The Diary

29.3K 1.4K 1.5K
                                    

June 1, 2015
Dear Diary,
Bukas na ang first day of school at official na akong makakatuntong sa Junior High School. Medyo kinakabahan ako dahil ni isa ay wala akong kilala sa magiging classmate ko. Hindi ko nga rin alam kung may kaklase ako mula sa Elementary na magiging schoolmate ko eh. Pero I'm hoping na sana ay makahanap agad ako ng kaibigan!

June 2, 2015
Dear Diary,
Katulad ng pinagdadasal ko kagabi, nakahanap nga talaga agad ako ng kaibigan! Noong una, nagdadasal ako na kahit isa lang pero sobrang bait ni Lord dahil apat ang binigay niya. Nakilala ko kanina sina Stephanie, Lucas, Larby at Agatha. Sobrang ganda ni Stephanie pero sa tingin ko ay hindi ko siya makakasundo dahil masyado siyang madaldal, si Lucas naman ay napatahimik na sobrang kabaliktaran ni Stephanie, samantalang si Larby ay approachable pero hindi ko feel 'yung sincerity niya. Ang gusto ko lang sa kanilang apat ay si Agatha dahil sobrang bait niya and guess what? Siya 'yung author ng favorite book ko!

June 9, 2015
Dear Diary,
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kusa na lamang napalapit ang loob ko sa kanilang apat. Nagawa ko nang tiisin ang pagkamadaldal ni Stephanie, samantalang si Lucas ay nagsisimula na ring maging katulad niya. Bigla namang nagbago ang tingin ko kay Larby, sobrang bait niya rin pala katulad ni Agatha. Nga pala, isinama ako ni Agatha kanina sa book signing event niya at sobrang nakakatuwa ang reaksyon ng kapwa kong fan niya. Kaso mas angat ako sa kanila dahil kaibigan ko na ang idol namin.

July 16, 2015
Dear Diary,
Remember this date! This is the first day na squad na kaming lima!

August 20, 2015
Dear Diary,
Sorry kung madalang na ako makapagsulat sa iyo, ah? Busy kasi ako sa school kasi may quiz bee pa kaming sinalihan. Guess what sino ang team mates ko? Sina Steph at Agatha!

September 1, 2015
Dear Diary,
Naalala mo 'yung sinabi ko sa iyo noong last entry? Kasali kami nina Steph at Agatha sa quiz bee at nanalo kami! Dahil doon, medyo nagiging sikat na ang squad namin dahil sa achievements na isa-isa naming nakukuha para sa school. Sina Larby at Lucas naman ay parehong nakasama sa Mythical 5 sa regional games ng school namin last week.

September 22, 2015
Dear Diary,
Hi, nalulungkot ako ngayon. Magmula kasi noong isang buwan ay hindi na tumigil sina Mama at Papa sa pag-aaway. Nahuli na naman kasi ni Mama si Papa na may ibang babae kaya't hindi na siya tumigil sa kakaaway sa kanya magmula noon. Nasasaktan naman ako kasi bakit ganoon si Papa? Bakit hindi niya kayang magpakatino? Pati tuloy pag-aaral ko ay napapabayaan ko na dahil hindi na ako ang top 1 sa klase, si Agatha na.

November 27, 2015
Dear Diary,
Sinubukan kong mag-open up ng problema kay Stephanie kasi siya itong nakakaclose ko nitong nagdaang araw dahil busy si Agatha sa ginagawa niyang bago libro. Hindi naman ako pinakinggan ni Steph eh, pinagtawanan pa nga ako kaya't sinubukan ko kay Larby since mukha naman siyang matino. Nagulat ako noong nag-advice na siya sa akin dahil sobrang naiyak ako. Tumpak na tumpak kasi lahat ng sinabi niya kaya't gumaan ang loob ko nang makausap ko siya.

December 17, 2015
Dear Diary,
Pasensya ka na kung once a month na lang ako makasulat sa iyo ha? By the way, kanina nga pala ay ginanap ang Christmas Party namin. Masaya!

March 19, 2016
Dear Diary,
Wala na, tapos na. Umiiyak ako ngayon dahil maghihiwalay na talaga sina Mama at Papa. Hindi ko 'to kakayanin, sana ay nasa isang masamang panaginip lang ako. Magmula kasi noong mag-away sina Mama at Papa ay wala nang araw silang hindi nag-aaway. Sobrang nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Bakit kailangan ko pang maranasan ito?

April 3, 2016
Dear Diary,
Nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa mga magulang ko. Para bang biglang nabalutan ng madilim na ulap ang masaya kong buhay. Sa nangyari sa kanila, tila bang natatakot na akong magmahal.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon