niya pero hindi nakalusot sa mata ko ang unang letter at ang huling dalawang numbers.

Ang first letter ay K at ang dalawang huling number ay 30. Ang first letter ng pangalan ko at ang araw ng birthday ko.

Kunot noo ko siyang tinignan. Inaayos niya pa rin ang computer niya kaya hindi niya namalayan na nakatitig ako sa kaniya. Coincidence lang ba talaga yung password mo? Napatango ako, hindi naman kasi kami close so paano niya malalaman.

"Ayan tapos na." Sabi niya saka tumingin sa akin.

My heart skipped a beat, ulit.

Hindi ako umiwas ng tingin kaya nagtitigan lang kami. Natawa ako to ease the awkwardness at tinuro ang buhok niya. "Uso mag-ayos, kakagising mo lang."

Umiwas siya ng tingin at inayos ang buhok niya sa katabing full length mirror.

Nang makitang wala ng pag-asa, kinuha niya yung towel niya malapit sa amin saka tumingin sa akin. Nakatingin pa rin ako sa kaniya kaya titigan ulit kami.

"M-magshashower lang ako saglit, s-simulan mo na promise tutulong na a-ako." Sabi niya kaya natawa ako kasi nauutal pa siya. Cute niya nga kasi.

Umiwas na siya ulit ng tingin pero bago pa siya makaalis, hinawakan ko siya sa wrist para pigilan. Nakatalikod pa rin siya sa akin at hinihintay lang ata yung sasabihin ko.

"Hoy Watanabe Haruto, sa akin lang ang tingin." Favorite line ko na ata sa kaniya yan.

Dahan-dahan naman siyang humarap kasabay ng mga salitang kusang lumabas sa bibig ko.

At sa ikatlong pagkakataon, my heart skipped a beat.

"Gusto mo ba ako?"

Eyes On Me | Watanabe HarutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon