Episode 3

47.8K 2.4K 1.7K
                                    

Cath

Three Days After Agatha's Death

"Cath, help me please..." Agatha groaned as she walks towards me.

"A-Agatha?" I'm blinking as I continue to watch her.

Nang makalapit na siya sa akin ay umiiyak siyang niyakap ako nang mahigpit. Tila bang sobrang nasasaktan siya ngayon.

Bakit ba siya umiiyak? Ano bang nangyari?

"Help me..." She continues to sob as she hugs me even tighter.

I pulled away from her hug. When I cup her cheeks, I tried to calm her down by hushing her. "Anong nangya--"

Natigilan ako.

Pigil hiningang nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang kanyang mga pisngi. Unti-unti iyong nabalutan ng dugo mula sa kanyang mga mata. Tuloy tuloy na umagos ang dugong iyon sa kanyang katawan hanggang sa ang puting uniporme ay naging pula na.

Natataranta akong lumayo sa kanya noong bigla siyang sumigaw. Ang sigaw na iyon ay puno ng labis na sakit. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang siya dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Nagsimula na din akong maluha nang ang mukha niya ay biglang nagbago. Mabilis na lumitaw ang mga pasa at sugat mula sa kanyang mukha. Para bang nabasag ang kanyang bungo. Hindi ko na siya makilala ngayon.

"Help me..." Sunod sunod na umalingawngaw dito sa madilim na silid ang boses niya.

Napaatras ako. Nagtakip ako ng tainga dahil ang sigaw niya ay nagmistulang nakakabinging tunog sa akin. Dahil sa unti-unting paglakas noon ay para ba akong mawawalan na ng pandinig.

"Cath, anak. Wake up, baby. It's just a nighmare."

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mom. Agad akong napayakap sa kanya habang hinahabol ang aking hininga. Para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.

Punong puno ng pawis sa buong katawan, patuloy kong pinakalma ang aking sarili. Napapikit ako habang patuloy sa panginginig ang aking katawan. Isang masamang panaginip na naman pala.

***

Ilang minuto ang nakalipas ay kumalma na rin ako. Mom is really a skilled Psychologist, nagawa niya akong pakalmahin nang ilang minuto lang habang ginagawa niya sa akin ang therapy na angkop sa aking kondisyon.

"Anong oras na ba?" I ask myself.

Inabot ko ang aking phone para tignan ang oras. Alas-tres pa lang pala ng madaling araw. Kaya ko pang gawin ang group assignment ko para sa first subject.

Mabilis kong kinuha ang aking laptop at agad itong binuksan. Kailangan ko nang magmadali, isang oras pa ang biyahe ko tapos traffic pa.

Oo, kahit probinsya dito, may traffic pa rin. Noong una nga, laking pasasalamat ko kay Dad kasi sa wakas aalis na kami sa Manila at hindi ko na mararanasan uli ang traffic pero pagdating ko dito, surprise! Meron pa rin pala.

Ang lupit talaga ng lintik na traffic na 'yan. Parang ex ko lang, kahit ayaw ko na sa kanya-- siya talaga itong nagmamatigas at sunod pa rin nang sunod sa akin. Pero sana may ex talaga ako, 'no?

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon