Chapter 36

584 7 3
                                    

-DANIEL'S POV-

Isang buwan at kalahati na ang nakakalipas.

Marami-rami na rin ang nangyari sa school namin. Maraming activities, events, special homerooms, outreach programs, campings, and everything.

Lahat ng yun, pinaghirapan naming mga estudyante. Lalong lalo na ng mga teachers.

Ako? Ayun. Dahil nga nalaman nilang may isang artista na lilipat sa Princeton University at doon na mag-aaral... kapag may mga events o kung ano pa yan, ako palagi ang tinatawag nila.

It's either patugtugin nila ko with my band or pakakantahin ng ako lang.

Pero ayos lang, masaya naman eh. Masaya akong nakakasunod ako sa utos ng mga taong mas nakakataas sakin. Kahit na nakakapagod.

At tsaka, I love my work. I love this job. Dahil sinimulan ko 'to, syempre, dapat kong tapusin 'to.

Isang buwan at kalahati ko na ring napapansin na palaging may kasamang lalake si Ryn.

Nakakapagtaka. Eh hindi naman kasi yan malapit ng sobra sa mga lalake.. except sa barkada niya.

Pero itong bagong lalake na ito? Sobrang close nila sa isa't-isa! Para bang magkakilala na sila matagal na kung umasta. Tsssss.

SINO BA KASI SIYA!?

FLASHBACK 1

Thursday. Lunch time.

Habang pabalik ako sa room namin galing ng dean's office, napag-isip isip kong dumaan muna ng canteen para bumili ng sandwich at maiinom.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang, may narinig kaagad akong isang pamilyar na boses.

Sa dinami-dami ng mga estudyante dito sa loob ng canteen.. sa sobrang ingay.. sa sobrang gulo.. akalain mo, narinig at narecognize ko parin yung boses ng isang tao na kailan man ay hindi makakalimutan ng utak ko, puso ko, katawan ko, ilong ko, mata ko, tenga ko, at ng spiritu ko.

At tama nga ang hinala ko, nandito siya sa loob ng canteen.

Boses palang, kilalang-kilala ko na eh.

Lalo na yung tawa niya. Wagas kaya kung makatawa 'to! Lalo na kapag sobra talagang masaya siya at sobrang nakakatawa yung isang bagay na yun... ihanda mo nalang ang tenga mo.

Hinanap hanap ko kung saan nanggagaling yung boses na yun.

At nung paglingon ko sa may kaliwa ko, sa gitna ng canteen, malapit sa may isang poste at salamin at electric fan, nandun siya.

PERO MAY KASAMANG IBA. <///3

Ang sakit. Ang sakit sakit makita yung taong "MAHAL" MO na may kasamang iba.

Eh mukhang NERD naman eh! Sus. Bakit niya yun pinatulan!?!

Ang saya-saya nila. Tapos itong si lalake, todo naman pa-cute kay Ryn.

(REVISING) IKAW?! BAKIT IKAW?? BAKIT SAYO PA!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon