Pabasa nalang po nung author's note sa dulo. Thank you. :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
RYN's POV
(September 9, 2012)
Sawakas, dumating narin yung araw kung saan may magaganap ngayon na "espesyal" daw.
Maaga palang naman pero nag-aayos na ko. Hindi naman actually na nag-aayos ng sarili ko, kundi, inaayos ko lang yung mga gamit at mga damit ko para mamayang gabi. Tinutulungan din ako ni Manang Lorna ngayon dito.
"Miss Ryn, heto po bang dress na ito? Susuotin mo o babaunin nalang na pampalit mo para mamaya?" tanong sakin ni Aling Lorna habang nakatingin ng derecho doon sa dress na tinutukoy niya. "Eh, hindi ko rin alam Aling Lorna." sagot ko.
Sa totoo lang kasi, yung unknown number na nagtext saakin noon ay may ipinadalang box para sakin. Akala nga namin nung una nila kuya Kevs, granada ang nasa loob eh pero oa lang pala talaga kami that time.
Nung nakita namin yung laman nung box na yun, nagulat kaming lahat. Bakit? Kasi hindi naman pala granada or anything yung laman nun eh.. kundi isang ubod ng ganda na dress at may kasamang heels pa. Color grayish blue yung dress na yon na may glitters at sequence sa ibang part sa dibdib pati narin sa kaliwang braso. Maigsi lang siya actually, super above the knee pero merong mahabang nakalaylay na sayad hanggang floor. Ang ganda-ganda nga nito eh. Tapos ewan ko ba, feeling ko nakilala ko na siya, yung unknown texter na yun.
**knock knock knock**
"Anak?"
"Uy ma! Goodmorning! Pasok po, pasok!" Wow, ang ganda ng mama ko ha. Kahit bagong gising yan for sure. Haha.
"Aga mo naman po atang nagising ma?"
"Eh naalala ko kasi na may lakad nga pala tayo mamayang gabi eh. Kaya ayun, naisipan kong gumising narin ng maaga at para makapaghanda ng aking mga gamit."
"Tayo? What do you mean ma? You mean.. kasama kayo nila papa at nila kuya?"
"Oo anak. Ayaw mo ba? Tampo na me, huhuh." Naku nagtampo pa ang nanay kong maganda. Haha!
"Ay naku mama! Hindi naman po sa ganon noh! Mas okay nga po na kasama pala kayo eh. Akala ko kasi ako lang yung napagdalhan nung imbitasyon na yon."
Oo tama kayo ng nabasa, isa ngang imbitasyon. Remember niyo pa ba yung unknown texter na yun sakin sa Chapter 26? Kinabukasan lang din kasi nun, nagpadala naman daw siya ng sulat. Ito na yung mismong invitation card. Kainis nga lang dahil hindi na sakin pinakita nila mama yun. Ewan ko ba, wag ko na daw tignan baka kasi may makita pa kong hindi maganda. Haynako. Tss.
"Ocia anak, kumain ka na ba?" tanong sakin ni mama. "Hindi pa po eh." sagot ko naman. "Ay nako sige bababa lang ako at ipaghahanda kita ng almusal okay?" "Sige po!"
Mga ilang oras din kaming naguluhan ni Aling Lorna kung ano ba talaga yung isusuot ko. Kung yung binili ba namin nila Kirah noon dun sa mall o yung binigay sakin ni Bes Julie o yung gift sakin nila mama't papa o yung pinadalang dress ni K-E.
"KAINIS! Hindi ko naman kasi alam kung ano yung motif eh!!" Sigaw ko ng dahil sa pagkairita.
BINABASA MO ANG
(REVISING) IKAW?! BAKIT IKAW?? BAKIT SAYO PA!?
FanficMahirap man tanggapin pero... hindi ko akalaing, SAKANYA pa ako maiinlove.