MEET A NEW CHARACTER! Say "HI" to him! Hahahaha!
Uhh hello, dedicated para sayo 'to. I miss you! :*
-----------------------------------------------------------------------------------
KHALIL's POV
Ako nga pala si Khalil Joseph Nepomuceno Ramos. 17 years old.
Ang haba noh? Bale.. Khalil nalang ang itawag niyo sakin. Tutal, ang stage name ko naman ay Khalil Ramos lang.
Medyo matangkad, moreno, matalino, may eyeglasses. Cute daw sabi nila, at pogi narin. Magaling kumanta.
Palakaibigan ako, kaya wag kang matakot sakin. Yun nga lang, dahil sa eyeglasses ko na 'to na medyo malaki, nababansagan akong NERD o kay PGB... "Pa-Genious Boy".
Ewan ko ba.... ganyan na talaga tawag nila sakin eh.
Okay narin yan... sanay na ko. Ako pa! HAHAHA.
Ah siya nga pala, medyo anak mayaman din ako.. MEDYO lang, ayoko ipagyabang eh. Hahaha.
"Khalil anak, hindi ka pa ba matutulog?" si mama. Tessa ang pangalan niya. Ganda ng pangalan noh? Syempre, maganda yan. ;)
"Mama naman, 5:30pm palang ho. Hindi ho ba pwedeng mamaya nang 7 or 8 ng gabi?"
"Oo alam ko anak. Pero panigurado naman na pagod ka sa byahe natin diba?"
"Uhm... opo, pagod ako. Pero... ma, sobrang aga pa eh."
"Hayyyy naku ang anak ko. Kumukulit nanaman." lumapit sakin si mama tapos niyakap ako. "Gusto mo bang bumalik ulit tayo doon ha?"
"Nako ma, ayoko na po! Sapat na po yung sampung taon akong nag-stay doon!"
"Mabuti naman kung ganun. Dapat ganyan palagi ha? Sumusunod ka samin." si mama talaga, lakas manakot. Hoo! Pero mahal ko yan. Hehehe. "Osya sya, ipapaakyat ko nalang 'tong mga gamit mo sa katulong natin tapos mauna ka na dun sa kwarto mo ha?"
"Opo ma......... goodnight."
"Goodnight anak." *chup*
Haaayyy, wala nanaman akong nagawa.
Kapag kasi si mama ang humingi ng favor sakin o kaya ang nag-utos, walang walang wala talaga akong nagagawa. Hindi naman ako makatanggi kasi ayokong masaktan ko si mama.
Ganyan kasi ako eh. Mapagmahal ako. SOBRA. Kaya ayokong-ayoko na nakakasakit ako ng babae.
PROMISE.
**the next day**
BINABASA MO ANG
(REVISING) IKAW?! BAKIT IKAW?? BAKIT SAYO PA!?
Fiksi PenggemarMahirap man tanggapin pero... hindi ko akalaing, SAKANYA pa ako maiinlove.