Episode 2

65.5K 2.6K 2K
                                    

Cath

One Hour Before Agatha's Death

Napapahikab akong umupo sa aking upuan. As expected, ako pa lang ang tao dito sa classroom. Ngayon ay pasado alas-sais pa lang kasi nang umaga, isang oras bago magsimula ang klase.

Bakit ako maagang pumasok? Iyon ay para magpatutor sa bestfriend kong si Agatha. Pangalawa na kasi ako sa pinaka-last sa ranking ng section namin. Hindi ko na kinakaya ang sermon na nakukuha ko sa aking parents kaya't humingi na ako ng tulong sa kanya. Well, because she's an angel in disguise, she doesn't hesitate to help me. Ngayon ang simula ng pagtu-tutor niya sa akin.

Having Agatha as my bestfriend is indeed a blessing. Siya 'yung tao na willing tumulong kailangan mo man siya o hindi.

Sa sobrang bait nga niya, muntik na akong magpatayo ng rebulto niya, eh!

Naputol ako sa aking iniisip nang bumukas ang pinto. I quickly turn my gaze towards it.

Lucas Cua.

Kusa akong bumusangot habang nakabusangot rin siya sa akin habang sinasarado ang pinto.

This punk is that someone whom I don't want to share a room with. Siya iyong taong makita mo lang ang anino ay talagang masisira na agad ang araw mo.

Magmula kasi noong mag-transfer ako dito, wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako. Araw-araw niyang pinapainit ang ulo ko. Iyong tipong parang hindi mabubuo ang kanyang araw nang hindi ako nakabusangot nang dahil sa kanya. 'Yung parang trabaho niya ang inisin ako at ang mas nakakainis pa nito, palagi siyang panalo!

"What?" He cocked his eyebrow as he leaned his back against the door. "Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?" He lifted the corner of his lips.

Tumayo ako at tinaasan rin siya ng kilay. "Excuse me? 'Yung pinto ang tinitignan ko and yuck?" I make a gag sound, "Saang banda ang gwapo sa 'yo? Paki-explain." I roll my eyes and laugh sarcastically.

Pero tumigil din agad ako sa pagtawa nang bigla siyang siyang sumimangot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang maging masaya ba dahil nagtagumpay akong inisin siya o ang matakot dahil baka saktan niya ako?

Teka nga, bakit ang dali yata niyang mainis ngayon? Jusko.

By chance, may red alert kaya siya ngayong linggo? Daig pa nito ang nagme-menopause na matanda, eh.

Napalunok na lang ako ng laway habang pinagmamasdan siyang lumakad papalapit sa akin. His eyes are too sharp for me to handle. It stabs my fragile soul. I am mentally bleeding and there is no way I can mend myself right away.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makatakbo.

Paralisado ako sa nag-aalab niyang mga mata.

Kaunti na lang, hihingi na talaga ako ng take two mula sa kanya. Baka puwede namang ulitin na lang namin ang scene na iyon kanina? Mag-aagree na talaga akong gwapo siya!

O lumuhod na lang kaya ako? Pero paano? Ayaw makisama ng mga tuhod ko!

Nagpatuloy siya sa paglakad papalapit sa akin nang may nagtatangis na mga mata. Ang tuhod ko naman ay halos mabaklas na mula sa aking mga hita dahil sa labis na panginginig.

Hindi na ito kinakaya ng pagkatao ko!

Ready na ba akong magkaroon ng black eye?

Siyempre, hindi!

Kilala ko ang lalaking ito, wala itong pinipili. Kahit nga babae ay pinapatulan nito. Muntik na nga niyang masaktan si Agatha noon kung hindi ko lang talaga siya pinigilan, eh.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon