"Wait lang saan niyo ba ako balak itago ha?"
Inis ko silang hinarap habang nakapameywang. Kanina pa nila ako pinaghihila kasi mas maganda daw doon hanggang sa paghilaan nila ako. Nakakatuwa ba yon ha?
"Sa amin yung resort! Mas alam ko yung pasikot sikot." Kontra naman agad ni Hubby kaya legit na napairap kaming lahat.
Oo, nasa beach resort kami nila Hyunsuk oppa. Pumunta kami ng province nila since siya rin yung may pinakamalapit na province sa amin. At saka summer naman na kaya napagpasyahan namin na mag-outing sama-sama. Muntik pa nga kaming hindi payagan lahat habang yung iba nagmakaawa kami sa mga magulang nila.
At isang reason din bakit ngayon kami pumunta, birthday ni Haruto ngayon at nagbalak kami ng surprise. Syempre magaling ata akong magkumbinsi.
"Hubby..." nasa inis na tono na yan pero siya nakangiti pa rin. "MUNTIK MO NA NGA KAMI MAWALA SA RESORT NIYO EH."
Nagtaas naman siya ng kamay bilang surrender. Hindi nga muna nila ako pagsalitain, may plano na kaya kami ng Cutie Squad.
At bago pa nila ulit ako hilain magsasalita na sana ako para sabihin yung plano ko pero biglang dumating ang tumatakbo habang sumisigaw na sila Seokhwa oppa at Jaehyuk oppa.
"Dito niyo nalang ilagay si Kira!" Ngiting sabi pa nila kaya nabatukan sila ni Yoonbin oppa.
Paano ba kasi, may bitbit silang malaking box na parang regalo. Sino kayang tangang hindi makakaalam na nandoon ako?
"Tanga, edi halata yan." Sabi pa ni Yoonbin oppa kaya sumimangot yung dalawa.
"Hala kausap ka ba kasi." Inis na sabi ni Jaehyuk oppa.
"Tara na nga lang, hindi naman ata tayo kailangan dito." Kunyaring iyak pa ni Seokhwa oppa saka na sila umalis.
"Puntahan mo, baka hindi na talaga tumulong yung mga yon." Utos naman ni Byounggon oppa kay Yoonbin na siyang sinunod nito.
Isa-isa na ring nilalabas ang mga pagkaing luto ng mga babae naming mga kasama, in short ay yung mga squad naming mga babae. Maghapon na kaya kaming nagluluto at hinatak lang talaga ako ni Jihoon oppa para itago daw ako.
Yung Bibo Mamshies naman, sila yung mga nagdedecorate. Kaya naman na nila yon dahil andoon naman si Seokhwa oppa at Jaehyuk oppa. Dapat din nasa amin ngayon si Jihoon oppa kaso sobrang ingay niya kaya pinaalis namin.
Yung Cutie squad naman, hinatak ng mga babae para tumulong sa set up. Hindi tuloy namin magawa yung plano ko dahil hindi ako pinagsasalita ng mga to.
Habang kasama ko naman yung Ace Treasure na nag-aaway lang sa harap ko ngayon dahil sila pa rin naman ang ulo ng party na to.
At yung jApAnEsE bOiS, naglibot para mawala si Haruto dito habang nag-aayos kami. Ready to go na nga kami kahit papaano.
"Hay salamat nakatakas din ako." Tinignan namin si Jeongwoo na kumapit sa akin habang hinihingal.
"May plano kasi tong si Kira, pagsalitain niyo naman." Hays salamat at bestfriend ko tong lalakeng to.
"Aba bakit hindi mo sinabi agad edi hindi na kami nag-away dito?" Maktol naman ni Junkyu oppa.
"Hindi niyo kaya ako pinagsasalita!" Bulyaw ko kaya napakamot nalang sila ng batok.
"Oh anong plano mo ba?" Sa wakas ay tanong ni Yedam oppa.
"Clear niyo yung gitna sa harap, tapos alam na ng cutie squad gagawin doon." Sagot ko naman kaya tumango sila.
"Pasecret pa siya oh." Syempre hindi mawawala yung comment ni Doyoung oppa kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"Sige na, kunin mo na yung squad niyo sa kusina, I ready niyo na yung gagawin niyo." Tumango naman si Jeongwoo sa utos ni Seunghun oppa.
Nagulat naman kami nang biglang may sumigaw nanaman. Parang tangang nagpapanic si Yunseo oppa papunta sa amin kaya pinakalma agad siya ni Byounggon oppa.
Huminga muna ng malalim si Yunseo oppa saka malakas na sumigaw. "PARATING NA DAW SILA!"
BINABASA MO ANG
Eyes On Me | Watanabe Haruto
Fanfiction"HOY WATANABE HARUTO, SA AKIN LANG ANG TINGIN!" - Terazono Kira Whygee Tea Bois Series #1 : Watanabe Haruto : Watanabe Haruto X Reader : || YG Treasure Box Fanfiction || Date started: 02 / 01 / 2019 Date finished: 03 / 25 / 2019 [ Completed ] © Al...