Episode 1

79.7K 3.1K 1K
                                    

Cath

Two Days After Agatha's Death

"The mysterious death of Agatha Mendoza was already solved, investigators found out that it was suicide."

"Devastating suicide story of Agatha Mendoza-- the famous and uprising author of the Philippines."

"Possible reasons why Agatha Mendoza ended her life-- as per her parents, teachers and classmates."

"The famous author of the book "The Day Where My Life Ends And Ours Begin" died because of suicide."

"The J.K. Rowling of the Philippines killed herself because of depression."

Tuloy-tuloy na tumutulo ang aking mga luha habang hawak ko ang aking cell phone. Binabasa ko ang mga Facebook posts ng iba't ibang news websites patungkol sa pagkamatay ng bestfriend kong si Agatha. Viral na viral ang pagkawala niya to the point na nakarating na ito sa iba't ibang bansa. Ni hindi na nga rin ako makapanood sa television, eh. Mag-dadalawang araw nang top news sa iba't ibang TV stations ang kanyang pagkamatay. Nasasaktan lang ako sa tuwing napapanood ko ang mga iyon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi ko kayang isipin na hindi ko na siya makakasama pa. Hindi ko pa rin kaya ang sakit.

I am never ready for her unexpected exit.

You know the feeling when you already found someone whom you planned to share your future with? 'Yung tipong planado mo nang makita siyang hanggang sa tumanda ka. Pero bigla na lang siyang kukunin sa 'yo. 'Yung wala nang balikan. 'Yung wala nang take two. 'Yung wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin na lang. Na wala na. Na tapos na.

Ang sakit.

Sobrang sakit tanggapin.

But you know what hurts the most? It's seeing people to assassinate her name just for money. Because of them, she is now the face of depression and suicide.

Kilala ko ang bestfriend ko, hindi papasok sa utak niya ang mag-suicide. I know her better than the freaking investigators who investigated her case.

It's already eleven o'clock in the evening. Pasalampak akong humiga sa aking kama. Natutulala akong pinagmasdan ang puting kisame. Binitawan ko ang aking cell phone hanggang sa bumagsak ito sa aking gilid.

Bumuga ako ng hangin. Pagod na pagod ako. Kagagaling ko lang kasi sa burol ni Agatha. Kanina, sobrang daming bumisita sa kanya. Never kong in-expect na ganoon pala kadami ang kanyang fans.

Somehow, her fans made me stronger. I managed to temporarily forget the desolating feeling I have whenever I got the chance to talk with them. Ibinahagi nila sa akin kung papaano sila natulungan ni Agatha sa pamamagitan ng kanyang mga libro. Kung papaanong ang bestfriend ko ang naging dahilan nila para magpatuloy sila sa buhay.

Ang saya lang isipin na marami kaming nagmamahal sa bestfriend ko-- na marami akong karamay sa pinakamahirap na yatang punto ng aking buhay.

Humikab ako, ramdam na ramdam ko ang pagod na pagod ko nang mga mata. Simula kasi noong mawala si Agatha, nahihirapan na akong makatulog.

Naiisip ko pa rin kasi siya lagi.

Masakit.

Sobrang sakit talagang isipin na wala na siya.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon