Episode 9.2

24.3K 1.4K 705
                                    

Larby

Five Days Before Agatha's Death

Wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa classroom. Si Agatha ang unang pumasok at nagpahuli ako para walang makahalatang magkasama kami sa buong lunch break. Nagtungo na kami sa kanya-kanya naming upuan.

Agad kong kinuha ang phone ko para i-check kung online ba siya. Lumawak ang ngiti ko nang makita kong online nga siya. Nakangisi akong nag-type.

You
I miss the taste of your lips.

Biglang siyang lumingon sa akin. She gave me a warning gaze as if saying don't you fucking start with that. Ngumisi lang ako sa kanya at saka tumipang muli sa aking cell phone.

You
I'm kissing, luv. Ay, sorry typo. Kidding talaga 'yan.

You
HAHAHAHAHAHA!

Impit ang tawa ko habang tinitignan siya. Nag-eenjoy ako sa biglang pamumula ng kanyang mukha. She let out an irritated sigh before she typed.

Luv
Humanda ka sa 'kin mamaya, Larbyno.

You
Ganiyan din ang sinabi mo sa akin kaninang umaga, eh. Mageexpect na ba ako sa second kiss mo?

Patawa-tawa lang ako pero deep inside, gusto ko nang gumulong dahil sa pinaghalong saya at kilig.

Luv
Ewan ko sa 'yo. Sasapakin na talaga kita mamaya.

Tumingin siyang muli sa akin at inirapan ako. Okay, naiinis na siya. Time to change the topic. I pout at her as I type.

You
By the way, luv. May gagawin ka ba mamaya?

Luv
Hmm, wala naman. Why?

You
Date tayo, please?

Luv
Luv naman.

Luv
You know, we can't. Baka may makakita sa atin.

Ngayon ko lang narealize na bawal nga pala. When will I get used to this kind of set up?

Sad emoji lang ang nireply ko sa kanya. Matapos noon, tumingin siyang muli sa akin. She is now staring at me as if figuring something out.

Luv
Aish, okay.

Luv
Gagawan ko na lang ng paraan. Babawi ako sa 'yo, remember?

You
Really?!

Luv
Meet me at the gate of our subdivision at exactly 5 PM. I'll be there.

Ang ngiti ko ay halos umabot hanggang langit. Bago ako mag-reply ay ni-flood ko muna siya ng heart emojies.

You
I love you raised to the nth power!

Nag-heart reaction na lang siya sa reply ko. Pero sa sobrang saya ko ay sinundot ko siya sa kanyang tagiliran. Dahil doon ay napatalon siya habang nakaupo dahil sa gulat. Ako naman ay biglang sumubsob at impit na tumawa.

"Napaano ka, besh?" Tanong sa kanya ng bestfriend niyang si Cath.

"Bakit ka namumula?" Dagdag naman ng pinsan niyang si Luigi.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon