Cath
Ten Days After Agatha's Death
It's Tuesday morning, nandito na ako sa classroom at naghihintay na lang ng oras. Ako lang mag-isa ngayon dito habang ang paligid ay madilim pa dahil mag-uumaga pa lang.
Napaaga ang pasok ko. Letse kasing traffic 'yan! Baka kasi ma-late na naman ako kaya't inagahan ko na talaga ang pasok. Kaso sobrang aga naman nito, jusko.
Bumuntong hininga ako.
Ngayong araw nga pala ang simula ng pag-iimbestiga namin ni Luigi tungkol sa totoong nangyari kay Agatha. Paano namin iyon gagawin? Hindi ko pa talaga alam, ehe.
Napakarami pa kasing tanong ang naglalaro sa utak ko ngayon.
Bakit sinend ni Agatha kina Stephanie at Lucas ang message na sinend niya sa 'kin? Bakit niya 'yon gagawin lalo na't alam naman naming lahat na walang ginawa ang dalawang 'yon kundi ang pahirapan lang siya?
Dahil ba humingi siya ng tulong sa dalawang iyon?
Pero kung ganoon nga, bakit naman ayaw ipaalam ni Lucas sa iba ang tungkol doon? May gusto ba siyang i-tago?
Alam kong hindi pa sapat ang mga narinig namin sa kanya kahapon doon sa playground. Hindi pa iyon sapat na dahilan para masabing may kinalaman nga sila sa pagkamatay ng bestfriend ko. Puwede naman kasing natatakot lang silang mapagbintangan?
Pero ang pinakamahalagang tanong dito, bakit nga kaya may magtatangkang pumatay kay Agatha?
Gulong gulo na ako.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nasa harap ko na pala si Lucas. But, there is something wrong with his gaze. He is darting me a deadly glare.
Anong problema ng lalaking 'to? Bumalik na ba ulit siya sa trabaho niyang inisin ako?
Mag-aala sais pa lang ng umaga ngayon. Paniguradong kami lang dalawa ngayon dito sa classroom at malamang, sa buong school din.
"Give me your bag." He commanded with his cold baritone voice.
"And why would I?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Pero hindi niya ako sinagot. To my surprise, bigla na lang niyang hinablot ang aking bag na nakapatong sa arm rest ko.
"Ano bang problema mo?!" Iritado kong hinila ang aking bag mula sa kanya. Pero napakahigpit ng pagkakahawak niya doon kaya hindi ko na magawang bawiin pa iyon.
When I turned my gaze at his face once more, I was taken aback.
May iba.
Alam kong may iba sa namumuong emosyon sa kanyang mga mata.
Puno iyon ng galit, ng inis, at ng pagkairita.
It was so deadly that all I want is to just ran away and never come back again.
Bigla akong tinubuan ng kaba sa aking dibdib. Sa pagbilis ng tibok ng aking puso ay ganoon rin kabilis ang paglitaw ng malalamig na pawis sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerSixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best friend questions the circumstances that lead her to the unlikeliest of people. ***** At...