Episode 13.1

22.2K 1.3K 645
                                    

Cath

Twenty Days After Agatha's Death

YOU ARE NEXT.

Binasa ko muna ang sulat na nasa ilalim ng desk ko at saka nilukot ito nang pabilog. Iritado akong itinapon ito sa kung saan. Matapos ay nakakunot noo akong tumingin sa kinaroroonan ni Lucas. He just grin at me as if he wants me to scowl.

Limang araw din ang nakalipas nang matanggap ko ang sulat ng pagbabanta na halata namang galing sa kanya. Simula naman kasi noong una, siya lang naman ang laging nagbabanta sa akin, eh.

Simula noong araw na 'yon ay araw-araw na akong nakakatanggap ng ganoong mga sulat. Katulad na katulad ng kung anong natanggap ko noong nakaraang limang araw.

Feeling ko tuloy ngayon, para akong si Mirriam Defensor. It's as if I eat death threats for breakfast but these letters never petrify the hell out of me.

Hindi na ako katulad ng dati na madaling masisindak ng kahit na sino. Wala na akong naramdamang takot tuwing nakakabasa ako ng mga ganoong sulat.

Hindi ko naman kasi kailangan ng takot ngayon. Ang kailangan ko ay lakas ng loob upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng matalik kong kaibigan.

Pero habang lumilipas ang mga araw, pinanghihinaan na ako ng loob. Noon kasing simulan na namin ni Luigi ang pag-stalk kina Lucas at Stephanie ay wala talaga kaming nakuhang ebidensya kahit isa. Si Lucas ay dumidiretso lang sa bahay nila o hindi naman kaya ay mag-isang maglalaro ng basketball doon sa court ng subdivision nila. Si Stephanie naman ay hindi talaga lumalabas ng bahay nila after school, at all. Hindi na rin sila nagkita pang dalawa.

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo."

"Iniisip kasi kita." Natatawa kong sagot kay Luigi na umupo sa aking tabi.

He coughs, I caught him off guard. "Ligawan kita diyan, eh."

"Bakit ako matatakot?" I challenge him.

"So, magpapaligaw ka nga sa akin?" His smile grew.

I just rolled my eyes playfully at him. Magrereklamo na sana siya pero huli na noong tuluyan na akong tumakbo sa kumpulan ng aming mga kaklase.

Ngayon ang alis namin papunta sa resort na pag-gaganapan ng aming retreat. Sobrang nalungkot nga ang mga kaklase ko nang malamang hindi na kami sa Baguio magreretreat. Hindi kasi pinayagan ng DEpED ang request ng school dahil sa nakababahalang bilang ng mga trahedyang nangyari doon nitong mga nakaraang taon. Nagpasya na lang ang mga guro namin na doon na lang sa isang resort malapit sa amin ito ganapin.

Ngayon ay naghahanda na kaming umalis papunta doon. Ang napagkasunduan kasi ng mga PTA officers at ng school ay dalawang araw ang retreat. Ang buong weekend namin ngayon ay nakalaan para doon.

Lima ang sections para sa mga Grade 10 kaya limang bus ang inarkila ng school para dito. Sakto lang naman ang bilang ng bus dahil hindi naman lalagpas sa tatlumpung katao ang estudyante sa isang section. Maluwag pa nga ito kung tutuusin.

"Hello, Cath and Luigi." Nakangiting bati sa amin ni Vanessa.

I smiled back. "Excited ka na ba?" Umakbay ako sa kanya.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon