Episode 4

40.8K 2K 1.3K
                                    

Lucas

One Year Before Agatha's Death

Nakasimangot akong naglalakad sa corridor ng school building. As usual, late na naman ako. Pero wala naman akong pakialam, pumapasok na lang naman ako dito out of boredom, eh.

School is bullshit. That's a fact. This is just an institute full of damn moron who knows nothing but to study shits that none of us needed in the future.

Seriously, they should, instead, focus on making their time worthwhile. Studying is never fun. Come on.

Bakit hindi na lang nila ako gayahin?

Sarap buhay. Walang pakialam. Hindi nahihirapan mag-aral ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.

Pero siguro kasi sinuwerte lang ako?

Wala akong pakialam sa buhay dahil bakit pa nga ba ako mangangamba sa future ko? Ako lang naman ang tagapag-mana ng business ni Dad. Kahit mag-fail ako nang mag-fail sa acads ko, wala pa ring epekto 'yon sa magiging future ko.

Nang marating ko na ang pintuan ng aming classroom, nagtuturo na si Sir Banaticla.

Bullshit!

Paniguradong mapapagalitan na naman ako ng matandang 'to. I wince as I creased my forehead. I almost punch the door.

There is no way I will enter that damn room. The last thing I want to hear is that damn teacher's irritating and squealing voice.

Naupo na lang ako sa gilid ng pintuan. Sinandal ko ang aking likod at ulo sa pader. Nakatingala akong ipinikit ang aking mga mata at nagpasya na lang na matulog.

***

"Lucas, hey." Came by a familiar voice of a girl.

Agad kong iminulat ang aking mga mata at tinignan siya. "Ano?" Naiirita kong sagot. Ipinikit kong muli ang aking mga mata.

"Start na ang next class," she poked my arms and I am quick to jerk it away, "bangon ka na diyan."

Iritado kong minulat ang aking mga mata. Mabilis akong tumayo at kunot-noong nagtungo sa aking seat.

"Pakialamera." Naiinis kong bulong nang makaupo na ako.

Itinungo ko nang muli ang aking ulo sa arm rest. Pinagpatuloy ko ang tulog ko kahit na dumating na ang guro namin.

***

Nagising ako dahil na naman sa nakakairitang boses ng babaeng 'yon. "Lucas, lunch na. Gising ka na."

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagpikit na para bang hindi siya nag-eexist sa mundo ko.

Pero hindi pa rin siya tumigil. "Lucas..." Sambit niya nang paulit-ulit habang kinakalabit ako.

Tumunghay ako. I glare at her. Ano bang gusto ng babaeng 'to? Tangina, bakit ba ang kulit nito?

"Kailan mo ba ako titigilan?" Nakasimangot kong sambit.

Natigalgalan siya. "Naisip ko kasing baka nagugutom ka na kaya kita ginigising." Came by her small and petrified voice. Nakatungo ang ulo niya. Tila bang hindi niya kayang makipaglaban sa matalim kong tingin.

"Leave me alone." I dryly said as I lay my head against the arm rest.

I heard her sigh. "Iwan ko na lang 'to dito, ah?"

Naramdaman kong may inilapag siya sa aking arm rest. Nakakunot noo akong tumunghay muli at tinignan ang kanyang iniwan sa akin. Sandwich.

"Agatha!" My jaw clenched.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon