Episode 12

22.1K 1.3K 677
                                    

Stephanie

Two Years Before Agatha's Death

"Sino ang mas maganda," I asked Agatha while smiling sweetly as I point my lips towards the girl who's sitting afar from our seat, "ako o siya?"

"Siyempre, ikaw! Best friend kita, eh." She pats me as if I'm a puppy. Then she pointed her lips to the girl sitting afar from us, "Pero kung siya ang best friend ko, siyempre siya ang mas maganda." She guffawed and Vanessa joined her. I resorted with swatting their arms with my face wearing a poker face.

Ngayon ay nandito kami sa paborito naming diner. Hinihintay namin sina Larby at Lucas. Anniversary kasi ng squad. Dito namin napiling mag-celebrate since dito naman naging official ang squad namin.

Sa isang taon na lumipas, nakilala ang squad namin sa school as the "Dream Squad". It's for the reason we are composed of five achievers. Agatha, Vanessa and I ecxelled academically. On the other hand, Lucas and Larby became proficient on the side of extracurricular activities, specifically in Basketball. Dahil doon ay naging famous na agad kami sa school kahit na freshmen pa lang kami. Even our Seniors are looking up on us.

"Ayan na sila, sa wakas." Iritadong sambit ni Vanessa.

"Sorry," Pagsisimula ni Larby, "badtrip kasi si Coach kaya late na tinapos ang practice." Huminga siya nang malalim bago umupo sa tabi ni Agatha. He is about to snake his arms above Agatha's shoulders when she scooted away from him.

Agatha and I shared a knowing grin. Sa squad kasi ay ako lang ang nakakaalam sa relasyon nilang dalawa. Gusto iyong isikreto ni Agatha dahil tiyak na mapapagalitan siya ng kanyang Dad kapag nalaman niyang karelasyon niya si Larby. Kilala kasi si Larby bilang chicboy sa loob at labas ng school. Noong sinabi nga iyon sa akin ni Agatha ay agad akong tumutol sa kanilang dalawa pero sa huli, wala din akong nagawa. Inlove na inlove na siya, eh. Kahit naman tumutol pa ako ay wala din akong magagawa.

Samantala, si Lucas naman ay umupo sa tabi namin ni Vanessa. I began to smile.

"Huwag na kayong magreklamo. Nagrereklamo ba kami kapag natatagalan kayo sa CR tuwing gumagala tayo?" He is wearing his usual obnoxious poker face.

As usual, si Vanessa ang pinaparinggan niyan. Sila lang naman talagang dalawa ang laging nagbabangayan na para bang aso't pusa sa tuwing late siya. They are polar opposites. Vanessa treasured time the most while Lucas doesn't care at all.

Ganiyan iyang dalawang iyan, lagi silang nagtatalo ever since we met. Swear, they will fight over miniscule circumstances. Sobrang positibo kasi nitong si Vanessa tapos si Lucas naman ay sobrang negatibo kaya lagi silang nagkakasalpukan ng ideya. Kumbaga laging pros side si Vanessa tapos sa con naman si Lucas.

"Tama na 'yan, kumain na lang tayo." Agatha grimaced as she looked back and forth between the fuming Vanessa and the grinning Lucas, "Baka lumamig ang pizza, oh."

I am laughing as I massage Vanessa's shoulders. It's as if I am preparing her for a boxing match. But she just sighed in irritation and gave up after a few moments. Nagsimula na lang kaming kumain, which Agatha and I greatefully sighed after, baka kasi may duguang umuwi sa pagitan nilang dalawa ni Lucas kung hindi pa sila titigil.

Matapos ang ilang minuto ng pasimpleng pag-aaway nina Lucas at Vanessa habang kumakain, pag-jojoke ko (which all of them agreed that I am not good at it and I should just shut up), at pag-jam namin sa mga kantang pinapatugtog sa diner, nagpasya na rin kaming umuwi. Mag-gagabi na kasi.

Also, bawal kasing gabihin ng uwi si Agatha. Her parents are very strict. Naiinggit nga ako sa kanya minsan, eh. 'Yung parents ko kasi, walang pakialam sa akin. Yes, binubusog nila ako sa mga materyal na bagay. Pero hindi iyon ang kailangan ko, eh. What I need is the parents who will treat me the way I want to be treated. What I want is their time and attention.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon