Episode 8

27.4K 2K 583
                                    

Larby

One Year Before Agatha's Death

"Agatha..." I sigh.

"What?" She stuttered, halata ang pagkabigla sa kanyang boses. "Bakit ka napatawag?"

"I love you." Diretso kong sambit.

Ilang segundong walang sumagot sa kanyang linya. Malungkot akong bumuga ng hangin bago muling nagsalita. "Mahal kita, Agatha. Mahal na mahal kita--"

"Mahal mo ako?" She snapped and laughed sarcastically, "Mahal mo pero ginago mo? Nagpapatawa ka ba?"

Magsasalita na sana akong muli nang bigla siyang nagsalita. "Hulaan ko, iniwan ka na niya kaya ka ngayon bumabalik sa akin. So, option mo na naman ako? Wala ka na namang choice, kaya ka bumabalik sa akin?" She hissed and I can clearly feel the irritation on her tone. "Larby, hindi ako tanga. Hindi na ako tanga kaya't 'wag mo na akong gawing tanga. Hindi mo ako mahal-- minahal."

Sumikip ang aking dibdib dahil sa kirot. Ineexpect ko na 'to. Gago ako, eh. Ginago ko siya noong kami pa. Pinagpalit ko siya sa ibang babae. Iniwan ko siya dahil bigla na lang akong na-fall out of love. Basta basta ko na lang siyang iniwan sa ere nang wala manlang paalam. Nang walang explanations. Wala akong iniwan sa kanya kundi ang sakit na mag-isa niyang tiniis.

I'm a mess.

A fucking mess.

Alam kong ang kapal ng mukha kong bumalik lalong lalo na noong ako ang mismong nang-iwan.

Alam kong ang gago ko dahil binabalak ko na namang guluhin ang kanyang mundo.

Alam kong hindi na ako ang taong deserve niya.

Pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal ko siya at totoo na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kaso, huli na noong marealize ko 'yon. Natauhan ako na mahal ko nga talaga siya noong natauhan na siya sa kagaguhan ko.

Ngayon, hindi ko na alam kung mababawi ko pa bang muli ang feelings niya para sa akin.

"One more chance, Agatha. That's what I need to prove myself to you again." My voice breaks as tears started streaming down my cheeks. I lay on my bed and sadly stare at the ceiling.

"Ayoko na." Ang bawat salitang sinasambit niya ay para bang martilyo na hinahampas ang aking durog na puso. Pinipiraso nito ang masasakit na piraso nito. "Pagod na ako. Ubos na ubos na ako."

"Pero seryoso na talaga ako. Mahal na mahal kita at hinding hindi na kita iiwan. Pangako. Can't you just trust me?" I swallowed the growing lump on my throat.

"Mahal na mahal mo ako?" I can hear her sobs, "Kung mahal na mahal mo nga talaga ako, sa umpisa pa lang, ako lang sana. I'm sorry but I really can't do this." Bigla niyang pinatay ang tawag.

And there I am, left with nothing but my desolate sobs, my painful endless tears, my broken heart and my deteriorated hopes.

Wala na. Wala na nga talaga akong pag-asa kay Agatha.

Ang sakit.

Ang gago ko.

Ang sakit na ang gago ko.

***

Mag-aalas onse na nang umaga noong nagising ako. Hindi na ako makakaabot sa morning subjects kaya't napagpasyahan kong afternoon class na lang ang pasukan.

Ngayon ay nag-lalakad na ako sa corridor papunta sa aming class room. As usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga babaeng nadadaanan ko. If I am my old fucking self, I would've flirted them right away. Pero iba na ako. Magbabago na ako para kay--

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon