Cath
Twenty Days After Agatha's Death
Napaparanoid na naman ba ako?
Tumigil ako sa paglalakad sa gitna ng dilim. Sapo-sapo ko ang aking dibdib habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Wala namang tao.
Nagpaparanoid nga lang siguro ako.
As I assured myself that I am just overthinking, I continue to walk. Kaunting mga hakbang na lang naman ay mararating ko na iyong dulo kung nasaan iyong ilaw.
Phew. Paranoid lang talaga siguro ak-- natigalgalan ako noong biglang bumukas ang pinto ng isa sa mga abandonadong cottage dito sa resort. Dahil sa pagkagulat ay wala akong nagawa noong biglang may kamay na humila sa akin mula doon. Titili na sana ako nang malakas. Pero huli na noong tinakpan na niya ang aking bibig.
Malakas ang pagkabog ng puso sa aking dibdib, nagpumiglas ako mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Pero wala akong nagawa. Sobrang lakas niya. Ni hindi ko nga magawang maitaas man lang ang aking mga kamay, eh. Ang makawala at makatakbo pa kaya papalayo sa kanya?
That was the point when I began to cry. Nagmakaawa ako sa kanyang pakawalan na niya ako. Natatakot akong isa siyang rapist o isang kriminal na may masamang gagawin sa akin. Talamak pa naman ang krimen dito sa lugar namin nitong mga nakaraang araw.
Labis na akong nahintakutan nang pwersado niya akong pinapasok sa loob. Walang ano-ano ay sinaraduhan niya ang pinto at itinulak pa niya ako lalo sa loob. Nanginginig sa takot, nangapa ako sa dilim. Wala akong makita. Sobrang dilim ng paligid. Tanging liwanag lang ng buwan mula doon sa maliit na bintana sa itaas ng pader ang maaaninag sa loob.
Sisigaw na sana ako pero natigilan ako noong magsalita na siya.
"Bakit ba ang kulit kulit mo?!" Dumagundong ang kanyang boses sa maliit na kwartong ito.
I covered my mouth.
I gasped in horror.
Lucas.
It's him....
"Bakit hindi mo na lang ako sundin?" Pagpapatuloy niya.
I step backward and I was taken aback when my back hits the wall.
Jusko, ano kayang gagawin niya sa akin?
Walang akong kalaban-laban kung dito niya tatapusin ang buhay ko.
Ayoko pang mawala.
Ayoko pang mawala lalong lalo na't malapit ko nang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Agatha.
But suddenly, his raspy voice softened for some reasons. "Dadalhin ka lang ng katapangan mo sa kapahamakan."
What the fuck is he saying?
Bumagsak ang mga kamay ko.
"Sundin mo na lang ako para hindi ka na mapahamak." He hissed irritatedly. "Just..." He sighed, "leave this to me. I want you safe."
What?
Is he protecting me?
Tinutulungan niya ba ako?
Anong kalokohan 'to?
"What do you mean?" I swallowed.
"Just don't get in my way." He hissed again then after it, I hear him grab the door knob.
"Ang gulo mo." Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. Ano ba itong pinalabas niya? Totoo ba 'to?!
Muli akong nakarinig ng pagtunog ng door knob, ngayon ay halatang pwersado na ang pagbukas niya sa pinto. Pero parang hindi niya iyon mabuksan.
BINABASA MO ANG
Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerSixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best friend questions the circumstances that lead her to the unlikeliest of people. ***** At...